-Joyce's POV-


Until….

Sept. 24, nasa isang seminar ako ng Journalism.

Dahil pagkatapos ng seminar na yun, merong contest na dapat kong ipanalo.

I’m on the Editorial & Copy-Reading categories at ako lang ata ang studyante ng North ang naka-sched na um-attend sa araw na yun. Pero kasama ko si Sir Salvador, my instructor.

Nang natapos ang seminar, excited ako bumalik sa school.

Syempre, I need to see my boyfriend. ^__^

Pero naka-receive ako ng text galing sa kanya,”San ka?”

“Sa seminar, pero pauwi na ko. Balika ko jan North to see you. ;))”

“May sasabihin ako sa’yo, Joyce.”

“Nakakakaba ka naman, ano yun?”

“Break na tayo.”

“Ano?! Ha-ha-ha, ok, natawa na ako.”

Akala ko nung una, joke niya lang yun. Nung isang araw kasi, biniro din niya ko ng ganun. Tapos yun pala mag-break na daw kami sa Canteen, recess daw, kumbaga.

Pero some part of me ay kinakabahan talaga habang hinihintay yung sunod niyang reply.

“Hindi ako nagbibiro, Joyce. Ayoko na. paulitulit ko kasi naalala yung ginawa mong nakakahiya e. blahblahblah”

Basta’t yun lang ang naintindihan ko sa text niya.

Ang sakit kasi. Sobra. Tang*na niya, pinagpalit ko yung desisyon ng mga kaibigan ko para sa akin, sa desisyon kong mahalin siya at bigyan ng chance kahit nasaktan na niya ako.

At ngayon, heto ang makikita ko?

Fvck, Fvck, Fvck him! >________<

Gusto ko umiyak nung time nay un pero kasama ko pa sila Sir Noy kaya pinigilan ko.

Pupunta talaga ako sa North. Para pag nakita ko ang hayup nay un e masampal ko man lang.

At isa pa, kelangan ko ang mga kaibigan ko sa mga oras na yun.

I feel betrayed! B###sh*t!



---

A/N: WAAAAAIIITTTTT!! There's more. ^__^

Like/Tweet and comment ^^
 
 

-Joyce's POV-


Pero nung Sept. 5, pumunta kami kina Hazel. Gusto daw niya dalawin namin siya at nami-miss niya na kami.

Si Hazel ay kaklase at naging bff ko nung 1st yr. kaso hindi tinapos yung 2nd yr, maaga lumandi ayun, nagka-asawa’t anak na.

Akala ko talaga dalaw lang gagawin namin, hinatid pa nga kami nila Ermilo at Lorence.

Kaso sabi nga nila, mawawala ba sa magbabarkada yung inuman session pag nagkikita?

Ayun, tae. Gutom pa mandin ako, dahil wala pagkain sila Hazel. Di ko naman trip yung Macaroni Salad nila. At ang matindi, Pomelo Gin pa ininum namin.

Sinabi ko yun kay Lorence, bago simulant. Tinext ko siya. Umalis kasi sila agad pagkahatid sa amin, bukod kasi sa masikip, naiirita daw sila sa pagyoyosi nila Hazel at Bilog.

Sabi niya: “Ano, iinom?! Kala ko ba dalaw lang?”

Ako (sa text): “E akala ko din e. Isa lang naman daw e.”

Siya: “Hindi, isa, sige.”

Hindi ko naman na-gets na nagbabanta na siya sa text niya. Kaya sabi ko:

“Sige na, minsan lang naman daw to e.”

“Bahala ka ha, dalawa.”

“Uy, wag na tayo uminom. O kaya kayo na lang.”, sabi ko sa mga kaibigan ko, “nagagalit na kasi si Lorence.”

“Hala, ano yan?! Nanliligaw pa lang pinagbabawalan ka na?! Asan yan ng mahampas ko siya.”, react ni Hazel. Napakilala na kasi namin si Lorence sa kanya na manliligaw ko.

“Oo nga, ano yan? Wag siyang KJ! Tara shot!”, sabi naman ni Marj/Marjorie, kaming apat ang unang naging magbabarkada kasama si Sharlene pero di namin kasama nun.

Di ko na lang ni-replyan si Lorence, ayun senglot ako pagtapos. >/////<

Sinundo pa rin kami nila Ermilo at Lorence.

Pero alam mo yung masakit? Hindi yung galit siya dahil expected ko na yun.

Mas masakit yung mas inalalayan pa niya nun si Marj kesa sa akin.

Tangina. Edi naglakad na lang tuloy ako mag-isa nun.

Tapos sakay kaming tricycle na tinawag nila ni Ermilo.

Ako at si Lorence sa loob tapos sina Jewra at Ermilo sa likod ng driver.

Wala kaming imikan, pero nahihilo talaga ako.

Tinanong naman niya ako, “Okay ka lang?”

Tumango lang ako tapos hinawakan niya na yung kamay ko. *____*

Sh*t, hinawakan lang niya kamay ko ah, pero nawala na agad lahat ng selos ko kanina.

Ang lakas talaga ng tama ko sa lalaking ‘to.

Bumaba kami ng North, kung saan kami magkikita nila Marj para sabay-sabay kami umuwi dahil sa hiwalay silang tricycle sumakay nila Bilog at Cha.

Umupo ako dun sa malaking bato sa tapat ng saradong bakery. Tapos sinundan niya ako dun. Ewan ko kung anong sumapi sa akin nun.

Basta sabi ko kay Lorence, “Uy, wag muna kayo umalis, please? Sige na naman oh.”

Pero sabi niya, “Hindi pwede, Joyce. May alay-lakad pa kami bukas ng maaga.”

Sakit. Nire-reject niya yung request ko. Parang gusto ko lang naman siyang makasama kahit saglit dahil ang lakas pa ng tama ko at di pa ko pwede umuwi ng ganun.

Kaya ayun, niyakap ko siya tapos hinawakan ko yung kamay niya. Naiiyak pa nga ko habang sinasabi sa kanya, “S-sige na, please? Dito muna kayo sandali.”

Pero binitiwan niya yung kamay ko tapos sabi niya kay Ermilo, “Tara na nga, Ermilo.”

Ang sakit. Dagdag pa yata sa pagiging emosyonal ko yung pagkalango ko nun.

Ai Jewra, lumapit na lang sa akin habang naiyak ako.

Tapos biglang dumating na sila Cha, Bilog at Marj.

“Uy, ano nangyari jan?”

“Iniwanan ni Lorence. Letse yun, wag mo nga iyakan. Para kang tanga!”, sermon ni Jewra sa akin.

Tapos ewan ko kung ano nang nangyari nun. Basta pumunta na lang kami sa kabilang kalye, kung saan daw walang masyadong tao.

Sa kalye Delas Alas yun, likod lang ng school namin.

Dun ako, nagiiyak ng nagiiyak. Habang ayun sila, puro sermon, patahan at ngarag na pabalikin si Lorence.

Pero wala, ayaw na bumalik ng mahal ko.

Kung kelan kailangan ko siya? ;(

G@go yun, wag mo ng sagutin yun ha. T#ngina, iiwanan ka kung kelan mo kailangan.”, sabi ni Bilog sa’kin.

Kung kelan pa mahal ko na rin siya? Sh*t naman. Bakit pa niya nilabas yun ugali niyang yun?  L

Tapos bigla ko na lang hiniling sa kanila, “Tawagan niyo si EJ! Siya na lang papuntahin niyo dito!! Buti yun may paki pa saken!!”

At dali-dali naman nilang tinext si EJ. (Parang ang babait ng mga kaibigan ko nung time na yun?! :D Lagi nila kong sinusunod. :DD ULITIN KO KAYA?! :D)

At yun matapos lang ang ilang minute nilang pagtiyaga sa hagulgol at pagwawala ko, dumating si EJ.

My ever knight-in-shining-armor.

(A/N: Ooopppsss, have I told you na si Lorence ang lalaking version ni EJ? J)

“Bakit ba? Ano nangyari?”, tanong ni EJ sa amin.

“E iniwan ni Lorence, takte yun.”, si Jewra na halatang naiinis nun.

“Uy, EJ. Tayo na lang ulit. Sige na oh.”, sabi ko pagkayakap ko sa kanya.

“Hindi na nga pwede, di ba?” sagot niya.

Tae, ang swerte ko talaga sa gabing yun. Strike two. >_<

“Bakit? Dahil ba dun sa EMI na yun?”

“OO, eh.”

Nabanggit na niya sa akin yun. Hindi naman kami na-lost ng communication e. Matapos siyang iwan nung babae, ayaw na niya ulit makipag-relasyon muna.

“TARA! San ba bahay nun at nang mapuntahan! Aawayin ko yun e.”

“Hoy, Joyce! Wag ka nga maingay! May nabubulahaw tayo, paalisin tayo dito.”, sabi ni Cha na halatang nagtitimpi na lang.

“Taena, Vhy, pigilan mo ko masasapak ko na ‘to si Joyce e.”, sabi naman ni Marj kay Bilog.

Paano, di na kasi ako maawat sa pagwawala ko nun.

Wala na, totally mess with the spirit of the alcohol, kumbaga.

“Hayaan niyo na, lasing lang yan e.”, sabi naman ni Bilog.

“Joyce, tara na nga, umuwi ka na sa inyo. Pinagbigyan ka na ha. Ayan na si EJ, agad-agad.” – Marj

“Ayoko, ayoko pa umuwi!! Gusto mo bang patayin ako ng tatay ko sa gantong ayos ko?! Saka pabalikin niyo muna si Lorence!!!”

“E gaga ka pala e. hindi na nga babalik si Lorence, tangina naman neto e. WALA NA NGA PINABAYAAN KA NA OH!! KAMI LANG NANDITO PARA SA’YO!!”

“Teka, hindi ba pwede pabalikin si Lorence?!”, concerned na tanong ni EJ.

“Ayaw na nga bumalik! Ang arte, ang daming dahilan!:, pagalit na sagot ni Cha,

“Oh, easy Cha.”, natatawang sagot ni EJ.

“E kasi nakakainis! Walang kwentang lalaki! Nanliligaw pa lang yan ha!”- Cha

And we ended up running along Tramo St. corner Dandan. In short, malapit na sa bahay namin.

Habulan kami sa daan habang umuulan dahil gusto ko na daw magpakamatay.

Basang-basa kaming lahat. AS IN!

Then they decided to call my mom na. wala na daw paki kahit pagalitan kaming lahat, sabi ni Marj.

At hayun, sinundo ako ng nagtitimpi sagalit kong nanay.

Hawak niya yung malaking payong namin. At hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso para siguro hindi ako ma-out of balance.

“Ano ba problema mo ha? Kung may problema ka, sabihin mo sa amin, hindi yung nagkakaganyan ka.”, sabi ni Mama habang tinatahak naming ang daan pauwi sa bahay.

I just kept quiet at that time. Wala kasi akong maibigay na dahilan kung bakit nagkakaganun ako.

At napaisip ako, “Sa TV ko lang naririnig yung linyang sinabi ni Mama ha? Hahaha.”

At pagdating naming sa bahay.

Uhh-Owww..

Si Papa nagaabang sa hagdan ng kapitbahay na malapit sa pintuan ng bahay namin.

“Ano problem among bata ka ha? Bakit ganyan ka?!”

Alam ko nagtitimpi lang si Papa na saktan ako nun, buti na lang andun si Mama.

“Tama na muna, bukas na kayo mag-usap pag nasa tino nay an. Maligo ka jan, Joyce ha!”, sabi ni Mama.

Nagbuhos lang naman ako. Yes, still wearing my jeans and blouse, binuhusan ko lang ng malinis na tubig sa timba naming sa labas ang katawan ko. Tapos inabot na sa akin ni Mama yung tuwalya at nagbihis na ako.

“Bukas tayo mag-usap ha?! P*nyeta kang bata ka, pinapahiya mo kami ng Mama mo ha.” - Papa

“Tama na, wala pa sa hwosyo yan, pagpahingahin mo na.” – Mama

Tapos nahiga na ako, at bigla na lang kinuha ni Mama yung phone ko.

Siguro para alamin sa mga kaibigan ko yung nangyari.

Ok lang, nahihilo na talaga ako nun e. Kaya matutulog na lang ako.

Nagising naman ulit ako, alam ko gabi pa lang. dahil tulog na silang lahat e.

Hinanap ko yung phone ko at tinignan ang oras.

1AM.

Nabasa ko sa sent items kung ano mga tinext nila Marj para papuntahin sina EJ at Lorence. Hawak kasi nun ni Marj yung cellphone ko kaya dun na siya nakapag-text.

At nasaktan ako, sobra. Dahil sa mga nakakabalewalang reply ni Lorence.

Meron pa siyang sinabing, “Nakakahiya siya, ayoko na bumalik jan.”

 

E gago pala yun e. iniwan na ako, nahihiya pa siya sa mga ginawa ko samantalang wala naman siya dun?! WTF?!

Nag- GM (group message) ako sa mga kaibigan ko.

To Jewra, Marj, Cha, Bilog:

“Guys, sorry sa kagaguhan ko kanina. Sorry sa perwisyo, sorry talaga. But thanks kasi you didn’t left me. L”

Si Jewra nagreply, sabi: “Leche, grabe ka Joyce. Laking perwisyo mo.”

“Sorry L”

“Pero kaibigan ka naming e, walang iwanan di ba?” –Jewra

J Dun naman ako napanatag at natulog na ulit.

After that, buti at Sabado. Kaya wala akong kabalak-balak umalis ng bahay.

Pero pagdating ng Monday, Gahd. Gusto ko lumubog sa lupa. Feeling ko kasi bawat daanan naming nag-uusap ay ako ang pinag-uusapan. Sinabayan ako nun ni Mama, may bibilhin din naman daw siya sa labasan.

HOW I HATED MY SELF -____-

Pero ang ending naming ni Lorence?

Hindi ko siya binasted.

I disobeyed my friends’ opinions and what my mind is saying.

I JUST FOLLOWED MY HEART.

Pero hindi na natuloy ng 8 kasi nalaman niyang dun ko siya sasagutin, I made it on the 9th. Para nga naman 09-09-09 ^^

Mas maswerte daw kasi yun para sa mga nagbabalak sagutin ang manliligaw, para sa mga balak magpakasal at sa iba pang partners. Tatagal daw ang relasyon. ^^

OK naman kami after ko siya sinagot.

He continued being sweet. ^^

Sa kanya ko naranasan yung buhatin ng Boyfriend ko yung bag ko tapos ihahatid ako hanggang sa klase ko.

Tapos pag uwian, hihintayin niya pa rin ako matapos kahit mejo late kami nauwi dahil sa H.E. at ihahatid niya ako samin.

Pero hanggang sa kanto lang ng kalye namin, sabi ko. Baka kasi makita siya ni Mama.

He is so caring. He never reminded me of what happened on the night that I did something horrible.

He didn’t.

 
 

-Joyce’s POV-

 

Oo na, ako na tanga. Ako na magulo utak. E sa nagsawa na ako sa kanya, magagawa ko? Pero hindi ko siya pinaglaruan ah.

Ganun lang talaga ako e. Sa lahat ng naging karelasyon ko.

Yes, I’m admitting it.

Lahat naman sa 9 na sinabi ko sa mga kaibigan ko na naging boyfriend ko, 8 ay minahal ko. Kaso walo din (different set na) sa siyam dun, ako yung nang-iwan.

Sabi ko nun sa mga kaibigan ko, ako kawawa.

Ako niloko nila.

Ako pinagmukha nilang tanga kaya ko sila iniwan.

AKO yung pinalabas kong kawawa sa bawat ending ng break-ups ko.

Pero ngayon, aaminin ko na.

AKO ang may kasalanan sa lahat ng iyon.

At iisa ang dahilan.

NAGSAWA AKO!

Oo, madali lang talaga ako magsawa. At yung mga pinakase-seryoso ko na talaga, lagi kaming on&off. Una na dun si EJ. Hephep, hindi siya lalaki.

Hindi rin siya bakla. ^_^

Tomboy siya. Oo, pang-4th boyfriend ko na siya nun.

Ewan ko sa baliw na yun kung bakit ako na-adik dun.

Basta maraming beses kaming on & off sa loob ng isang taon. At sa bawat break namin, nagkakaroon din ng chance na magkaroon kami ng ibang relationship.

Until I got full of the on & off’s.

Ayun, ayoko na talaga. Siya din, umayaw at nagsawa na rin ata. Kahit pa nga mahal pa namin nun ang isa’t isa.

Baka kasi we just need to try loving other person para matapos na yung kalokohan namin sa mga sarili namin.

And there we tried to love others and open our hearts for relationships na baka mas magiging steady.

Kaso, ako naman pala ‘tong di maka-get over pala sa kanya.

Half a year after nung huli naming break up, bigla ko siyang na-miss. Sabi ko sa kanya, kami na lang ulit.

Ako na lang ulit.

Pero kamalas-malasan, may bago na siyang mahal e.

P#tragis naman. -_-

Kaya ayun, pinilit kong ibaling sa iba yung p#ny*tang magulong heart ko.

Ok naman, niligawan ako nung classmate ko, si Andaya (John Paul is his real name. Pero mas nasanay ako tawagin siya sa Andaya which is his surname.)

Naging kami.

Pero saglit lang.

Kasi ang immature niya. >.<

Tapos sumunod si Naje. Actually, surname niya yung Naje. Mary Rose talaga name niya, but since tibo nga sya, Naje na lang.

Bestfriend sila ni EJ, una nag-alangan pa nga siya ligawan ako. Kasi nga daw ex ako ng kaibigan niya. Tapos magka-team pa sila sa “table tennis” kung saan pareho naming silang pambato. Pero mas magaling si EJ ^_^

Ayun, tinanong ko siya kung kelan nagsimula yun. Sabi niya, basta nung summer daw after 2nd year, bigla na lang daw niya hinanap-hanap yung presence ko. Sinabi pa nga daw niya yun sa isang kaibigan naming si Kristia/Cha, yung gf ni Bilog (Ivy Lou, bff/tropa kong tibo din :p). at na-confirm ko naman yun kay Cha.

After niya umamin, pinayagan ko naman siyang ligawan ako.

Ang gwapo naman kasi nilang tomboy ^__^ Actually yung 2nd bf ko din, tomboy :D

Ako na, ‘di ba? Ako ng mahilig sa kanila. :p

Kaso parang di naman siya ganun ka-seryoso nun, nakipaghiwalay na ko.

Sabi ko sa kanya, ako na makikipagbalikan sa kanya pag seryoso na siya sa akin.

Ang dahilan niya, kaka-hiwalay lang daw kasi nila nung Clarisse, na matagal niyang naging jowa.

At alam ko yun, magkaibigan nga kami bago siya nag-confess di ba? At isa ako sa mga napagsasabihan niya ng mga problema.

Tapos nanligaw naman si Lorence.

Boy Scout member.

E di ba nga 3rd yr. Rep. ako sa SSG? At yung headquarters o HQ ng SSG at Boy Scout ay magkatabi lang.

E yung kaibigan din niyang si Ermilo, nililigawan si Jewra. Tapos ayun, bigla naman siya nanligaw.

Kamusta naman ang chura ni Lorence? Hmm, gwapo siya. Isang halimbawa ng tall, dark and handsome.  At singkit. (Ang aking weakness.  ^^) Crush ko nga siya nung second year kami e. ^__^

Kaya ayun, pinayagan ko naman manligaw.

Ganito pa nga nangyari nun e:

Ako at si Shirley, kasama ko din 3rd yr. Rep. at classmate, ang nagbabantay ng HQ. Pang-hapon kasi klase namin kaya umaga kami nagbabantay at naglilinis ng HQ. Bet naman din ni Shirley yun kasi sa tanghali, pagkapunta naming ng room, makakasalubong niya sa hagdanan ang crush niyang BSP din na si Simon, na 4th yr. noon.

Wala pala kaming walis tambo. Ewan kung saan napunta na naman. Tapos narinig ko may tao sa BSP, kakilala ko naman so, I borrowed broom from them.

Kay Rodrigo ako nanghiram, who calls Mommy, at Anak naman tawag ko sa kanya.

Ako: Rod, peram ako ng walis tambo, wala kami ditto e. Nawawala.

Rod: ‘My may gusto daw manligaw sa’yo.

Ako: Hala, walis tambo kailangan ko, hindi manliligaw! >//////<

Ermilo: Hahaha, e manliligaw nga daw sa’yo e.

Ako: Sino ba? (Tanong ko pero may kutob na ko kung sino kaya nga nahihiya na ko nun e. At kinikilig. O//////O Nakaktext ko na kasi nun si Lorence mga 3days bago yung araw nay un.)

Ermilo: Uy, Lorence, ikaw nga magbigay ng walis kay Joyce!

Ako: Hala, Rod, ikaw na kumuha. (Hahaha, kinikilig na talaga ako nun kaya ayoko kunin kay Lorence.)

Tapos si Shirley na kumuha nung walis, at kinuha ko naman sa kanya para ako na magwalis.

At habang nagwawalis ako sa loob, nagkakantahan naman sila tapos si Lorence yung nag-gigitara.

E iisang room lang naman talaga yung HQ naming at ang naghihiwalay lang sa dalawang HQ e yung 3 malalaking cabinet ng BSP. Kaya naman mayroong siwang na hindi nasakop ng cabinets sa itaas nun. At keri nilang tanawin kami sa HQ namin.

Rod: ‘My, para sa’yo daw ‘tong kinakanta ni Lorence o.

Para Sa’yo ng PNE ang tinutugtog niya.

Lumayo ka na sa akin, huwag mo kong kausapin

Parang awa mo na huwag kang magpapaakit sa’kin

Ayoko lang masaktan ka

Malakas akong mambola, di ako santo..

Pero para sayo

ako’y magbabgo kahit mahirap

kakayanin ko

Dahil para sa’yo

Handa akong magpakatino

Laging isipin, lahat ay gagawin basta’t para sayo oh..

Tapos lalo nilang nilakasan yung pagkakanta. Si Shirley tinutukso din ako. Hala, kinilig naman ako nun kahit hindi naman si Lorence ang nagsabi na para sa akin nga yung kinakanta niya.

Hindi ikaw yung tipong niloloko

At hindi naman ako ang tipong nagseseryoso

At kahit sulit sana syo ang kasalanan

Lolokohin lang kita kaya’t kung pwede wag na lang

At dahil ayoko lang masaktan ka, wag kang maniniwala

Hindi ako santo.

Pero para sayo

ako’y magbabgo kahit mahirap

kakayanin ko

Dahil para sa’yo

Handa akong magpakatino

Laging isipin, lahat ay gagawin basta’t para sayo oh..

Eeeeeeee, anebe! :D

Tapos nung patapos na yung 4th yr at mag-uuwian na, nag-ready na kami bumaba ni Shirley. Pati yung BSP dahil puro 3rd yr din silang bantay dun at susunod na rerelyebo ay mga 4th yr naman.

Sa labas ng HQ.>> Nakatayo ako sa tapat ng bintana ng building na may harang na mga rehas.

Ermilo: Joyce, pag nanligaw sa’yo, payag ka?

Ako: E wala naman sinasabi e. (Wala pa naman kasi talagang sinsabi nun si Lorence na manliligaw siya. Nakikipag-textmate pa lang siya sa akin nun. Nung una nga siyang nagtext akala ko si Kuya Lawrence, 4th yr BSP nung 1st yr lang kami. E crush ko din yun e :”>>)

Ermilo: Uy, di mo pa pala sinasabi e. Sabihin mo na kasi.

Tapos biglang tumabi si Lorence sa akin, sabay sabing, “Wag mo kasi ako pangunahan, Ermilo!”

Tapos yung lalong nagpakilig sa akin, “Hatid kita maya ha?”

Yiie, hatid daw? Achuuuuu. :”>>>

Sabi ko na lang, “Ok. J”

Tapos bumaba na kami ni Shirley para pumuntang kabilang building at umakyat ulit ng hanggang 4th flr kung nasaan ang room namin.

Yung room nila Lorence ay sa 3rd flr. Tapos yung kina Ermilo naman e sa kabilang dulo ng 4th flr, which is pang-apat na room mula sa amin. At yung anak kong si Rodrigo, sa kabila lang siya dahil section 2 siya.

Last subject namin nun e Home Economics, doon sa may ground flr ang room namin. Tapos na yung lesson namin pero may ilan sa amin ang hindi pa pwede umuwi hangga’t hindi namin tapos yung ibine-bake naming pastry para ibenta kinabukasan. At yun, nakita ko nga hinihintay ako ni Lorence kasama si Ermilo dahil kasama ko si Jewra sa group na magbe-bake nung araw na yun.

Si Jewra, panay tukso din sa akin, at siyempre ang ever baliw kong mga bff/tropa, ang Tropango. Kasama ko sa group sina Jewra at Arnie, except for Duday at Bilog. Pero dahil sa mahal naming ang isa’t isa, kasama sila sa naghihintay sa amin matapos. Kaya nung araw na din yun, nalaman din nila na manliligaw si Lorence.

Tapos after almost 2weeks ng panliligaw ni Lorence, may balak na kong sagutin siya next week na papatak ng Sept 8.

Kasi sabi ni Jewra Sept. 7 daw niya sasagutin si Ermilo dapat ako daw magkasunod lang kami.

So I decided na Sept.8 na lang. Para infinity ^__^ Sabi nila kasi, tatagal daw pag 8 yung number niyo ng mahal mo.

 
 

-Rowie’s POV-

Nung araw na nakita ko siya kina Yeyeth, January 8, 2011, hindi naman yun yung first time na nakilala ko siya.

Nakikita ko na yun sa North, kung san kami pareho nag-aaral. Madalas nung 2nd year. Pag nagka-cutting kami ng mga ka-klase kong mga g*go rin, mapapadaan din kami sa room nila. Madalas ko siya makita mag-recite. Kaya feeling ko matalino.

Pero snob e, kaya tinigilan ko na lang. Pantasya na lang siguro siya, sa isip ko.

At nun ngang nakita ko siya sa debut ni Yeyeth, sh*t, magkakilala pala sila?

Parang tanga nga yun nung una e. Sobrang lasing na. Paulit-ulit na siyang nagsusuka :D Pero hindi naman siya nakakadiri. Ang cute nga e J <3

Meron pang moment na hinalikan niya yung kainuman namin na parang kilala din naman niya. Boyfriend daw niya muna yun.

Smack lang pero matagal. Parang timang -_-

I find her so cute at that day. Kaya nung pinakilala kami ni Jojo, common friend pala namin, sabi ko, time ko na ‘to. Go, Rowie!

 

“Joyce, si Rowie nga pala.”, pakilala ni Jojo sa’kin.

“Ah, ano yun ulit? Towie?!”, tanong niya habang namumungay ang mga mata. Lasing na talaga ang babaeng ‘to.

“Hindi, Rowie!”, sabi namin ni Jojo.

“Ahh sorry naman.”, sabi niya pagkalipat niya sa tabi ko.

Woah, easy babe. Bakit tumatabi ka na sa’kin ngayon? Hehe, nakakaloko na talaga ako.

Nakita ko may ka-text siya sa phone. Parang Ronald ata. Sino naman kaya yun? Boyfriend niya?

“Teka, may phone ka ba?”, baling niya sa’kin pagka-send niya nung text niya.

“Meron pero di ko dala e. Akina save ko na lang sa phone mo.” Dali-dali kong sabi at kinuha ang phone niya. Mamaya magbago pa isip e ^___^

Binigay naman niya phone niya. Tapos nilagay ko na lang din yung name ko.

“Hala, Rowie pala name mo. Akala ko kanina, Jowie. :D”, sabi niya habang natatawa.

Ganito pala ‘tong babaeng ‘to, pag nalalasing, nabibingi :D Natawa na lang din ako at tinama nga ang name ko.

Tapos naghiwalay na kami. I mean, umalis na siya sa tabi ko. :D Habang ino-obserbahan ko siya, suka na talaga siya ng suka. Walangya, di pala sanay ata uminom, nakikipagsabayan dito. Mukhang kanina pa din siya nandito e.

Tapos lumapit si Yeyeth sa kanya, pinapa-akyat siya sa kwarto nito para makapag-pahinga.

Sumunod naman.

Pagkatapos ata ng 30mins. Bumaba siya. Nagpapaalam na sa mga kaibigan niya. Uwi na daw siya.

Sa isip ko, kaya ba nun umuwi mag-isa? Teka nga, “Joyce!”

Tinawag ko siya pero di ata ako narinig, nung mapansin kong may kasama naman pala siya. Mama ata niya.

At yun ang una’t huli naming naging pagtatagpo. J At yun arin ang umpisa ng love story naming :D

Ewan, 1 taon pa nga delay yung pagmamahalan namin e. Ang g*go ko kasi, aminado ako dun. Nahihiya ako pag lagi niya ko kinukulit makipagkita kasama mga kaibigan niya. E mukha kasi akog adik e :D

Nahihiya ako, syempre isang JOYCE VHEIL SANTOS, magkakaron ng manliligaw na tambay lang? Tsk.

Napa-background check ko na rin kasi siya ^___^ Hindi, nagtanong-tanong lang ako sa kapatid kong si Baldo, nabanggit kasi ni Joyce na magkakilala sila at nagulat din siya na magkapatid pala kami. Syempre hindi halata, mas gwapo ako dun e :P

Ayon nga, tinanong ko one time si Baldo.

“Uy, kilala mo si Joyce?”

“JOYCE VHEIL SANTOS?”, tanong niya.

“Oo yun nga.”

“O ano naman ngayon?”

“Nililigawan ko. J”

“Nyee, di ka sasagutin nun. Di napatol sa bobo yun.”

“Aray, grabe ka naman. ;(“, sagot ko. Pero totoo, nasaktan ako.

“Totoo naman e. Last boyfriend nun si Nico Jay Sagun. Honor stud din sa kanila yun, no?”

“So? Walang binatbat sa akin yun.”

“Tss, bahala ka sa buhay mo. Basta, wala ka talagang pag-asa dun.”

“E di, tignan natin.”, siyempre kabado din ako nung sinabi ko yun sa kapatid ko. Ewan ko, parang may something na alm ko mangyayari pero di ako ganun ka-sigurado dahil nga sa matalino nga naming babae yun, bakit sa akin pa babagsak?

I tried to forget about her. Di ko na siya bigla tinetext. Nagpalit ako ng sim. Tapos para talaga matigil na siya sa pag-iisip sa akin dahil madalas daw ako itanong ni Joyce kay Baldo, nagtext ako.

To Joyce:

“Hi, ano ka ba ni Rowie? Naka-save kasi no. mo sa sim niya e.”

Reply niya:

“Bakit? Sino ka ba?”

Ang taray talaga nito e.

To Joyce:

“Ako si Myra. Girlfriend niya ako. Sino ka ba? Ano ka niya?”

Hindi na ulit nagreply. Tae baka umiiyak na yun dahil sa akin. :>

After 10 mins…

1 message received.

Joyce’s reply:

“Ahh, ganun ba? Ok, sorry. Mama ko nagreply sa’yo kanina. I was sleeping nung nagtext ka at Mama ko nakabasa. Textmate lang kami, no need worry. Hindi mo ko kaagaw sa kanya.”

Ouch, textmate? E oo alam ko sa text pa lang kami nag-uusap pero yung mga sweetness namin sa text? Hindi naman pang-textmate lang yun e. -__- Dapat na ata talaga itigil ‘to.

To Joyce:

“Ah, akala ko kasi kung ano. Selosa kasi talaga ako e. Ayoko ng may kahati sa kanya. Naka-save kasi no. mo sa dati niyang sim kaya ayun. Sige salamat.”

At yun ang huli kong naging text sa kanya.

Kaso di ko natiis yun e. Nov. 2011, tinext ko ulit siya. Buti yun pa rin # niya J

Tapos nagtanong siya siyempre kung sino ako, nagpakilala naman ako.

At nakwento niya sa akin na wala na pala ang Mama niya. At nasa Laguna na sila nakatira.

Tae, bakit kasi wala ako nung time na down siya :/

Di rin naman nagtagal, balik kami sa dati. Ang sweet talaga ng babaeng yun, parang araw-araw kumakain ng asukal <3

Hanggang sa tinanong ko siya kung pwede ulit manligaw. At YEESS! Sinagot niya ako after ng 3 araw.

Easy to get? Hindi ko inisip yun. Kilala ko yun, baka mahal na talaga ako ;)))

Nakakahiya nga e. Ang tino-tino niya magtext samntalang ako, tsk. E sa ganun na ako mag-text e. Buti hindi naman niya pinupuna.

Pero ngayon, heto ako. Masakit na inaalala na lang ang nakaraan.

Kasama ang mga kurimaw kong barkada.

Ayoko na. Ayoko ng magpakatino. T@ngina, hindi naman ako sineseryoso.

 
 

-Third-Person’s POV-

*PLOOK* Balik sa kasalukuyan ang isip ni Joyce.

Grabe magli-limang buwan na pero kapag naaalala pa rin niya yung araw na yun, sobra pa rin siyang nasasaktan, to the point na naiiyak pa nga siya, gaya ngayon.

Pero, time to face the present.

Kailangan na niyang maligo pati mga kapatid niya para sa misang aatenan nila kasama ang mga pinsan at Tita Myrna niya. Hindi kasama ang Lola niya, ito kasi ang magbabantay ng bahay ng Tita niya. At ang Papa naman nila, palibhasa’y New Year, ayun lango sa alak.

Suot na niya ang bagong damit niya. At dahil bago nga ang damit, dapat may picture taking.

Sila-silang magpi-pinsan.

Pero nagmamadali na rin sila, kaya tigil din sila sa pag-picture. Pagabi na kasi at 30 minuto pa ang biyahe papuntang bayan kung saan naroon ang simbahang pupuntahan nila.

 

Marami ring tao. Buti naman at nagkakaroon sila ng oras to thank Him for another year.

 

Matapos ang misa, nag-aya kumain ang tita nila sa lugawan malapit doon.

Masaya naman silang nagkainan doon at gutom na rin sila.

At nang uuwi na sila,di maiwasan mapuna sila ng mga kalalakihan.

Aba, puro babae ba naman silang magpi-pinsan, at babae pa ang kasam nilang matanda na siyang nanay ng mga pinsan niya.

Hindi lang babae, magaganda rin syempre.ang sexy ko pa, hehehe :p

At pagdating nilang bahay ng tita niya, nag-bless sila sa Lola nila.

“Lola!”, sabi ng makulit niyang pinsan na si Aila na bagaman pinkamatanda sa kanila sa edad na 19, e parang mas bata pa sa kanila pag nagiging makulit ito.

“Oh, Joyce, akyat na kayo. Samahan niyo na ang Papa niyo dun.”, maya-mayaay sabi ng Lola niya.

Akyat na nga silang tatlong magkakapatid.

Inabutan nilang naghihilik ang Papa nila.

“SShh, wag maingay ha? Tulog na si Papa, baka magising.” Warning ni Joyce sa mga kapatid.

Buti tulog na si Papa. Tahimik na rin kami makakatulog.

>> 5 days later.

Umaga. Tapos ng bakasyon mula sa Bagong Taon.

At as usual, cellphone agad ang hanap niya pagkamulat ng kanyang mga mata.

Habit na niya yun tuwing magigising kaya nung nawalan siya ng cellphone dahil nabasag ng Papa niya minsang nalasing ito at nagalit, para siyang abnormal na naghahanap pa rin ng cellphone pagka-gising.

At ilang saglit lang ay maiisip niyang, “aww shit. Wala na pala akong phone.”

At ang gamit niya ngayon e yung binigay ng tita niya sa kapatid niyang N1110i. Keri lang kahit black&white. Hindi naman siya maselan basta ba may pang-text siya at kontak sa mga kaibigan at kay boyfriend.

Pero iba pa rin yung colored at may cam ;)

 

Si Rowie nagtext.

“Morning, boo. School na ko.”

Bagaman alam naman ni Rowie na hindi siya magre-reply dahil wala siyang load, nagte-text pa rin ito.

At yun mga bagay na yun ang nagpapasaya ng umaga ni Joyce. Feel niya kasi yung  pagmamahal nito.

Back to work din siya. Friday kaya dapat maglaba siya ngayon. Doon siya nakikilaba sa tita niya, nakikigamit ng washing machine.

After ng mahaba-habang labahan, makiki-usap naman siya sa pinsan niyang makiki-facebook sa PC ng mga ito. J

-Rowie’s POV-

19th January, 2012

Hinihintay ko lang naman mag-12AM at nang makapag-effort bumati sa sinta ko. Hehe, ang landi kong gwapo, di ba? E in love e. May magagawa ba kayo J <3

Saka nung huling monthsary kasi namin, siya yung nag-effort bumati sa eksaktong ika-12AM. Nakaka-touch din naman yun para sa’min mga lalaki, ‘no?

Ahemm, si JOYCE VHEIL SANTOS SANTARIN ang babaeng nagbalik sa akin sa katinuan. Ewan ba kung anong gayumang pinainom sa’kin nun.

Basta, 2nd monthsary na naming mamayang 12AM. J

10.30PM na. Nagpaalam na siya na matutulog na daw. Ewan ko, pero parang may iba sa kanya ngayon. Parang ang cold niya. ><

Kaninang tanghali at ngayong patulog na siya, yun lang ang time na tinext niya ko. Hindi ko na naman kinukulit. Baka busy lang.

Pero sabi ko din, baka strategy niya lang yun. ;) Para mas effective mamaya pag binati niya ko ng Happy Monthsary ^___^

12AM, binati ko na siya.

“Happy Monthsary, boo. Sana wag mo ko ipagpapalit sa iba ha? Ingat palagi, kahit malayo tayo sa isa’t isa, mahal na mahal na mahal na mahal talaga kita.”

Simple lang yung text ko. Ayoko naman habaan pa, sapat na siguro yung ganun J

Naghintay ako ng reply niya. Wala.

Baka nakatulog na nga. *yawn* Makatulog na rin nga.

To Boo<3:

“Good night, boo. Happy monthsary ulit sa atin, sana tumagal pa J”

At natulog na nga ako.

Pero alas-4 pa lang ng umaga, bumangon na ako.

Ewan ko ba, ang aga ko na lang lagi nagigising.

-.O

Habang nakadilat lang yung isa kong mata, tinignan ko phone ko at binasa yung text niya. 1AM yung oras ng text niya. Sabi:

“Sorry, boo. Hindi ko na nahintay yung 12AM. Inantok na e, kakagising ko lang ngayon. Happy Monthsary din sa’tin :*”

Bakit ang ikli? Tinamad? Tss

To Boo<3:

Ok lang, good morning J

Naghanda na ako ng pagkain. Aalmusalin naming lahat. Ang dami kaya namin.

Nakikituloy ako dito sa bahay ng Lola ko, kasama ang pamilya ng tita ko at mga pinsan. Nanay ni Mama ang tinutukoy kong Lola ko. Pano ako napuntang Samar?

Pinatapon lang naman ako ng magaling kong Ina dito, para daw mag-aral akong matino.

Ako pa sinisi, e nasa kanila ang problema. -__-

Bahala na sila kung kulangin to. May pasok pa ko, ‘no.

Pagpasok ko ng school, andun na naman yung mga mata nilang nakatingin sa akin. Problema ng mga ‘to? aswang ba sila at balak akong lapain? Hehe.

Ayun na lang nasasabi ko sa tuwing nakakakita ako ng mga ka-eskwela kong grabe makatingin. Simula pa yan ng lumipat ako e. Yung mga lalaki parang gusto ako hamunin ng suntukan. Pero dahil good boy na ako, di ko na lang pinapansin. At yung mga babae naman, halatang pa-cute. Tsk.

Sorry na lang sila dahil may Joyce na ako ^___^

At nagsimula na naman ang nakakaburyong klase. Ewan ba sa mga teacher na ‘to. bakit ba ang boring nila magturo? >.<

Nagtext si Joyce.

“Uy, sa klase ka na? kagising ko lang. :p”

Naman. 11AM talaga gising ng babaeng yun. Pero kahit tamad yun gumising, mahal ko yun :D Korni? Ganyan talaga ^__^

Nagreply ako ng patago mula sa teacher ko:

“Oo nasa school na ko. Wait. Maya na tayo text, boo, nasa klase pa ko e.”

Reply niya.

“Ok.”

At pagka-uwi ko ng hapon sa bahay, simula na naman ng usapan naming dalawa. ^___^

21st January. 4AM

Nagising na naman ako ng wala sa oras. Para lang makita ko ang isang text mula sa mahal ko na sumira ng buong araw ko.

“Boo, ayoko na. Sorry, ewan ko pero ayoko na talaga e. di ko pala kaya ang LDR (A/N: Long-distance Relationship)…. Blahblahblah

Mahaba pa yung text niya. Pero di ko na binasa pa. Isa lang naman pupuntahan ng text na yun.

BREAK NA KAMI. -____-

To Rey:

“Tol, tara. Inuman tayo kina Harry. Wag tayo pumasok mamaya.”

Sent.

Isa na namang mahabang pagsasama namin ni Red Horse ‘to.

 
 
------

A/N:

BABALA: Magkakaroon po ng mga sensitibong pangyayari sa kuwento. Kung ika’y kumakain, tapusin muna bago magbasa.

I dedicate this chapter to my mom. We love you and miss you! :* <3

Ang DOOMS DAY Ko.

-Joyce’s POV-

Ano ba ‘to? Bakit ba ko nagmamadali? E 4pm pa naman pupunta ng bahay si Edlyn. May date lang, Joyce? Tss.

 

Sa labas, nakasalubong ko ang barkada nina Xander, Chua, Janpol at Veejay na sa hula ko e magdo-DOTA, dahil nasa tapat lang ang mga ito ng computer shop sa kaliwa, na nasa school premises lang naman. Ewan ko ba kung bakit allowed yun dun.

“Xander, babe mo oh.”, ang kengkoy kong classmate na si John Paul na naging Jampol/Janpol ang palayaw.

“Uwi ka na?”, tanong ni Xander at tinanguhan at nginitian ko lang ito.

“Ingat.”

Ano bang trip nun at tinatawag akong babe? Por que ba naka-eyeglasses ako at nagmu-mukhang nerd? Tsk, boys talaga.

 

Pagtawid ko ng kalsada along UN-Taft corner, sasakay pa ng jeep papuntang Buendia. And from there, lalakarin ko lang hanggang Dandan, kung saan ang bahay namin.

Malayo-layo din ang lakaran. Pero kesa naman mag-inarte akong sasakay pa ng jeep, sayang ang 8php.

-Third-person’s POV-

Habang naglalakad siya, may nakikita siyang tindahan ng banana cue sa kanan niya. Ewan niya pero this days, trip niyang bumili nun. Pero hindi ngayon. Baka kailanganin ng Mama niya yung tira niyang 20php.

Sigurado kasi siyang wala na silang pera ngayon. Either ngayong biyernes ng gabi o bukas ng umaga pa mawi-withdraw ng Mama niya ang sweldo ng Papa niya. Hawak kasi nito ang ATM, hindi naman kasi alam ng Papa niya gamitin yun. Ang Mama niya, nagtrabaho minsang maliit pa siya (well, maliit pa rin naman siya sa edad niyang 16 kumpara sa iba :D so better say, “NOONG BATA PA SIYA”) at siya pa lang ang anak at ATM din ang gamit ng kumpanya nito sa pagpapa-sweldo.

And when she finally reached home, kumatok siya, binuksan na lang niya ang lock sa loob na abot naman niya mula sa labas, baka kasi tulog ang Mama niya.

At hindi nga siya nagkamali, nakita niyang nakahiga ito sa katre nila.

Uminom siya ng tubig sa pitsel na nasa lapag. Maliit lang ang kuwarto nila dun. Siguro 6 sq. m. lang ang lawak nun. 1500 lang naman ang upa, libre na ang kuryente dahil jumper/illegal. Ang tubig, iniigib nila sa kapitbahay sa halagang 2piso ang isang timba ng pinturang BOYSEN na green. Mama din niya ang nag-iigib nun tuwing umaga.

Naramdaman ata ng Mama niya na may tao, kaya bumalikwas ito at bumangon.

“Oh nandiyan ka na pala. May ulam pa ba jan.”, sabi nito sa kanya ng mapansing siya ang dumating.

“Hindi, busog ako,” matabang niyang sagot. Hindi kasi sila ok nung nakaraang gabi pa.

*Dahil kasi yun sa libro na kailangan niya sa school. Ang unang sabi kasi ng prof niya sa English, magdala ng kahit anong mini-pocketbook.

Ang nabili ng Mama niya, isang poetry ni Shakespear na dinala pa nga nito sa school niya nung mismong araw na kailangan niya. Umutang pa kasi ng pambili ang Mama niya at nung araw lang din iyon ito nakabili sabay dala na sa kanya.

At pagdating naman sa oras na yon, hindi naman nagturo ang prof nila. Naawa tuloy siya sa Mama niya.

At sumunod na araw, kailangan daw e novel pocketbook. Inis na inis siya nun kasi aksaya sap era yung prof niya. Hindi nililinaw.

Kaya naman nag-away sila ng Mama niya kasi nga ang sabi nito ihihiram siya sa kapitbahay. At nung gabi nga bago niya kailanganin kinabukasan ang libro, tinanong niya ito kung naihiram siya.

“Ay, nakalimutan ko sabihin sa’yo, wala daw siyang English, tagalog lang.”, sabi ng Mama niya.

Nainis siya kasi hindi niya alam kung saan pa makakahiram e gabi na tapos kailangan niya na bukas. Kaya nasagot niya ng pabalang ang Mama niya.

“Eh anong gagawin ko? Wala nga daw! Magsasabi ka kasi kung kailan agad-agad hindi yung maaga pa”, galit na sabi ng Mama niya. Marahil ay nagalit ito sa naging sagot niya.

“Nung isang araw ko pa nga sinabi sa’yo yun e, hindi ko pa sinabi ng maaga?”, galit din niyang sagot.

“Leshe ka, Joyce, tigilan mo ako ha.”

Nagtext na lang siya sa mga kaklase niya nung 4th year kung may libro ang mga ito.

Buti at may nagreply na nakatira lang din sa Dandan. Pinahiram siya nito ng twilight book.

At kahit nga may nahiram na siya, galit pa rin siya sa Mama niya. Ang nasa isip niya kasi, Sabi niyo pag-aaralin niyo ko, pipilitin niyo. Tapos pag ganitong may kailangan ako sa school, hindi niyo maibigay.*

Sanay na naman ang Mama niya sa ganoong sagot lalo kapag meron talaga silang napagtalunan. Wag lang siyang sasagot ng ganun at bad trip din ang Mama niya, dahil WW3 ang katapat nun.

“May tira ka pa ba jan pera? Akina, bili na lang kita banana cue.”

Inabot niya ang 20pesos mula sa bulsa niya. Alam ng Mama niyang may tira siya. 40 kasi binigay nito kanina sa kanya. 20pesos lang naman ang nagagastos niya sa pamasahe at alam din naman ng Mama niya hindi siya pala-bili dun sa school lalo’t nagbabaon naman siya ng kanin at ulam for lunch.

Ilang saglit pa at nakabalik na ito dala ang 2 banana cue, tig-isa sila.

Gabi pa naman kasi uwi ng 2 niyang kapatid. Yung isa, 3rd yr high school, yung isa naman grade 4 sa Pio kung saan din sila nag-elem. Libre kasi dun gamit e. Konti lang ang bayarin.

Nagtext naman ang bestfriend niya na papunta na sa kanila at nagpapasundo sa kanto ng Villanueva.

Hinintay naman niya ito, at sabay sila bumalik ng bahay.

Pagbalik nila, wala na ang Mama niya.

“Nasaan Mama mo?”, tanong ni Edlyn sa kanya.

“Ewan ko, kanina nandito lang yun e.”

“Oy samahan mo ko pa-print mamaya sa Tronix.”, request ni Edlyn.

“Ok, ano ba yan papa-print mo? At nasa’yo pa talaga yang cp ni Alpa ha?”, tudyo ni Joyce.

“Tse, babalik ko na to, bibigay ko kay Doy (nickname ni Leandro) tas siya na bahala magbalik, schoolmate naman sila.Papa-print ko lang yung mga pix ditto na request ni Benjie na fan sign. Tae yun, daming arte, hehehe.”

Si Alpa, ay ex ni Elaine. Naging bf nito yun nung 3rd at 4th year sila. Si Leandro naman o Doy at si Benjie ay kabilang sa mga magto-tropang boys sa’min na tawagin ay ALPARONICBENDADMER. Pinaghalo-halong pangalan/apelyido nila. ALPA (Alpajaro talaga ang apelyido, pinaikli lang)- RON (for Aron)- NIC (for Nico)- BEN (si Benjie/Bentong)- DAD (for Bondad na apelyido ni Doy/Leandro)- MER (for Homer).

“Tara, dagdagan natin. May mga ginawa rin ako fan signs, for family. Pa-print ko din.”

At nagpi-picturan nga sila nang dumating na ang Mama niya, may dala itong inihaw na balat at betamax (dugo ng manok).

“Anong ginagawa niyo jan?”, pabirong tanong ng Mama niya in a very husky voice.

Husky dahil yun sa madalas niyang pag-ubo na rin. Isang taon na rin siguro yun. Sabi naman niya, allergy lang daw yun. Nagpatingin na naman siya, konsulta in the right term. At sabi sa kanya, magpa-X-ray siya para malaman ang dahilan ng pag-ubo niya.  Pero dahil sa mas inuuna niya ang ibang bagay bukod sa kanyang sarili, ayun di niya pa sinusunod. Tsk, pasaway na nanay -_-

Ka-vibes naman kasi ito ng mga kaibigan niya.

“Hello po!  Nagpi-picture lang po.”, sagot ni Edlyn.

Wala naman sagot si Joyce. Tuloy lang sa pag-picture.

“Tara kain tayo oh. May kanin pa naman.”, aya ng Mama niya.

“Sige po, gutom na din ako e.”, biro ni Edlyn.

Ilang beses na rin naman nakakain ang bestfriend niya sa kanila lalo at pag may gagawin sila nung 4th yr sa school ng hapon, e sa Baclaran pa ito uuwi kaya minsan inaaya niyang sa bahay na lang nila kumain.

Ganoon din naman ang iba niya pang kaibigan na sina Duday/Riza Jane, Jewra/Jerazie, Bilog/Ivy Lou at Arnie. Si Joyce at ang 4 na nabanggit ay magto-tropang kung tawagin ay TROPANGO. Natural, dahil sa hindi naman katangusan ang mga ilong nila. Si Alpa ang nagbigay nun sa kanila. Pero bago pa man sila BINYAGAN ni Alpa, magkakaibigan na talaga sila.

At kumain na nga silang tatlo ng Mama niya kasama si Edlyn. Nagpabili si Edlyn ng softdrinks, na in-offer naman ng Mama niyang siya na ang bibili.

At pagkabili ng Mama ni Joyce ng softdrinks, resume na ulit silang mag-bff sa picture-picture. Nang biglang naririnig niyang sumusuka ang Mama niya. Nag-alala din siya pero inisip niya baka naisuka na naman nito ang pagkain niya.

Nang mga nagdaang araw kasi ay ganun ang nangyayari dito. Pero biglang…

“J-JOOYCE!!!”, ang Mama niya. Sa tonong hirap na hirap banggitin ang pangalan niya.

“MA!!”, tensiyong tawag ni Joyce.

Nakita niya kasi ang Mama niya, may dugo ang bibig, at ilong. Nagsuka na pala ito ng dugo. At hindi ng pagkain.

“Hala, bhes, yung Mama mo, ate Marivic!”, takot na ring sabi ni Edlyn.

Pero sumenyas ang Mama niya na patayin muna ang kuryente sa saksakan.

Alam niya ang gusto mangyari ng Mama niya. Aalis sila at dadalhin ko siya sa ospital.

Naiiyak na siya nun. Alala, takot, nerbiyos, halo-halo na ang emosyong bumabalot sa kaibuturan ni Joyce.

Lumabas na sila ni Edlyn para alalayan ang Mama  niya, nakita nga nila sa labas na puro dugo. Kaya pala lagatok ng likido ang naririnig niya nung nagsusuka ang Mama niya. Nauna ang bestfriend niya sa kanya kaya sinabi niya ditong, “Bhes, dali, tumawag ka ng tricycle sa kanto.”

Oh God, kailangan ko madala si Mama sa ospital kahit wala akong pera dito.

 

Sumunod naman ang bestfriend niya. Habang akay niya ang Mama niya palabas ng eskinita nila, binigyan niya ito ng bimpo. Baka sakali magtigil siya ng pagsuka ng dugo, pero nagkamali siya.

Patuloy pa rin itong nagsusuka, habang lumalabas sila. At mga kapitbahay nilang tsismosa’t tsismoso, ni hindi sila magawang lapitan para lamang tulungan. Parang nandidiri dahil sumusuka nga ng dugo ang Mama niya.

“Mama, wait lang ha? Pupunta tayong ospital.”, naiiyak ng sabi ni Joyce.

Saktong sa kanto ng eskinita, biglang nawalan na ng ulirat ang Mama niya, at medyo tumagilid siya kasi medyo nabigatan siya at hindi niya inasahan yun. Dun na may tumulong sa kanyang mga tambay para isakay sa tricycle ang Mama ni Joyce. Sa likod ng driver naman si Edlyn.

“Mama, gising ka naman, oh. Wag, wag ganito. Ma’ gising, please. Huhuhuh.”, sabi ni Joyce sa Mama niya na hindi maayos na naipwesto sa tricycle. Sa sahig ito nakaupo at ang ulo ay hawak niya sa kandungan niya.

Walang cover ang tricycle, kaya lahat ng madaanan nila, kita sila ng mga tao.

“Ay, sumusuka ng dugo.”

“Naku, kawawa naman.”

Lahat yun dinig ni Joyce. Reaksiyon ng mga taong nakakakita sa kanila. At kahit mabilis ng magpatakbo ang tricycle, “Manong, bilisan po natin. Huhuhu, Mama, gising naman oh.”

“Tulong po!!”, nasabi ni Joyce kahit nasa loob na naman sila ng tricycle papuntang ospital.

Pagkarating nila ng ospital, tumawag agad yung driver ng tricycle ng “EMERGENCY!” at may dumating na mag-a-assist sa kanila, dali-dali nitong hila ang stretcher kung saan isinampa ang Mama niya para maipasok.

Hindi alam ni Joyce ang gagawin. Andun yung maiwan niya ang tsinelas niya sa tricycle at yung sa Mama niyang tsinelas. Isa ng pares lang ang nakuha niya. Marahil ay nalaglag ang isa sa daan o pagkasampa ng tricycle. Sabi niya sa Manong driver, “Manong salamat po, huhuhuhu,”

“Neng, yung dugo dito, paano to?”

“Manong, pasensiya na po, wala akong dalang panyo panlinis jan.”

Alam niya nainis ang driver. Libre na nga naman silang dinala dun, narumihan pa ang tricycle nito. Pero wala muna siyang paki.

Kailangan niyang sundan ang Mama niya, kahit pa nga punumpuno ng dugo ang damit at short niya.

Kasunod niya pa rin si Edlyn.

Pagdating sa loob, tinanong agad siya ng nurse ng mga impormasyon.

At inasikaso naman ang Mama niya. Kaya lang andun yung nagtatawagan pa sila ng aasikaso sa pasyente, tapos parang walang gustong dumagdag na nurse.

Doon nainis si Joyce, habang umiiyak. At naroon pang tinawag siya para mag-pump ng oxygen. At hayun, iyak siya ng iyak habang pina-pump ng oxygen ang Mama niya. Tapos, may pumalit nang nurse sa kanya at pina-upo siya sa upuan.

May kumausap sa kanya, hindi niya alam kung nurse ba o doctor, basta sinasabi nito sa kanyang, “Kami ng bahala sa kanya, ano mo ba ang pasyente?”

“Mama ko po, please lang po, gawin niyo lahat.”

“Oo, shh, iha, tahan ka na ha? Upo ka na lang muna dun.

“Mabubuhay po ba ang Mama ko?”, bigla na lang naitanong ni Joyce.

“Titignan pa namin, iha, ok?” kalmadong sagot sa kanya.

“Maya-maya, umiiyak pa rin siya sa tabi, kasama ang bestfriend niya. Bhes, naramdaman ko e, wala ng pulso si Mama, pinulsuhan ko siya nung nasa tricycle. Bhes, ayoko, di ko kaya. Huhuhuh,” malakas na iyak niya. Wala siyang paki kung naiingayan man ang iba sa kanya.

“Tumigil ka nga, wag kang magsalita ng ganyan, ha?”

“Si Papa, hindi pa niya alam e. Bhes puntahan mo naman sa bahay, pauwi na yun e. baka pati mga kapatid ko umuwi ng wala pang tao dun, isama mo dito, please.”

“Oo, sige, dito ka lang, ha?”

Tinext niya ang kasamahan ng Papa niya sa pagbabakasakaling kasama pa nito ang Papa niya:

To Kuya.Chico

“Kuya Chico, kasama niyo pa po ba si Papa? Pakisabi po dinala ko sa ospital si Mama dahil nagsusuka kanina ng dugo.”

At tinext din nya ang Tita Connie niya na bunsong kapatid ng Mama niya.

Tumawag ito.

“Hello, Joyce? Saan ospital ha? Anong nangyari kay ate?”

“Tita, sa PCGH po, malapit sa simbahan ng Sta. Clara. Wala po kasi ako kasama dito, wala pa po si Papa, huhuhuhu.”

“Sshshhh, susunod na ako ha? Pupuntahan ko kayo.”

At pagkatapos ng tawag na iyon, may lumapit sa kanya, yung babaeng kumausap sa kanya.

“Iha, wala ka bang ibang kasama?”

“Wala po. Ako lang po.”

“E kailangan kasi natin lagyan ng tubo ang Mama mo para maialis naming yung mga namuong dugo sa loob niya.”

“Opo, sige po, gawin niyo po lahat ng dapat.”

“Ok, sige.”

At napa-upo na naman siya habang umiiyak. Walang humpay na pagluha habang tahimik na lamang siyang naka-upo sa tabi.

Pero ilang saglit e bumalik na naman yung babae.

“Iha, wala pa ba ang Papa mo?”, nababahalang tanong nito.

“Wala pa po, e. pero baka padating na po yun, sinundo po ng kasama ko kanina.”

“E, ilan taon ka na ba?”

“16 po.”

Biglang napatingin nag kausap ni Joyce sa kasama nitong nurse. Nakakabahalang tingin.

“Eh kasi, iha.. Wala na ang Mama mo. I’m sorry.”

“Hindi! Mamaaaa!!!!!!!”, napahagulgol na naman si Joyce habang tinutungo ang Mama niya. Niyakap niya ang Mama niya doon. Inabutan niyang inaayos na ng mga nurse ang mga aparatong ginamit sa pagsalba ng buhay nito. Pero wala.

Wala silang nagawa para mabuhay ang Mama niya.

At ang sakit-sakit sa kanya nun.

Noon dumating si Doy, tinawagan pala ito ni Edlyn para tignan siya doon.

Pero saglit lang ito doon, dahil hindi nito kinaya ang mga nasaksihan niyang pagtangis ng kaibigan niyang si Joyce.

Sa bawat luhang pumapatak mula sa mga mata ng babaeng tumatangis katabi ang malamig na bangkay ng kanyang ina, ay nakakasugat ng puso. Damang-dama ng naroroon ang sakit.

“Hays, ganyan talaga ang buhay. Ako nga bata pa rin ako noon nang mamatay ang tatay namin.”, sabi ng isa sa mga bisita ng pasyente din doon.

Habang patuloy siyang tumatangis, ay sinabihan siya ng isang lalaking nurse, o ewan ba niya kung janitor lang ata yun dahil wala sa bihis na nurse, na kailangan na daw dalhin sa morgue ang Mama niya.

At doon nga nila hinintay ang Papa niya. Dumating ang mga kaibigan at kaklase niya nung high school. Isa pala sa kanila ay nakitang dinala ni Joyce sa ospital ang Mama niya kasama si Edlyn. Pumunta sila doon para damayan siya’t aluin.

Pero ni isa sa kanila, walang naglakas-loob na lapitan siya, dahil lahat sila, habag na habag sa kaibigan at di malaman kung paano maiibsan ang sakit na nararamdaman nito.

Andun ang mapaluha sila. At  dumating ang kapatid niyang si Jozeth kasama si Edlyn.

“Bhes, yung Papa niyo wala pa e. Si Homer na lang daw maghihintay sa Papa mo at sinamahan ko tong kapatid mo dito.”

Hagulgol din ang kapatid niya sa harap ng kanilang Mama.

Dumating na rin ang Papa niya kasunod nga si Homer.

“Vic.”, maluha-luhang pagtawag ng Papa niya sa kanyang Mama. At nang narinig niya ang boses ng Papa niya, “Papa, si Mama.” At umakap agad silang magkapatid dito.

Nakita niya, namumula na ang mga mata ng Papa niya sa iyak, iyak na pinipigilan nito. Marahil para magbigay sa kanila ng lakas.

At sumunod ng dumating ang tita niya, umiiyak na rin ito ng makita ang labi ng kapatid.’

Nagprisinta na rin ang kapatid niyang si Josephine na umuwi para siya ng sumundo sa bunso nilang nasa school pa.

Doon lang napuna ni Joyce na naroon pala ang mga kaibigan niya.

“Joyce, condolence, sorry.”, sabi ng mga ito.

Umiyak lang siya sa harap ng mga ito.

Ang sakit kasi, sobra. Tapos inakay na rin siya ng mga kaibigan niya palabas ng morgue.

Ibinilin siya ng tita niya sa mga ito upang kumalma siya habang inaayos nito ang mga bills ng Mama niya.

Kinontak na din niya ang iba pa nilang kamag-anak para sabihin ang nangyari.

Dumating ang 4 niyang kaibigan. Sina Jewra, Duday at Ivy kasama ang gf nitong si Kristia. Wala si Arnie dahil nasa Bulacan na ito nagta-trabaho.

Inakap siya ng mga ito, at dun muli na naman siyang umiyak ng umiyak.

Nang mahimasmasan na siya kahit papaano, tinanong ng mga ito ang nangyari. Si Edlyn ang nagkwento.

Bumalik ang tita niya para umano hanapin nila ang doctor na sasagot sa bills nila. Nakalimutan na niya kung sino, basta lalaki ito. Tinuruan daw kasi ang tita niya sa cashier para wala ng bayaran pa, may binigay itong papel at papipirmahan lang daw sa doctor na iyon.

Hinanap nila, pero nasa OR daw umano ito. Kaya nang may mapagtanungan silang duktora na kasama ang grupo ng mga nurse kung nasaan ang OR, akala ata ng mga ito e nakunan si Joyce, dahil na rin siguro sa mga dugo sa shorts niya, itinuturo naman sila sa ER.

May narinig pa nga si Joyce na komento mula sa maraming taong nadaanan nila sa 2nd floor, “Naku, ka bata-bata pa e.”

Pero hindi niya na lang pinansin. Habang naglalakad sila ay umiiyak pa rin siya kaya ibinalik na lang siya ng tita niya sa mga kaibigan niya. At doon, tulala siya sa kawalan, habang patuloy na umaagos ang mga luha ng pagdadalamhati sa kanyang mata.



*******

A/N: Sorry kung mala-teleserye ang peg at di gaano ka-organize. Nadala ako e, masakit kasi alalahanin ;)

Please like/tweet po and comment :)

 
 

-Third-Person’s POV-

August 12, 2011.

Ang boring sa school.

Ewan ba niya. Parang atat na atat siya umuwi.

Hays, buti na lang ‘til 3.30 lang kami ngayon.

 

At habang hinihintay nila ang Psychology professor nila sa room, may nagsabi sa klase na wala daw ang prof nila ngayon.

At para maka-siguro tinignan ng ka-klase niya kung nasa faculty ito.

“Wala daw si Ma’am, nag-leave nung isang araw pa. next month pa babalik.”, sabi ng kakalase niyang si Mark. Ang isa rin sa matatalino niyang kaklase dun. Sa lahat ata ng naroon sa kuwarto, 2 o 3 lang ang galing public high school. The rest, galing private, malamang.

Paano siya nakapasok sa mamahaling college na ‘yon? Simple, nalaman lang niya noong may college fair sa kanila na may offer ang school na ito ng 100% scholarship kung makakapasa sa exam. At ang nakapag-enganyo talaga sa kanya e yung libre ang exam.

Kaya, ayun, pinagtiyagaan niya talagang lakarin ang mga requirements dun.

Wala kasi siyang maisip na magandang mapasukang university na walang bayad ang exam. Gipit din sila nun kaya kailngan niya ang ganung offer.

Marami rin silang magka-klaseng nag-try mag-exam. Pero ang last batch, 4 silang nagsabay.

Si Leandro, (naging Valedictorian nila at mahigpit niyang rivalry sa loob ng klase pero ka-tropa sa labas) Karl, Dianne at siya.

At alas! Siya lang naman ang tanging nakapasa.

Natuwa ang Mama niya, siyempre. Makakapag-college ba naman siya ng libre. At lalong natuwa ang pamilya nila nung maka-graduate siyang Salutatorian. Kahit hindi siya Valedictorian, ok lang sa kanya yun. At least, hindi na siya gaano problemado sa college dahil sa scholarship niya.

At nung Recognition Day, ahead sa Graduation Day nila, naka-ipon din siya ng 1700 mula sa mga special awards na binigay sa kanya. At nagkaroon sila ng advance celeb, bumili lang ng favorite niya ang Mama niya, pizza. Ordinary lang ang brand pero masarap at mura. Tapos, hinayaan na niya sa Mama niya yung ibang pera.

Nang nag-enroll nga siya ng college, 10 pesos lang ang binayaran niya. Lahat ng ID, Med at Dental check-up e libre. Nakakapagod magpabalik-balik pero tyinaga niya.

And there she was. Naguguluhan kung maniniwala na wala talaga ang prof sana nila for the last subject.

“Sure ka, Mark? Wala si Ma’am?”, tanong niya dahil uwing-uwi na talaga siya.

“Oo! Yes makapanood na kami ng laban nila Torralba sa canteen.”, excited nitong sagot.

Si Torralba ay isa sa 2 kaklase nilang basketball player na sobrang gwapo, laki kasi sa Texas at yung isa, si Igee, sa Chicago naman galing.

At bilang very supportive ang school nila sa mga sports events, pinapalabas sa TV sa canteen ang live na laban ng NCAA at pwede manuod kahit sino. Ke nag-cutting o hindi.

“A, ok. Buti naman. Uwing-uwi na talaga ako e.”

“Hala, sama ka muna sa’min, manood sa baba,” aya ni Mark kay Joyce.

“Ayoko, pupunta rin kasi bestfriend ko sa amin ngayon,” katwiran niya na siya naming totoo dahil tinext niya si Edlyn kanina na maaga siya uuwi at gagala sila sa Puregold pagka-uwi niyang bahay.

“Uy, kayo, wag niyo nga impluwensyahan yan si Joyce. Sige na, Babe, uwi ka na. Ingat ka, ha?”

Si Xander, ang kaklase niyang trip siyang landiin at tawaging “babe”. Ok lang naman sa kanya yun, besides, wala naman siyang boyfriend na magagalit. At isa pa, biruan lang naman nila yun dalawa.

“Si Xander talaga, alalang-alala lang sa babe mo?”, si Chua yun. Ang crush talaga ni Joyce. Si Don Wylie Chua. Ang cute kasi, singkit, maputi, kasi nga intsik. Basta, iba rin epekto sa kanya nito. Pero di naman siya pinapansin kaya hayun, dedma lang ang lola mo.

“Hehe, sige, babe, uwi na ko. Ikaw din ingat! Maaga ka umuwi mamaya ha?”, biro ni Joyce kay Xander.

Bye, Chua, my love. Hehe, syempre sa sarili niya lang yun nasabi. Hindi pa naman kasi alam ni Chua na may crush siya dito.

At may pagmamadali pa talaga siyang naglalakad, iba kasi talaga pakiramdam niya. Parang nakakakaba.

Pero nang nasa hagdan na siya, naalala pala niyang may isosoli siyang book sa Library. Kaya kumaliwa lang siya papuntang Library, kabilang building pero since may bridge sa 3rd floor na nagdudugtong sa bldg. 5 at 7, lakad lang ng di na bumababa at aakyat.

At pagka-soli nga niya, nag-retouch lang siya sandali sa CR. At yun, nagmamadali na naman siyang naglakad.

*************

A/N:

Ano nga kaya ang dahilan ng pagmamadali ni Joyce na kahit siya mismo ay hindi niya mawari?

Abangan :)


LIKE or TWEET :)) <3 COMMENT na din kayo ^^
 
 

-Third-Person’s POV-

BAGONG TAON.

Syempre magkausap na naman sila ni Rowie.

“Oh, kamusta naman Bagong taon niyo jan?”, tanong ni Joyce.

“Ok naman, masaya din naman. May sayawan pa nga dito e.”

“Ah, bakit may sayawan?”

“Eh sagot ng barangay. Parang gusto ko nga sumayaw eh.”

“Eh di sumayaw ka. Hahaha, I can’t imagine.”

“Uy, magaling ako sumayaw, ‘kala mo.”

“Hahaha, sige. Oo na lang.”

“Yabang nito oh. Ganyan ka na ha.”, kunwari nagtatampo pa si Rowie. Pero ang totoo, natatawa lang din naman siya sa pagyayabang niya.

“Hala, hindi naman e. Parang natutuwa lang naman. Sorry,” apologetic response naman ni Joyce.

“Hehe, joke lang. Heto naman naniwala agad na galit ako.”

“Ikaw kasi e. ;(“

“Oh, sorry na.”

Pause.

“Boo, pag uwi ko jan ng Pasay, ipapakilala kita kay Mama saka kay Papa.”

Ayiie, did I hear it right? Gusto niya ako ipakilala sa parents niya. Pero teka, hindi lang naman siya yung naging ganyan ang drama. Si Lorence din dati, ipapakilala ako tapos trip lang pala ako nun ligawan at pasagutin, hmp. Sana hindi naman siya katulad ng g*g*ng yun >.<

 

“Talaga? Eh baka kasi nakakahiya,” sagot ni Joyce na nahihiya talaga pero kinikilig.

“Hindi yan. Ipagmamalaki nga kita tapos mahihiya ka?”

Naks, may ganun pa talaga ‘tong mokong na ‘to.

“E, mabait ba Mama mo?”

“Hmm, minsan. Pero wag ka mag-alala dun. Sasabihin ko, o ‘Ma, wag mong aawayin tong mahal ko ha?’ Kundi ako makakalaban niya.”

“Grabe, baliw ka talaga.”

“Hehe, hindi basta, ako bahala sa’yo,” pag-a-assure ni Rowie sa kanya.

“Ihhh.. Parang hindi pa ko ready para dun eh.”

“E di i-ready mo yung sarili mo. Hindi pa naman ngayon, e. Ngayon agad?”

“Alam ko naman, ayos ka nambabara ka na ah. Ganyan ka na ha. Pinapahiya mo na ko,” nag-iinarteng kuno.

“Hahaha, hindi kaya.”

“Hmp.”

“Ano handa niyo?”, tanong naman ni Rowie.

“Ayun nagluto si Lola. Spaghetti, Salad, Biko, at so on..”

“Ahh, kami din may spaghetti e.”

“Ahh, ok.”

 

-Rowie’s POV-

Hmm, asarin ko kaya ‘to. Hehehe, try ko lang kung kakagat.

 

“Boo, alam mo meron kasi akong kaibigan dito e. Pumunta kanina, binigyan ako ng handa nila.”, haha. Mag-work kaya?

“Babae o lalaki?”

“Babae.”

“Oh, bakit ka naman binigyan ng handa nila?”

“Eh kasi minsan kasi nanghihingi sa’kin ng advice yun tungkol sa boyfriend niya. Nasa kabilang baryo pa kasi yun nakatira.”

“So?”

Hahaha, asar na talaga ’to, selos na halata e.

 

“Ayun, dinadamayan ko naman. Sabi ko nga minsan sa kanya, ako na lang e.”

“Oh yun naman pala eh. Eh di kayo na lang!!” Narinig ko medyo parang naiiyak na siya. Wow lang talaga J

“Hahaha, joke lang naman yun. Saka mahal na mahal nun yung boyfriend niya.”

“Ah so, kung hindi pala, kayo na lang talaga? Magsama kayo!!”

“Hahaha, o bakit? Uy, nagseselos.”

“Tse. Sinong nagseselos? Duhh, magsama pa kayo.”

 

“Hahaha, ano ka ba. Joke lang yun sinabi ko. Ikaw kaya yung nag-iisa at pinakamamahal ko.”

“Tse. Magsama kayo nung babaeng  yun. Wag mo kong kausapin.”

“Eto naman o, hindi na. Sorry na, kinuwento ko lang naman sa’yo para at least alam mo mga nangyayari sa’kin, di ba?”

“Sige mamaya ka na lang tumawag uli.”

“Uy, sineryoso talaga? Boo, sorry na, please?”

Tae , mali pa ata diskarte ko ha. Nagselos nga, inaaway naman ako ngayon, tsk, ang tanga mo, Rowie!

 

“Oo, na. Sige mag-chcharge lang ako. Bye.”

At binaba na talaga niya ang phone ng wala man lang akong sagot. Nagalit talaga. Hayyss..

-Joyce’s POV-

Pinatay ko na agad ni bago pa man siya sumagot sa kabilang linya.

Mokong na yun, pinag-seselos lang ako nun, tiyak. Pwes, ako naman mang-aasar sa’yo. Hehehe.

 

Tumatawag ulit si Rowie. Pero hindi ko nga sinagot.

Isa, dalawa, hanggang sa maka-sampung tawag na ito na hindi ko pa rin sinasagot.

Tumigil din ito. Pero nagtext:

“Boo, sorry na. sinabi ko lang naman yun para mapag-selos ka e.”

Hahaha, sorry, sorry ka ngayon, baliw ka. Hindi na ko galit, pero natutuwa pa nga ko kasi parang mas napapatunayan lang niya na mahalaga din yung nararamdaman ko kahit papaano.

Nagreply ako:

“Mamaya na tayo ulit mag-usap, boo. Mag-chcharge lang ako. Hindi naman po ako galit J Tawag ako mayang 12, ok?”

“Ok, sige. Love you :* ;)”, reply ni Rowie.

Di ko naman keri tiisin ‘yon e. Baliw nga ko sa kanya, di ba? ;)) <3

-Third-person’s POV-

12 am na! “HAPPY NEW YEAR!” Sabay-sabay nilang bating magpi-pinsan at sabay patunog ng mga turotot nila.

Biglang daan naman ng mga naka-motorsiklo sa kalsada at nagpapa-ingay ng mga busina.

“Hala, ang epal lang. ganyan talaga dito?”, tanong ni Joyce sa pinsan niyang si Aila.

“Oo, ganyan yang mga yan.”

“Oh well, New Year naman.”

Kaya lang sa tapat pa talaga ng bahay nila kaya sobrang ingay. Paharurot pang tumakbo ang mga motor ng mga ito kaya ayun! Wapak, may tumambling.

“Hala, ano yun? Tsk. Ayan, ang yabang kasi. Harurot pa.”, komento ni Joyce.

Buti na lang at hindi naman nasaktan ng lubha ang rider. Nadulas lang halos ang motor nito dahil sa bilis ng pagpapatakbo.

And back to driving naman ang mga riders.

Ewan ba, naiinis talaga ko sa mga lalaking ang ingay magpatakbo ng motor. Yung pinapa-ingay pa ang mga tambutso? Wapakels sa anumang tawag dun, basta parang ang yabang nila, sabi ni Joyce sa isip niya.

And so, hindi naman siya nagpa-apekto dun. Masaya pa rin ang New Year.

Iba-ibang tao na ang nakikita niyang naglalabasang mga kapitbahay nila at bumabati sa kanila na sinasagot din naman nila ng buong sigla.

May nagpa-fountain, meron din mga nagpapa-putok ng kwitis, 5star, piccolo, lusis. Meron din mga fireworks sa malayo pero tanaw nila dun sa pwesto nila.

Pero sila, torotot lang. For safety na rin saka, praktikal lang, mas masarap kumain ng madami kesa magpaputok.

Meron pa siyang kapitbahay na nakitang nagsusunog ng papel sa bintana. Tinanong niya ang pinsan niya ang ginagawa nun.

“Ah yun? Wishlist & New Year’s Reso(lution) yun. Isusulat mo sa papel tapos pag 12am na, saka mo susunugin.”

“Ahh, ganun pala yun. Ngayon ko lang nalaman yun ah. Ikaw, nagawa mo na yun?” tanong niya ulit sa pinsan.

“Oo, last year ginawa ko din.”

“Ano nangyari?”

“Wala, ayun nakalimutan ko din sinulat ko. Hahaha, hindi ko rin natupad yung Reso ko.”

“Hahaha, baka ganun yun. Para hindi ka na umasa sa wish mo, at para daw hindi ka makonsensyang hindi mo tinupad ang reso mo. :p”

“Haha, oo nga e.”

Tawanan. Hays, ang saya din pala mag-New Year dito. Pero mas maingay sa Pasay, mas maraming fire crackers. Hala tatawagan ko pala si Rowie.

 

Pagtingin niya sa cellphone niyang hindi pa tapos mag-charge, may 20missed calls na si Rowie.

Hala, 20 talaga? Hahaha, galit na ata to’.

 

Dialing.

Calling Rowie <3…

“Hello?! Kanina pa ko natawag sa’yo ha?”

“Boo, sorry. Nakalimutan ko lang talaga tawagan ka.”

“Nakalimutan? Tsk.”

Hala, nagalit na talaga. Paano ba to?

 

“Uy. Sorry naman. Nakalimutan ko lang talaga.”

“Nakalimutan? Kaya nga ako na tumawag sa’yo eh. Bakit hindi mo sinasagot?”

“Eh di ba nga naka-charge? E naka-silent din pala yung phone ko.”

“Yun, naka-silent. Tsk, sabi ko naman sa’yo wag mo isa-silent yung phone mo e. Para akong tanga kakatawag tas walang nasagot.”

“E, sorry na nga ehh.”, naiiyak ng sabi ni Joyce. Akyat tuloy siyang di oras sa bahay nila kung saan walang tao.

Nasa bahay kasi ng tita niya silang mag-anak.

“Oo sige na.”

“U-uy, w-wag ka na naman magalit. Promise hindi na talaga mauulit.”, halos garalgal na niyang pakiusap kay Rowie.

“Oo na nga, ok na.”

Ok daw e halatang napipilitan lang.

“E galit ka pa nga oh.”

“Hindi na po.”

“Ano ba yan, galit ka pa e.” Gusto kasi niya maging ok na muna sila ng hindi naman ito napipilitan.

“Hindi na nga, paulit-ulit?” natatawang sagot ni Rowie.

“Hays, ayan e di ok ka na.”

“Ikaw kasi..”

“Happy New Year, boo! I love you! ;)”

“Happy New Year, din! I love you, too, boo. Sana tumagal pa tayo.”

“Aww, sweet naman, sana nga J”

“Sige na. boo, tulog na tayo. Inaantok na ako e.”

“Ganun? O sige, good night. I love you.”

“Night. Love you din.”, sagot ni Joyce.

“O, baba mo na.”

“Ikaw na mauna.”

“E ikaw na gusto ko marinig na ibaba mo.”

“Hala, may ganun talaga? Ikaw na kasi.”, nakukulitan pero kinikilig na sabi ni Joyce.

“Too-toot-too-toot.”, nakakalokong sabi ni Rowie na parang nagpapaka-busy tone na kunwari e binaba na niya.

“Hahaha, ewan sa’yo! Sige na baba ko na nga to. Bye.”

“Hehehe, bye. Love you.”

At sabay baba na niya. Quota na ang langgam sa kanila. And that made her sleep better.

Pero may napanaginipan siya.

May maingay sa bintana at bubong nila habang nakahiga siya. At kahit papungas-pungas, naididilat niya ng kaunti ang chinitang mga mata niya.

May taong gustong pumasok sa bintana nila! Magnanakaw!

Ewan niya pero parang nakahubad ito at parang payat at maitim.

Nakikita niya kasing nakatuntong na ito sa bintana at alangan ipasok ang mga paa nito sa loob ng kanilang bahay.

Nag-aalangan pumasok dahil naririnig ata siyang nagigising at umungol.

Oo, umuungol siya dahil hindi niya maibuka ang bibig niya para gisingin ang Papa niya at sabihing may gustong pumasok sa bintana.

Bakit ganun? Hindi ko maigalaw ang katawan ko, kahit bibig ko. Natatakot na ako, papasok na yung lalaki. Baka anong gawin sa’min.

 

“Papa.” Kahit parang hirap, naisatinig din niya at parang narinig din ata siya ng lalaki at bigla na itong umalis.

Pinilit niyang idilat ng todo ang mga mata niya. Para kasing totoo na parang hindi.

At yun, naidilat na din niya ang mga mata niya. Gumagalaw nga yung kurtina sa bintana pero hangin lang pala. Ang lakas kasi talaga ng hangin noon. Kaya nga hindi na nila kinailangan pang mag-electric fan e.

Wew, para talagang totoo yung kanina.

 

Pinakiramdaman din niya ang sarili niya, hindi pa niya naibubuka ang bibig niya. Ibig sabihin, hindi totoong nagsalita siya at panaginip lang talaga yung kanina.

 

Hays, katakot yun ah. Pray nga muna ko.

 

At nagdasal nga muna siya bago muling nakatulog at hindi na muling nanaginip pa.

January 1. Unang araw para sa taong 2012.

Eto daw yung taon na guguho na ang mundo. Hmp, kaya ata ang sama ng panaginip ko kagabi. Hehe. Chosera.

Hindi talaga siya naniniwala sa DOOM’S DAY. Mas may tiwala siya sa Nasa Itaas na hindi sila pababayaan.

At kung totoo man ang katapusan, wala namang makakapigil dun. Kung katapusan mo na, katapusan mo na talaga.

At mamaya nga e magsisimba sila kasama ang tatlong pinsan nila, ang Tita Myrna niya at dalawa niyang kapatid.

At dahil bagong taon, bagong suot nila.

Tradisyon na sa kanila yun e.

Every year bibilhan sila ng bagong damit ng Mama at Papa nila. Papa nila ang bahala sap era na galling sa bonus nito, at sila mag-iina ang bibili.

Kung minsan sa Baclaran, minsan sa Divi. At ang huli nga na pinagbilhin nila nung nabubuhay pa ang Mama niya, ay sa Divi. Kasama naman kasi ang Papa nila.

Resulta? Nakipag-siksikan talaga silang mag-anak.

Pero masaya naman. Kahit sa cheap sila namimili at imitation lang ang mga damit, ok na yun sa kanya. Alam niya naman kasi ang estado ng pamumuhay nila. At di siya “social climber” para maghangad ng mga bagay na can’t afford nila.

Pero para sa susuotin nilang magkakapatid nang araw na iyon, bago din naman at sila ng Papa nila ang bumili sa isang boutique shop sa bayan.

Ok naman ang damit. Hindi masyadong mahal, hindi rin ganun ka-mura kagaya sa Divi at Baclaran. Pero pang-masa pa rin, ika nga.

At ang suot niya for that day, isang black polka-dotted dress na pinaresan niya ng isang brown Korean flat shoes na uso.

Komento nga ng Papa niya, “Ewan ko ba jan kung bakit black.”

“Eh bakit? Nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng Mama niya. Maganda naman a, babaeng-babae,” komento naman ng Lola niya.

“Hahaha, bagong taon talaga, Joyce, ha? Polka dots!”, sabi ni Aila.

“Hahahaha, para swerte,” biro din niyang sagot sa pinsan niya.

Pero sa totoo lang, na-cute-an lang siya dun. Nag-iisa kasi yun at wala na sa hanger nung nakita niya. Ilang beses pa nga siyang nag-alangan kunin yun. At ilang beses niya rin binalik-balikan.

Pero kapag nagda-dalawang-isip siyang kunin, nilalagay niya dun sa tagong lugar para walang makakita. Hahaha, oo. Para kung magustuhan talaga niyang kunin, walang mauuna sa kanya. At nag-iisa na nga lang yung dress dun kaya naman baka talaag maunahan siya ng kung sinumang magka-gusto dun.

At sa huli nga, kinuha na rin niya. Tama rin at some point ang komento ng Lola niya. Ayaw niya naman kasi magmukhang sobrang saya ng salubong niya sa New Year e unang Pasko at Bagong Taon nila iyon ng hindi na kasama ang Mama nila.

Mahirap, sobra.

*At bigla na lang niya ulit naalala ang araw na iyon.*

 
 

-Third-Person’s POV-

“Ah, eh. Wala po, ‘La. Bestfriend ko lang po yun, ganun lang talaga kami magtawagan, at mag-usap.”

Sana mag-work. *cross-fingered*

 

“Hmmm.. Ok lang naman yung mag-boyfriend. Basta matino at dito dapat sa bahay nanliligaw.”

“Eh wala po dito sa Luzon,” mahinang sabi ni Joyce.

“E nasaan ba?”, tanong ng Lola niya.

Hala, narinig ni Lola. Lakas ng pandinig :p

 

At dahil narinig na nga ni Lola niya, sasabihin na lang niya.

 

“Nasa Samar po.”

“Saan doon?”

“Sa Northern Samar lang din ‘La. Malapit nga lang daw po sa Barubay-bay eh.”

Tubong Samar kasi ang Lola niya, pero sa Maynila na rin nito binuhay ang mga anak niya.

“Malapit daw po ata sa Rosario.”

“Naku, ang mga tao dun, nakakatakot. Nang-lalason daw ng mga kaaway nila yun.”

Hala, por que? Pag gumagawa ng masama ang karamihan sa lugar nila, kasama din siya dun? Si Lola talaga.

 

“Eh hindi naman daw po ‘La sa mimong brgy. dun e. Ewan ko po dun.”

“Saan mo nakilala yun?”

“Sa Pasay po. Schoolmate nung high school.”

“E anong ginagawa dun ngayon?”

“Tinatapos po niya pag-aaral niya.”

“College na?”

“3rd year high school pa lang po, ‘La. Eh napapa-barkada sa Pasay kaya ayun, pinatapon dun sa Samar.”

“Ayy, naku. Hiwalayan mo na yan. Ayoko, ayoko jan. Aba’y hindi ka kayang buhayin niyan.”

Narinig ng pinsan niyang ka-close at halos bestfriend na rin niyang si Aila, kaya sumabat ito.

 

“Grabe, ‘La. Bubuhayin agad? Eh boyfriend pa lang naman.”

Korek. Sagot ni Joyce sa isip niya.

“Siyempre, dun na din mapupunta ‘yon,” sagot naman ng kanyang Lola.

Hindi po, ‘La. Sa sarili na lang ulit niya siya sumagot.

“Hindi, ‘La. Iba pa rin ang boyfriend. Pwede pa ‘yon magbago. Hindi naman pang-habambuhay na ‘yon.” -Aila

Winner ka talaga, cous. ;)

 

“Ayy, basta, tigilan mo yang lalaking yan. Hangga’t maaga e iwan mo na bago ka pa mahulog ng tuluyan,” pagtatapos ng Lola niya sa argumento nila ng pinsan niya.

Ouch. Ang lakas lang maka-kontrabida ni Lola. ;(

 

“Uy, tara, akyat na tayo. Tapos na kainan,” aya na lang ni Joyce sa mga kapatid niya. Malapit na kasi talaga siya maluha sa mga nasabi ng Lola niya.

Hulog na hulog na nga po, ‘La eh. Malalim ng binagsakan ko.

 

Nasa terrace na siya nun ng inuupahan nilang kuwarto. At naisip niyang i-text ang bestfriend niya kasi ang sakit, na gusto silang paghiwalayin ng Lola niya at yung malamang hindi ito boto kay Rowie kahit hindi pa sila nagkikita.

“Bhes?” paunang text niya sa bestfriend niyang si Edlyn.

“Oh, Merry Christmas ulit, bhes. Bakit?”

“;( si Lola kasi nalaman na niya tungkol kay Rowie.”

“Oh?? Ano naman sabi?”

“Ayaw daw niya dun, iwan ko na daw.”

At ikinuwento nga niya ang mga nasabi ng kanyang Lola.

“Tsk, bhes, Paskong-Pasko, problema agad?”

“Oo nga, e. Pero, pwede naman hindi malaman ni Lola e. Hindi naman techy yun. Wala rin naman magsasabi kung di ko pa hihiwalayan si Rowie.”

“Sabagay. Pero iba pa rin yung boto siya.”

“Alam ko naman yun e. Malay naman natin magbago pa.”

“Hays, sana nga.”

“Sige, bhes. Tulog na ako. Antok na eh. Shinare ko lang sa’yo. Sakit eh.”

“Ok, sige. Goodnight.”



---

A/N: COMMENT ! :D
 
 

-Third-Person’s POV-

Dalawang buwan lang e lumipat din sila ulit. Hindi kasi nila kayang bayaran, lalo pa at tinatapos pa niya ang unang semestre niya sa kolehiyo sa Maynila, back and forth, 150pesos ang pamasahe niya, araw-araw.  At hindi pa nakakabalik nun ang Papa niya sa trabaho.

Buti na nga lang at may bakante ng unit sa tapat lang ng bahay ng Tita Myra niya, (ikatlong anak ng Lola niya, at ika-apat naman ang Papa niya) kung saan nakapisan ang Lola niya. Hindi pabigat ang matanda sa tita niya, pinapadalhan kasi ito ng tito niya na bunsong anak nito, kaya nga’t palagay ang loob nitong tumulong sa kanila.

(Nagsalita ng waray si Rowie.)

“Anong sabi mo? Hahaha, leshe ka. Nagsalita ka na naman ng hindi ko naiintindihan. Umayos ka nga. Hahaha.” :D

“Wala sabi ko, MAPA ka ba?.”

“Hmmm, bakit?”

“Eh sa tingin ko, ikaw na ang MAPApangasawa ko. ;))”

“Hehehe. Ikaw talaga.”

“Alam mo, boo (BOO ang endearment nila sa isa’t isa, si Rowie ang nagbigay nun), ok lang sa’kin na nandiyan ka nakikinig sa mga problem ko. Ok na yun.”

“Sus, ang drama naman nito. Syempre kaya mo nga ako girlfriend, di ba?”

“Kaya nga swerte ko talaga sa’yo.”

“Nakow.. Hehehe.”

At hayun nagpatuloy lang ang walang humpay nilang pag-uusap sa phone. Unlimited call naman kaya wala silang problema. ;)

Nasa Samar kasi itong si Rowie. Pero sa Pasay sila nagkakilala. Napunta lang siya dun dahil na rin sa kagustuhan ng Mama nito. Ilang beses na kasing nahihinto ng pag-aaral dahil sa pakikipag-barkada.

Andun yung may kaaway siya sa ganito, aabangan siya, pagti-tripan, kaya hindi na lang siya papasok.

Kaya nga nasa ikatlong taon pa lang ito sa high school kahit magkasing-edad lang sila. Well, mas matanda lang ng konti si Joyce. Mga apat na buwan lang naman ang pagitan.

At hayun nga ang desisyon ng Mama ni Rowie, ipatapon siya doon sa lugar kung saan malayo sa barkada niya. Para na rin makapagtapos ito ng pag-aaral.

“Boo, ikaw lang talaga ang inspirasyon ko. Kaya nga ko ginaganahan pumasok araw-araw dahil sa’yo. Pag nga tinatamad ako pumasok, naiisip ko lang, ‘ay magagalit si Joyce pag di ako pumasok.’ Kaya mapapabangon na rin ako.”

“Weeh?” eksaheradang tanong niya. Pero sa totoo lang, kinikilig talaga siya.

“Oo nga, promise.”

“Mm-hmm.”

“Parang ayaw pa maniwala ah.”

“Naniniwala ako. J”

“Kaya dapat behave ka lang jan ha? Mamaya niyan nagpapaligaw ka na rin sa ibang lalaki. Naku.”

“Mukha mo, ni hindi nga ko nalabas ng bahay. Yung mga pinsan ko nga lang dito ang kaibigan ko. Baka ikaw, nakikipaglandian lang jan, hmp.” Kunwari nagtatampo.

“Hindi, ‘no. Ikaw lang kaya mahal ko.”

“Talaga? Promise?”

“Promise.”

“Eh di, mabuti.”

“Eh di mabuti din.”

“Hehehe.”

…..

Wala ng mapag-usapan.

Si Rowie, “Ui, kwento ka naman ng nangyayari sa’yo jan. Ako na lang lagi?”

“Ako? Eh wala naman ako maiku-kuwento eh.”

Wala naman talaga. Kasi hindi na siya pumapasok.

Oo, pagtapos ng unang semestre, huminto na rin siya.

Natanggal kasi yung scholarship niya. Hindi umabot sa grade quota. Pero konti lang naman ang pagitan.

Lahat nga ng scholar ng taon na iyon, sa batch nilang unang taon sa pribadong kolehiyong iyon, eh walang nakaabot sa quota. Kaya gumawa ng paraan ang butihin nilang Admission Head para paki-usapan ang Presidente na babaan na lang ng 50% ang tuition at huwag tuluyang alisin sa kanila.

Nangyari nga. E kaso, kamusta naman yung 50%? Hello? 18k per sem pa rin kaya ang babayaran niya dun. Alam niyang hindi na nila kakayanin yun, kaya lilipat na lang sana siya ng state university doon sa Laguna.

Kaso, badtrip talaga ang tadhana. Yung nasa malapit nila, hindi tumatanggap ng 2nd semester enrollees.

Kaya try sila ng pinsan niya sa pinapasukan nito. Medyo malayo, dahil kabilang lungsod na iyon. Pero iyon na ang pangalawang mas malapit na public.

Pwede naman kaso, huling araw na pala iyon ng tanggapan ng transferee. At wala siyang dalang requirements dahil mag-iinquire pa lang sana sila.

In short, wala siyang napasukan ng taong iyon.

“O sige ako na lang ang magku-kuwento.”

At nagpatuloy na nga lang sa pagkuwento si Rowie.

Hagikgik, tawa, “ahh”, “hehehe”, “o tapos”. Panay ganun ang sagot ni Joyce.

Wala naman kasi siyang kinalaman sa mga kinukuwento nito.

In other terms, walang kakuwenta-kuwenta ang pinag-uusapan nila.

Pero dahil sa mas gusto nga nilang kausap ang isa’t isa, na tanging paraan lang para magkaroon sila ng ugnayan kahit nasa malayo, sige lang. Gorabells lang sa usap.

Pag na-lowbatt na pareho ang cellphone nila, titigil. Tapos tawagan ulit.

Hanggang sa matapos ang unlimited calls.

Minsan sa isang linggo isa sa kanila ang magpapa-unli.

Tapos yung weekdays, na kagustuhan ni Joyce na wag silang magtawagan para hindi naabala si Rowie sa pag-aaral, text lang sila.

Pero tatawag o makikitawag pa rin si Rowie kapag wala daw silang teacher.

Yun at yun ang nagiging routine ng relasyon nila.

Bago kay Joyce  yun, kung sa seryosong relasyon lang din naman.

Meron na rin kasi siyang mga naging ka-relasyon na hanggang phone lang. pero hindi niya sineseryoso dahil alam na alam din naman niyang trip lang siya ng mga yun.

Pero iba kay Rowie eh. Hindi din niya maintindihan kung paano naging iba.

Basta, bago sa kanya yung nararamdaman niyang yun.

“Promise mo, boo, wag kang magsasawa sa akin, hangga’t mahal pa kita ha?”, biro ni Joyce.

“Hinding-hindi, basta ikaw din ha?”

“Boo, alam mo bang dating farm ‘tong puso ko?”, banat ni Joyce. Uso kasi talaga sa kanila ‘yun. Para naman kahit papano, may sweetness na dala yung mga tawagan nila.

“Aba, bumabanat ah. Bakit?”

“Kasi dati maraming hayop, ngayon, COW na lang :”> Hehehe..”

“Ayii. Oh ako naman. Wait. Ahmmm…”

“Ang tagal, walang maisip? :p”

“Wait lang, excited lang kiligin?”

“Hahaha, duuhhh?!”

“Eto, boo. Kailan ba kita pwedeng tubusin?”

Joyce, “Aba, bago yan ah. Bakit?”

“Eh kasi sobra-sobra na ang interes ko sa’yo e. J <3”

“Yun naman. Boo, dalawa ba puso mo ngayon?”

“Ha, bakit?” May pagka-exagge pang sabi ni Rowie.

“Eh kasi binihag mo na pati puso ko e.”

“Ayiie, kinilig ako dun ah. Hahaha.”

“Hahaha.”

PASKO.

Halos hindi na naiiwan ni Joyce ang cellphone niya. At hayun nga at narinig siya ng kanyang Lola minsang kausap niya si Rowie.

“Oh sige na, boo. Tawag na lang ako sa’yo mamaya ha? Kakain lang kami. Bye. Love you, too.”

“Aba, aba, sino yang ka-aylabyuhan mo dyan?”

Naku, patay narinig ni Lola. Pano ‘to?  x_x

 

    Ang Babaeng...

    My first ever self-made story.

    Tinatampok ang Dyosang nilaglag sa lupa upang maghasik ng kagandahan. :D Bwahahah, dejokelang! Sige basa na lang. Baka maumay pa kayo e :p

    Ewan ko kung bakit ‘yan ang title ng sarili kong istorya.

    Malamang sa alamang, ang unang dahilan ay dahil sa ISA AKONG BABAE. :D

    Oo, hindi ba halata ang kagandahan ko? Bwahaha :D

    So, eto na talaga.

    Eto rin yung istoryang di ko tinuloy :D Yung My Opposite Dream Guy – BOO-hay Ko.

    E kasi naman, in love ako nun nung ginawa ko yun :D

    O tapos naisip ko, hindi lang naman puro tungkol sa’min ang istoryang ‘to. At wala na rin KAMI </3 :D

    Ewan ko nga ba kung san patungo ‘to :D

    Parang ano lang.

    Parang diary ko na lang :D

    Oo, tama :D So, it means, bahala na si Lord :)

    Kapag kinuha na niya ako, wala ng UD :D *tok tok tok*

    So, enjoy kung enjoy.

    OUT kung wawents  :p

    Archives

    February 2013

    Categories

    All