-Third-Person’s POV-

BAGONG TAON.

Syempre magkausap na naman sila ni Rowie.

“Oh, kamusta naman Bagong taon niyo jan?”, tanong ni Joyce.

“Ok naman, masaya din naman. May sayawan pa nga dito e.”

“Ah, bakit may sayawan?”

“Eh sagot ng barangay. Parang gusto ko nga sumayaw eh.”

“Eh di sumayaw ka. Hahaha, I can’t imagine.”

“Uy, magaling ako sumayaw, ‘kala mo.”

“Hahaha, sige. Oo na lang.”

“Yabang nito oh. Ganyan ka na ha.”, kunwari nagtatampo pa si Rowie. Pero ang totoo, natatawa lang din naman siya sa pagyayabang niya.

“Hala, hindi naman e. Parang natutuwa lang naman. Sorry,” apologetic response naman ni Joyce.

“Hehe, joke lang. Heto naman naniwala agad na galit ako.”

“Ikaw kasi e. ;(“

“Oh, sorry na.”

Pause.

“Boo, pag uwi ko jan ng Pasay, ipapakilala kita kay Mama saka kay Papa.”

Ayiie, did I hear it right? Gusto niya ako ipakilala sa parents niya. Pero teka, hindi lang naman siya yung naging ganyan ang drama. Si Lorence din dati, ipapakilala ako tapos trip lang pala ako nun ligawan at pasagutin, hmp. Sana hindi naman siya katulad ng g*g*ng yun >.<

 

“Talaga? Eh baka kasi nakakahiya,” sagot ni Joyce na nahihiya talaga pero kinikilig.

“Hindi yan. Ipagmamalaki nga kita tapos mahihiya ka?”

Naks, may ganun pa talaga ‘tong mokong na ‘to.

“E, mabait ba Mama mo?”

“Hmm, minsan. Pero wag ka mag-alala dun. Sasabihin ko, o ‘Ma, wag mong aawayin tong mahal ko ha?’ Kundi ako makakalaban niya.”

“Grabe, baliw ka talaga.”

“Hehe, hindi basta, ako bahala sa’yo,” pag-a-assure ni Rowie sa kanya.

“Ihhh.. Parang hindi pa ko ready para dun eh.”

“E di i-ready mo yung sarili mo. Hindi pa naman ngayon, e. Ngayon agad?”

“Alam ko naman, ayos ka nambabara ka na ah. Ganyan ka na ha. Pinapahiya mo na ko,” nag-iinarteng kuno.

“Hahaha, hindi kaya.”

“Hmp.”

“Ano handa niyo?”, tanong naman ni Rowie.

“Ayun nagluto si Lola. Spaghetti, Salad, Biko, at so on..”

“Ahh, kami din may spaghetti e.”

“Ahh, ok.”

 

-Rowie’s POV-

Hmm, asarin ko kaya ‘to. Hehehe, try ko lang kung kakagat.

 

“Boo, alam mo meron kasi akong kaibigan dito e. Pumunta kanina, binigyan ako ng handa nila.”, haha. Mag-work kaya?

“Babae o lalaki?”

“Babae.”

“Oh, bakit ka naman binigyan ng handa nila?”

“Eh kasi minsan kasi nanghihingi sa’kin ng advice yun tungkol sa boyfriend niya. Nasa kabilang baryo pa kasi yun nakatira.”

“So?”

Hahaha, asar na talaga ’to, selos na halata e.

 

“Ayun, dinadamayan ko naman. Sabi ko nga minsan sa kanya, ako na lang e.”

“Oh yun naman pala eh. Eh di kayo na lang!!” Narinig ko medyo parang naiiyak na siya. Wow lang talaga J

“Hahaha, joke lang naman yun. Saka mahal na mahal nun yung boyfriend niya.”

“Ah so, kung hindi pala, kayo na lang talaga? Magsama kayo!!”

“Hahaha, o bakit? Uy, nagseselos.”

“Tse. Sinong nagseselos? Duhh, magsama pa kayo.”

 

“Hahaha, ano ka ba. Joke lang yun sinabi ko. Ikaw kaya yung nag-iisa at pinakamamahal ko.”

“Tse. Magsama kayo nung babaeng  yun. Wag mo kong kausapin.”

“Eto naman o, hindi na. Sorry na, kinuwento ko lang naman sa’yo para at least alam mo mga nangyayari sa’kin, di ba?”

“Sige mamaya ka na lang tumawag uli.”

“Uy, sineryoso talaga? Boo, sorry na, please?”

Tae , mali pa ata diskarte ko ha. Nagselos nga, inaaway naman ako ngayon, tsk, ang tanga mo, Rowie!

 

“Oo, na. Sige mag-chcharge lang ako. Bye.”

At binaba na talaga niya ang phone ng wala man lang akong sagot. Nagalit talaga. Hayyss..

-Joyce’s POV-

Pinatay ko na agad ni bago pa man siya sumagot sa kabilang linya.

Mokong na yun, pinag-seselos lang ako nun, tiyak. Pwes, ako naman mang-aasar sa’yo. Hehehe.

 

Tumatawag ulit si Rowie. Pero hindi ko nga sinagot.

Isa, dalawa, hanggang sa maka-sampung tawag na ito na hindi ko pa rin sinasagot.

Tumigil din ito. Pero nagtext:

“Boo, sorry na. sinabi ko lang naman yun para mapag-selos ka e.”

Hahaha, sorry, sorry ka ngayon, baliw ka. Hindi na ko galit, pero natutuwa pa nga ko kasi parang mas napapatunayan lang niya na mahalaga din yung nararamdaman ko kahit papaano.

Nagreply ako:

“Mamaya na tayo ulit mag-usap, boo. Mag-chcharge lang ako. Hindi naman po ako galit J Tawag ako mayang 12, ok?”

“Ok, sige. Love you :* ;)”, reply ni Rowie.

Di ko naman keri tiisin ‘yon e. Baliw nga ko sa kanya, di ba? ;)) <3

-Third-person’s POV-

12 am na! “HAPPY NEW YEAR!” Sabay-sabay nilang bating magpi-pinsan at sabay patunog ng mga turotot nila.

Biglang daan naman ng mga naka-motorsiklo sa kalsada at nagpapa-ingay ng mga busina.

“Hala, ang epal lang. ganyan talaga dito?”, tanong ni Joyce sa pinsan niyang si Aila.

“Oo, ganyan yang mga yan.”

“Oh well, New Year naman.”

Kaya lang sa tapat pa talaga ng bahay nila kaya sobrang ingay. Paharurot pang tumakbo ang mga motor ng mga ito kaya ayun! Wapak, may tumambling.

“Hala, ano yun? Tsk. Ayan, ang yabang kasi. Harurot pa.”, komento ni Joyce.

Buti na lang at hindi naman nasaktan ng lubha ang rider. Nadulas lang halos ang motor nito dahil sa bilis ng pagpapatakbo.

And back to driving naman ang mga riders.

Ewan ba, naiinis talaga ko sa mga lalaking ang ingay magpatakbo ng motor. Yung pinapa-ingay pa ang mga tambutso? Wapakels sa anumang tawag dun, basta parang ang yabang nila, sabi ni Joyce sa isip niya.

And so, hindi naman siya nagpa-apekto dun. Masaya pa rin ang New Year.

Iba-ibang tao na ang nakikita niyang naglalabasang mga kapitbahay nila at bumabati sa kanila na sinasagot din naman nila ng buong sigla.

May nagpa-fountain, meron din mga nagpapa-putok ng kwitis, 5star, piccolo, lusis. Meron din mga fireworks sa malayo pero tanaw nila dun sa pwesto nila.

Pero sila, torotot lang. For safety na rin saka, praktikal lang, mas masarap kumain ng madami kesa magpaputok.

Meron pa siyang kapitbahay na nakitang nagsusunog ng papel sa bintana. Tinanong niya ang pinsan niya ang ginagawa nun.

“Ah yun? Wishlist & New Year’s Reso(lution) yun. Isusulat mo sa papel tapos pag 12am na, saka mo susunugin.”

“Ahh, ganun pala yun. Ngayon ko lang nalaman yun ah. Ikaw, nagawa mo na yun?” tanong niya ulit sa pinsan.

“Oo, last year ginawa ko din.”

“Ano nangyari?”

“Wala, ayun nakalimutan ko din sinulat ko. Hahaha, hindi ko rin natupad yung Reso ko.”

“Hahaha, baka ganun yun. Para hindi ka na umasa sa wish mo, at para daw hindi ka makonsensyang hindi mo tinupad ang reso mo. :p”

“Haha, oo nga e.”

Tawanan. Hays, ang saya din pala mag-New Year dito. Pero mas maingay sa Pasay, mas maraming fire crackers. Hala tatawagan ko pala si Rowie.

 

Pagtingin niya sa cellphone niyang hindi pa tapos mag-charge, may 20missed calls na si Rowie.

Hala, 20 talaga? Hahaha, galit na ata to’.

 

Dialing.

Calling Rowie <3…

“Hello?! Kanina pa ko natawag sa’yo ha?”

“Boo, sorry. Nakalimutan ko lang talaga tawagan ka.”

“Nakalimutan? Tsk.”

Hala, nagalit na talaga. Paano ba to?

 

“Uy. Sorry naman. Nakalimutan ko lang talaga.”

“Nakalimutan? Kaya nga ako na tumawag sa’yo eh. Bakit hindi mo sinasagot?”

“Eh di ba nga naka-charge? E naka-silent din pala yung phone ko.”

“Yun, naka-silent. Tsk, sabi ko naman sa’yo wag mo isa-silent yung phone mo e. Para akong tanga kakatawag tas walang nasagot.”

“E, sorry na nga ehh.”, naiiyak ng sabi ni Joyce. Akyat tuloy siyang di oras sa bahay nila kung saan walang tao.

Nasa bahay kasi ng tita niya silang mag-anak.

“Oo sige na.”

“U-uy, w-wag ka na naman magalit. Promise hindi na talaga mauulit.”, halos garalgal na niyang pakiusap kay Rowie.

“Oo na nga, ok na.”

Ok daw e halatang napipilitan lang.

“E galit ka pa nga oh.”

“Hindi na po.”

“Ano ba yan, galit ka pa e.” Gusto kasi niya maging ok na muna sila ng hindi naman ito napipilitan.

“Hindi na nga, paulit-ulit?” natatawang sagot ni Rowie.

“Hays, ayan e di ok ka na.”

“Ikaw kasi..”

“Happy New Year, boo! I love you! ;)”

“Happy New Year, din! I love you, too, boo. Sana tumagal pa tayo.”

“Aww, sweet naman, sana nga J”

“Sige na. boo, tulog na tayo. Inaantok na ako e.”

“Ganun? O sige, good night. I love you.”

“Night. Love you din.”, sagot ni Joyce.

“O, baba mo na.”

“Ikaw na mauna.”

“E ikaw na gusto ko marinig na ibaba mo.”

“Hala, may ganun talaga? Ikaw na kasi.”, nakukulitan pero kinikilig na sabi ni Joyce.

“Too-toot-too-toot.”, nakakalokong sabi ni Rowie na parang nagpapaka-busy tone na kunwari e binaba na niya.

“Hahaha, ewan sa’yo! Sige na baba ko na nga to. Bye.”

“Hehehe, bye. Love you.”

At sabay baba na niya. Quota na ang langgam sa kanila. And that made her sleep better.

Pero may napanaginipan siya.

May maingay sa bintana at bubong nila habang nakahiga siya. At kahit papungas-pungas, naididilat niya ng kaunti ang chinitang mga mata niya.

May taong gustong pumasok sa bintana nila! Magnanakaw!

Ewan niya pero parang nakahubad ito at parang payat at maitim.

Nakikita niya kasing nakatuntong na ito sa bintana at alangan ipasok ang mga paa nito sa loob ng kanilang bahay.

Nag-aalangan pumasok dahil naririnig ata siyang nagigising at umungol.

Oo, umuungol siya dahil hindi niya maibuka ang bibig niya para gisingin ang Papa niya at sabihing may gustong pumasok sa bintana.

Bakit ganun? Hindi ko maigalaw ang katawan ko, kahit bibig ko. Natatakot na ako, papasok na yung lalaki. Baka anong gawin sa’min.

 

“Papa.” Kahit parang hirap, naisatinig din niya at parang narinig din ata siya ng lalaki at bigla na itong umalis.

Pinilit niyang idilat ng todo ang mga mata niya. Para kasing totoo na parang hindi.

At yun, naidilat na din niya ang mga mata niya. Gumagalaw nga yung kurtina sa bintana pero hangin lang pala. Ang lakas kasi talaga ng hangin noon. Kaya nga hindi na nila kinailangan pang mag-electric fan e.

Wew, para talagang totoo yung kanina.

 

Pinakiramdaman din niya ang sarili niya, hindi pa niya naibubuka ang bibig niya. Ibig sabihin, hindi totoong nagsalita siya at panaginip lang talaga yung kanina.

 

Hays, katakot yun ah. Pray nga muna ko.

 

At nagdasal nga muna siya bago muling nakatulog at hindi na muling nanaginip pa.

January 1. Unang araw para sa taong 2012.

Eto daw yung taon na guguho na ang mundo. Hmp, kaya ata ang sama ng panaginip ko kagabi. Hehe. Chosera.

Hindi talaga siya naniniwala sa DOOM’S DAY. Mas may tiwala siya sa Nasa Itaas na hindi sila pababayaan.

At kung totoo man ang katapusan, wala namang makakapigil dun. Kung katapusan mo na, katapusan mo na talaga.

At mamaya nga e magsisimba sila kasama ang tatlong pinsan nila, ang Tita Myrna niya at dalawa niyang kapatid.

At dahil bagong taon, bagong suot nila.

Tradisyon na sa kanila yun e.

Every year bibilhan sila ng bagong damit ng Mama at Papa nila. Papa nila ang bahala sap era na galling sa bonus nito, at sila mag-iina ang bibili.

Kung minsan sa Baclaran, minsan sa Divi. At ang huli nga na pinagbilhin nila nung nabubuhay pa ang Mama niya, ay sa Divi. Kasama naman kasi ang Papa nila.

Resulta? Nakipag-siksikan talaga silang mag-anak.

Pero masaya naman. Kahit sa cheap sila namimili at imitation lang ang mga damit, ok na yun sa kanya. Alam niya naman kasi ang estado ng pamumuhay nila. At di siya “social climber” para maghangad ng mga bagay na can’t afford nila.

Pero para sa susuotin nilang magkakapatid nang araw na iyon, bago din naman at sila ng Papa nila ang bumili sa isang boutique shop sa bayan.

Ok naman ang damit. Hindi masyadong mahal, hindi rin ganun ka-mura kagaya sa Divi at Baclaran. Pero pang-masa pa rin, ika nga.

At ang suot niya for that day, isang black polka-dotted dress na pinaresan niya ng isang brown Korean flat shoes na uso.

Komento nga ng Papa niya, “Ewan ko ba jan kung bakit black.”

“Eh bakit? Nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng Mama niya. Maganda naman a, babaeng-babae,” komento naman ng Lola niya.

“Hahaha, bagong taon talaga, Joyce, ha? Polka dots!”, sabi ni Aila.

“Hahahaha, para swerte,” biro din niyang sagot sa pinsan niya.

Pero sa totoo lang, na-cute-an lang siya dun. Nag-iisa kasi yun at wala na sa hanger nung nakita niya. Ilang beses pa nga siyang nag-alangan kunin yun. At ilang beses niya rin binalik-balikan.

Pero kapag nagda-dalawang-isip siyang kunin, nilalagay niya dun sa tagong lugar para walang makakita. Hahaha, oo. Para kung magustuhan talaga niyang kunin, walang mauuna sa kanya. At nag-iisa na nga lang yung dress dun kaya naman baka talaag maunahan siya ng kung sinumang magka-gusto dun.

At sa huli nga, kinuha na rin niya. Tama rin at some point ang komento ng Lola niya. Ayaw niya naman kasi magmukhang sobrang saya ng salubong niya sa New Year e unang Pasko at Bagong Taon nila iyon ng hindi na kasama ang Mama nila.

Mahirap, sobra.

*At bigla na lang niya ulit naalala ang araw na iyon.*

 





Leave a Reply.

    Ang Babaeng...

    My first ever self-made story.

    Tinatampok ang Dyosang nilaglag sa lupa upang maghasik ng kagandahan. :D Bwahahah, dejokelang! Sige basa na lang. Baka maumay pa kayo e :p

    Ewan ko kung bakit ‘yan ang title ng sarili kong istorya.

    Malamang sa alamang, ang unang dahilan ay dahil sa ISA AKONG BABAE. :D

    Oo, hindi ba halata ang kagandahan ko? Bwahaha :D

    So, eto na talaga.

    Eto rin yung istoryang di ko tinuloy :D Yung My Opposite Dream Guy – BOO-hay Ko.

    E kasi naman, in love ako nun nung ginawa ko yun :D

    O tapos naisip ko, hindi lang naman puro tungkol sa’min ang istoryang ‘to. At wala na rin KAMI </3 :D

    Ewan ko nga ba kung san patungo ‘to :D

    Parang ano lang.

    Parang diary ko na lang :D

    Oo, tama :D So, it means, bahala na si Lord :)

    Kapag kinuha na niya ako, wala ng UD :D *tok tok tok*

    So, enjoy kung enjoy.

    OUT kung wawents  :p

    Archives

    February 2013

    Categories

    All