PROLOGUE

"Huhuhu, ayoko na dito. Aalis na ako. Bahala na si batman kung saan ako dadalhin ng paa ko."

Sambit ng dalagang umiiyak sa gitna ng kalsada habang bitbit nito ang dalawang malaking handbags at isang backpack sa likod.

Pero saan nga ba siya talaga dadalhin ng paa niya? To think na wala naman siya ni singko sa bulsa. Like hello?? Highway pa 'tong nilalakad niya at malayo pa sa mga kabahayan.

Di uso sa probinsiya nila ang closeness ng mga bahay e. Kaya nga puro damuhan ang nakikita niyang nararaanan niya.

Kung dati kapag napapadaan siya dito ng puno ng takot sa dibdib, iba ngayon. Puro kasi lungkot, galit at disapppointment sa pamilya nila ang umuookupa sa sarili niya.

Bakit lagi kasing ganun? Lagi na lang ba siya ang dapat magpasensiya? Laging siya ba ang dapat umintindi? Lahat naman sila pare-parehong may matinong pag-iisip, kaya di ba dapat tulong-tulong sa lahat ng problema? Pero bakit parang siya lang lagi ang sumasalo sa mga iyon? Siya lang ang laging bumabalikat?!

Napahinto siya sa paglalakad ng muli na namang nagpaagos ng masaganang luha ang mga mata niya. Mugtong-mugto na nga ang mga singkit niyang mata dahil sa kakaiyak mula ng kanina pang maglayas siya sa bahay nila.

Oo, bahay. Wala naman na ata silang tahanan. Bahay na lang iyon.

"Mula ng mawala si Mama, wala na. Wala na. Ang galing niyang manghula sa hinaharap.. Ang galing, bakit hindi kaya nag-sideline ng panghuhula si Mama nung buhay pa siya?" biro ni Jane sa sarili, pinipilit niya kasing patahanin ang sarili pero ayaw umepekto kahit sa korning jokes niya.

"Grabe ka, 'Ma. Ang daya mo. Ikaw dapat bumabalikat nito e. Ikaw dapat namruroblema dito kay Papa. T@#!#@ lang kasi, parang gusto pa ata nun isisi sa'kin pagkawala mo e."

"Bawal guluhin ang mga nananahimik na sa kabilang buhay."

Nagitla si Jane sa estrangherong nakisabat sa moment niya. Pero hindi na lang din niya pinakita ang pagkabigla niya, wala siyang time para dun, kasi nga okupado ng mga sentimyento niya sa buhay ang buong pagkatao niya sa mga oras na iyon.

"Kung pwede ko lang hilahin pabalik ang Mama ko, ginawa ko na. Wala akong paki kung kapalit nun e puro kamalasan sa buhay namin basta maibalik ko lang yung nag-iisang kakampi ko sa bahay. Nakakasawa na kasi, puro mali ko ang nakikita, puro pagkukulang ko ang napupuna. Wala na akong nagawang tama sa mga mata nila."

Sagot niya sa estranghero ng di tumitingin dito.

"E di sana hindi ka gumagawa ng mali."

Tinignan na niya ang lalaki sa pagkakataong ito. Gwapo, maputi kasi parang nagg-glow ito sa dilim, at kahit ilaw lang ng poste ilang metro ang layo sa kanila, kita niya ang red-brown eyes nito. Para ngang foreigner e pero hindi kasi nagsasalita nga ng tagalog at very fluent, walang slang.

Matapos niyang kilatisin, tinaasan niya ito ng kaliwang kilay niya.

"Hoy, kuya stranger, wala ka namang alam sa pinagdadaanan ko kaya wag mo kong pangaralan."

"Hindi ka kasi marunong makinig, yan ang problema nila sa'yo."

"At saan naman galing yang komento mong yan, aber?"

"Edi sa'kin, tanga lang?"

"Aba't..."

"Kung ako sa'yo, wag kang pagala-gala dito sa kalsada, gabi na at isa pa, hindi mo ba nakikita ang paligid mo? Puro damuhan, hindi mo naiisip na ang daming gumagalang halang ang kaluluwa sa mga oras na ito?"

"Ayoko nang umuwi sa'min. Hindi mo rin ba nakikita na ang dami kong dalang gamit?"

"So, saan ka naman pupunta niyan?"

"Sa Maynila. Bahala na."

"Hmm, sa tono ng pagkakasabi mo, wala kang siguradong pupuntahan 'no?"

"Wala nga. Saka ano kasi-"

"At wala kang pera?"

"Paano mong-"

"Ang dali kasi basahin ng kilos mo. Sa bahay ko na lang muna ikaw magpalipas ng gabi, pwede rin mag-stay kung gusto mo. Mag-isa lang naman ako dun kaya walang magagalit."

"At paano mo naman nasigurong sasama ako sa'yo?"

"Simple, wala kang pera di ba?"

So ang snasabi niya e yung.. OH NO WAY!

"A may kapalit ang pag-stay ko sa bahay mo if ever, ganun ba?"

"Siyempre, Miss. Wala ng libre sa panahon ngayon."

"At ang hinihingi mo bang kapalit ay ang..."

Ngumisi ang estrangherong lalaki. At saka lumapit ng bahagya sa kanya.

Samantalang si Jane naman ay hindi na mapakali sa paglapit ng lalaki sa kanya at kinakabahan siya baka kung anong gawin nito. Wala pa mandin siyang makitang ibang tao o nagdaraan na sasakyan man lang.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Bulong ng lalaki sa kanyang tenga in a husky voice. Nakakapang-akit este, nakakatakot, sa isip ni Jane.

"Ho-hoy mister! Layuan mo nga ako!" Sabay tulak sa lalaki palayo.

"Wala akong balak ibenta ang sarili ko no! Diyan ka na nga, wag mo kong susundan kundi tatawag ako ng saklolo!"

"Seriously, sa tingin mo may tutulong sa'yo dito?"

Unti-unti na naman lumalapit sa kanya ang lalaki.

"Gusto lang naman kita tulungan, ayaw mo ba?"

Kinakabahan na siya pero hindi niya dapat ipakita sa lalaking ito ang takot niya. Dapat ito ang mapasindak niya.

"S-sige p-payag ako. Pero sa isang kondisyon."

"At ano namang kondisyon?"

"MARRY ME, KUYA STRANGER! Saka ako sasama sa'yo!"

"WHAT?!! ARE YOU SERIOUS ABOUT THAT?!"

"OO! Hindi pwedeng madungisan ang dignidad ko. Kaya kung gusto mo ko ibahay, pakasalan mo muna ako!"

Pero teka, saan galing yung mga sinabi ko? SHEMAY GULAY! SINABI KO TALAGA YUUUUUNNNN??!!!! AAAAHHHHHHHH!!!!


Wala na, eto na e. Sinabi ko na. >_<

Isa pa, tama naman di ba?

Kesa ipahamak ko ang sarili ko, e di magpakasal muna kami bago gawin yung toot sa bahay niya.

Ayoko mawala yung prinsipyo ko na gagawin ko lang yun sa lalaking papakasalan ko.

BAHALA NA SI BATMAN! >////<


 

    Author Says:

     HEY! HAHA, alam ko, OA na 'tong ginagawa ko. Hindi ko pa nga natatapos yung dalawang story ko, pero may iba na naman. :D Wala lang, nabuo lang talaga 'to sa sobrang sama ng loob ko kanina sa lasing kong tatay. Kaya hayan, kesa magtangka akong lumayas, in-imagine ko na lang at heto nga at binubuo ko bilang story. ^_^ Ewan ko kung gagawin ko ba siyang one-shot o on-going din, what you think? Pag nagka-5 comments (1 per person) ako after 1month, gagawin kong one-shot lang. :D See you after a month! :D At sabi nga ni Jane, bahala na si Batman! :)))

    Archives

    April 2013

    Categories

    All