------

A/N:

BABALA: Magkakaroon po ng mga sensitibong pangyayari sa kuwento. Kung ika’y kumakain, tapusin muna bago magbasa.

I dedicate this chapter to my mom. We love you and miss you! :* <3

Ang DOOMS DAY Ko.

-Joyce’s POV-

Ano ba ‘to? Bakit ba ko nagmamadali? E 4pm pa naman pupunta ng bahay si Edlyn. May date lang, Joyce? Tss.

 

Sa labas, nakasalubong ko ang barkada nina Xander, Chua, Janpol at Veejay na sa hula ko e magdo-DOTA, dahil nasa tapat lang ang mga ito ng computer shop sa kaliwa, na nasa school premises lang naman. Ewan ko ba kung bakit allowed yun dun.

“Xander, babe mo oh.”, ang kengkoy kong classmate na si John Paul na naging Jampol/Janpol ang palayaw.

“Uwi ka na?”, tanong ni Xander at tinanguhan at nginitian ko lang ito.

“Ingat.”

Ano bang trip nun at tinatawag akong babe? Por que ba naka-eyeglasses ako at nagmu-mukhang nerd? Tsk, boys talaga.

 

Pagtawid ko ng kalsada along UN-Taft corner, sasakay pa ng jeep papuntang Buendia. And from there, lalakarin ko lang hanggang Dandan, kung saan ang bahay namin.

Malayo-layo din ang lakaran. Pero kesa naman mag-inarte akong sasakay pa ng jeep, sayang ang 8php.

-Third-person’s POV-

Habang naglalakad siya, may nakikita siyang tindahan ng banana cue sa kanan niya. Ewan niya pero this days, trip niyang bumili nun. Pero hindi ngayon. Baka kailanganin ng Mama niya yung tira niyang 20php.

Sigurado kasi siyang wala na silang pera ngayon. Either ngayong biyernes ng gabi o bukas ng umaga pa mawi-withdraw ng Mama niya ang sweldo ng Papa niya. Hawak kasi nito ang ATM, hindi naman kasi alam ng Papa niya gamitin yun. Ang Mama niya, nagtrabaho minsang maliit pa siya (well, maliit pa rin naman siya sa edad niyang 16 kumpara sa iba :D so better say, “NOONG BATA PA SIYA”) at siya pa lang ang anak at ATM din ang gamit ng kumpanya nito sa pagpapa-sweldo.

And when she finally reached home, kumatok siya, binuksan na lang niya ang lock sa loob na abot naman niya mula sa labas, baka kasi tulog ang Mama niya.

At hindi nga siya nagkamali, nakita niyang nakahiga ito sa katre nila.

Uminom siya ng tubig sa pitsel na nasa lapag. Maliit lang ang kuwarto nila dun. Siguro 6 sq. m. lang ang lawak nun. 1500 lang naman ang upa, libre na ang kuryente dahil jumper/illegal. Ang tubig, iniigib nila sa kapitbahay sa halagang 2piso ang isang timba ng pinturang BOYSEN na green. Mama din niya ang nag-iigib nun tuwing umaga.

Naramdaman ata ng Mama niya na may tao, kaya bumalikwas ito at bumangon.

“Oh nandiyan ka na pala. May ulam pa ba jan.”, sabi nito sa kanya ng mapansing siya ang dumating.

“Hindi, busog ako,” matabang niyang sagot. Hindi kasi sila ok nung nakaraang gabi pa.

*Dahil kasi yun sa libro na kailangan niya sa school. Ang unang sabi kasi ng prof niya sa English, magdala ng kahit anong mini-pocketbook.

Ang nabili ng Mama niya, isang poetry ni Shakespear na dinala pa nga nito sa school niya nung mismong araw na kailangan niya. Umutang pa kasi ng pambili ang Mama niya at nung araw lang din iyon ito nakabili sabay dala na sa kanya.

At pagdating naman sa oras na yon, hindi naman nagturo ang prof nila. Naawa tuloy siya sa Mama niya.

At sumunod na araw, kailangan daw e novel pocketbook. Inis na inis siya nun kasi aksaya sap era yung prof niya. Hindi nililinaw.

Kaya naman nag-away sila ng Mama niya kasi nga ang sabi nito ihihiram siya sa kapitbahay. At nung gabi nga bago niya kailanganin kinabukasan ang libro, tinanong niya ito kung naihiram siya.

“Ay, nakalimutan ko sabihin sa’yo, wala daw siyang English, tagalog lang.”, sabi ng Mama niya.

Nainis siya kasi hindi niya alam kung saan pa makakahiram e gabi na tapos kailangan niya na bukas. Kaya nasagot niya ng pabalang ang Mama niya.

“Eh anong gagawin ko? Wala nga daw! Magsasabi ka kasi kung kailan agad-agad hindi yung maaga pa”, galit na sabi ng Mama niya. Marahil ay nagalit ito sa naging sagot niya.

“Nung isang araw ko pa nga sinabi sa’yo yun e, hindi ko pa sinabi ng maaga?”, galit din niyang sagot.

“Leshe ka, Joyce, tigilan mo ako ha.”

Nagtext na lang siya sa mga kaklase niya nung 4th year kung may libro ang mga ito.

Buti at may nagreply na nakatira lang din sa Dandan. Pinahiram siya nito ng twilight book.

At kahit nga may nahiram na siya, galit pa rin siya sa Mama niya. Ang nasa isip niya kasi, Sabi niyo pag-aaralin niyo ko, pipilitin niyo. Tapos pag ganitong may kailangan ako sa school, hindi niyo maibigay.*

Sanay na naman ang Mama niya sa ganoong sagot lalo kapag meron talaga silang napagtalunan. Wag lang siyang sasagot ng ganun at bad trip din ang Mama niya, dahil WW3 ang katapat nun.

“May tira ka pa ba jan pera? Akina, bili na lang kita banana cue.”

Inabot niya ang 20pesos mula sa bulsa niya. Alam ng Mama niyang may tira siya. 40 kasi binigay nito kanina sa kanya. 20pesos lang naman ang nagagastos niya sa pamasahe at alam din naman ng Mama niya hindi siya pala-bili dun sa school lalo’t nagbabaon naman siya ng kanin at ulam for lunch.

Ilang saglit pa at nakabalik na ito dala ang 2 banana cue, tig-isa sila.

Gabi pa naman kasi uwi ng 2 niyang kapatid. Yung isa, 3rd yr high school, yung isa naman grade 4 sa Pio kung saan din sila nag-elem. Libre kasi dun gamit e. Konti lang ang bayarin.

Nagtext naman ang bestfriend niya na papunta na sa kanila at nagpapasundo sa kanto ng Villanueva.

Hinintay naman niya ito, at sabay sila bumalik ng bahay.

Pagbalik nila, wala na ang Mama niya.

“Nasaan Mama mo?”, tanong ni Edlyn sa kanya.

“Ewan ko, kanina nandito lang yun e.”

“Oy samahan mo ko pa-print mamaya sa Tronix.”, request ni Edlyn.

“Ok, ano ba yan papa-print mo? At nasa’yo pa talaga yang cp ni Alpa ha?”, tudyo ni Joyce.

“Tse, babalik ko na to, bibigay ko kay Doy (nickname ni Leandro) tas siya na bahala magbalik, schoolmate naman sila.Papa-print ko lang yung mga pix ditto na request ni Benjie na fan sign. Tae yun, daming arte, hehehe.”

Si Alpa, ay ex ni Elaine. Naging bf nito yun nung 3rd at 4th year sila. Si Leandro naman o Doy at si Benjie ay kabilang sa mga magto-tropang boys sa’min na tawagin ay ALPARONICBENDADMER. Pinaghalo-halong pangalan/apelyido nila. ALPA (Alpajaro talaga ang apelyido, pinaikli lang)- RON (for Aron)- NIC (for Nico)- BEN (si Benjie/Bentong)- DAD (for Bondad na apelyido ni Doy/Leandro)- MER (for Homer).

“Tara, dagdagan natin. May mga ginawa rin ako fan signs, for family. Pa-print ko din.”

At nagpi-picturan nga sila nang dumating na ang Mama niya, may dala itong inihaw na balat at betamax (dugo ng manok).

“Anong ginagawa niyo jan?”, pabirong tanong ng Mama niya in a very husky voice.

Husky dahil yun sa madalas niyang pag-ubo na rin. Isang taon na rin siguro yun. Sabi naman niya, allergy lang daw yun. Nagpatingin na naman siya, konsulta in the right term. At sabi sa kanya, magpa-X-ray siya para malaman ang dahilan ng pag-ubo niya.  Pero dahil sa mas inuuna niya ang ibang bagay bukod sa kanyang sarili, ayun di niya pa sinusunod. Tsk, pasaway na nanay -_-

Ka-vibes naman kasi ito ng mga kaibigan niya.

“Hello po!  Nagpi-picture lang po.”, sagot ni Edlyn.

Wala naman sagot si Joyce. Tuloy lang sa pag-picture.

“Tara kain tayo oh. May kanin pa naman.”, aya ng Mama niya.

“Sige po, gutom na din ako e.”, biro ni Edlyn.

Ilang beses na rin naman nakakain ang bestfriend niya sa kanila lalo at pag may gagawin sila nung 4th yr sa school ng hapon, e sa Baclaran pa ito uuwi kaya minsan inaaya niyang sa bahay na lang nila kumain.

Ganoon din naman ang iba niya pang kaibigan na sina Duday/Riza Jane, Jewra/Jerazie, Bilog/Ivy Lou at Arnie. Si Joyce at ang 4 na nabanggit ay magto-tropang kung tawagin ay TROPANGO. Natural, dahil sa hindi naman katangusan ang mga ilong nila. Si Alpa ang nagbigay nun sa kanila. Pero bago pa man sila BINYAGAN ni Alpa, magkakaibigan na talaga sila.

At kumain na nga silang tatlo ng Mama niya kasama si Edlyn. Nagpabili si Edlyn ng softdrinks, na in-offer naman ng Mama niyang siya na ang bibili.

At pagkabili ng Mama ni Joyce ng softdrinks, resume na ulit silang mag-bff sa picture-picture. Nang biglang naririnig niyang sumusuka ang Mama niya. Nag-alala din siya pero inisip niya baka naisuka na naman nito ang pagkain niya.

Nang mga nagdaang araw kasi ay ganun ang nangyayari dito. Pero biglang…

“J-JOOYCE!!!”, ang Mama niya. Sa tonong hirap na hirap banggitin ang pangalan niya.

“MA!!”, tensiyong tawag ni Joyce.

Nakita niya kasi ang Mama niya, may dugo ang bibig, at ilong. Nagsuka na pala ito ng dugo. At hindi ng pagkain.

“Hala, bhes, yung Mama mo, ate Marivic!”, takot na ring sabi ni Edlyn.

Pero sumenyas ang Mama niya na patayin muna ang kuryente sa saksakan.

Alam niya ang gusto mangyari ng Mama niya. Aalis sila at dadalhin ko siya sa ospital.

Naiiyak na siya nun. Alala, takot, nerbiyos, halo-halo na ang emosyong bumabalot sa kaibuturan ni Joyce.

Lumabas na sila ni Edlyn para alalayan ang Mama  niya, nakita nga nila sa labas na puro dugo. Kaya pala lagatok ng likido ang naririnig niya nung nagsusuka ang Mama niya. Nauna ang bestfriend niya sa kanya kaya sinabi niya ditong, “Bhes, dali, tumawag ka ng tricycle sa kanto.”

Oh God, kailangan ko madala si Mama sa ospital kahit wala akong pera dito.

 

Sumunod naman ang bestfriend niya. Habang akay niya ang Mama niya palabas ng eskinita nila, binigyan niya ito ng bimpo. Baka sakali magtigil siya ng pagsuka ng dugo, pero nagkamali siya.

Patuloy pa rin itong nagsusuka, habang lumalabas sila. At mga kapitbahay nilang tsismosa’t tsismoso, ni hindi sila magawang lapitan para lamang tulungan. Parang nandidiri dahil sumusuka nga ng dugo ang Mama niya.

“Mama, wait lang ha? Pupunta tayong ospital.”, naiiyak ng sabi ni Joyce.

Saktong sa kanto ng eskinita, biglang nawalan na ng ulirat ang Mama niya, at medyo tumagilid siya kasi medyo nabigatan siya at hindi niya inasahan yun. Dun na may tumulong sa kanyang mga tambay para isakay sa tricycle ang Mama ni Joyce. Sa likod ng driver naman si Edlyn.

“Mama, gising ka naman, oh. Wag, wag ganito. Ma’ gising, please. Huhuhuh.”, sabi ni Joyce sa Mama niya na hindi maayos na naipwesto sa tricycle. Sa sahig ito nakaupo at ang ulo ay hawak niya sa kandungan niya.

Walang cover ang tricycle, kaya lahat ng madaanan nila, kita sila ng mga tao.

“Ay, sumusuka ng dugo.”

“Naku, kawawa naman.”

Lahat yun dinig ni Joyce. Reaksiyon ng mga taong nakakakita sa kanila. At kahit mabilis ng magpatakbo ang tricycle, “Manong, bilisan po natin. Huhuhu, Mama, gising naman oh.”

“Tulong po!!”, nasabi ni Joyce kahit nasa loob na naman sila ng tricycle papuntang ospital.

Pagkarating nila ng ospital, tumawag agad yung driver ng tricycle ng “EMERGENCY!” at may dumating na mag-a-assist sa kanila, dali-dali nitong hila ang stretcher kung saan isinampa ang Mama niya para maipasok.

Hindi alam ni Joyce ang gagawin. Andun yung maiwan niya ang tsinelas niya sa tricycle at yung sa Mama niyang tsinelas. Isa ng pares lang ang nakuha niya. Marahil ay nalaglag ang isa sa daan o pagkasampa ng tricycle. Sabi niya sa Manong driver, “Manong salamat po, huhuhuhu,”

“Neng, yung dugo dito, paano to?”

“Manong, pasensiya na po, wala akong dalang panyo panlinis jan.”

Alam niya nainis ang driver. Libre na nga naman silang dinala dun, narumihan pa ang tricycle nito. Pero wala muna siyang paki.

Kailangan niyang sundan ang Mama niya, kahit pa nga punumpuno ng dugo ang damit at short niya.

Kasunod niya pa rin si Edlyn.

Pagdating sa loob, tinanong agad siya ng nurse ng mga impormasyon.

At inasikaso naman ang Mama niya. Kaya lang andun yung nagtatawagan pa sila ng aasikaso sa pasyente, tapos parang walang gustong dumagdag na nurse.

Doon nainis si Joyce, habang umiiyak. At naroon pang tinawag siya para mag-pump ng oxygen. At hayun, iyak siya ng iyak habang pina-pump ng oxygen ang Mama niya. Tapos, may pumalit nang nurse sa kanya at pina-upo siya sa upuan.

May kumausap sa kanya, hindi niya alam kung nurse ba o doctor, basta sinasabi nito sa kanyang, “Kami ng bahala sa kanya, ano mo ba ang pasyente?”

“Mama ko po, please lang po, gawin niyo lahat.”

“Oo, shh, iha, tahan ka na ha? Upo ka na lang muna dun.

“Mabubuhay po ba ang Mama ko?”, bigla na lang naitanong ni Joyce.

“Titignan pa namin, iha, ok?” kalmadong sagot sa kanya.

“Maya-maya, umiiyak pa rin siya sa tabi, kasama ang bestfriend niya. Bhes, naramdaman ko e, wala ng pulso si Mama, pinulsuhan ko siya nung nasa tricycle. Bhes, ayoko, di ko kaya. Huhuhuh,” malakas na iyak niya. Wala siyang paki kung naiingayan man ang iba sa kanya.

“Tumigil ka nga, wag kang magsalita ng ganyan, ha?”

“Si Papa, hindi pa niya alam e. Bhes puntahan mo naman sa bahay, pauwi na yun e. baka pati mga kapatid ko umuwi ng wala pang tao dun, isama mo dito, please.”

“Oo, sige, dito ka lang, ha?”

Tinext niya ang kasamahan ng Papa niya sa pagbabakasakaling kasama pa nito ang Papa niya:

To Kuya.Chico

“Kuya Chico, kasama niyo pa po ba si Papa? Pakisabi po dinala ko sa ospital si Mama dahil nagsusuka kanina ng dugo.”

At tinext din nya ang Tita Connie niya na bunsong kapatid ng Mama niya.

Tumawag ito.

“Hello, Joyce? Saan ospital ha? Anong nangyari kay ate?”

“Tita, sa PCGH po, malapit sa simbahan ng Sta. Clara. Wala po kasi ako kasama dito, wala pa po si Papa, huhuhuhu.”

“Sshshhh, susunod na ako ha? Pupuntahan ko kayo.”

At pagkatapos ng tawag na iyon, may lumapit sa kanya, yung babaeng kumausap sa kanya.

“Iha, wala ka bang ibang kasama?”

“Wala po. Ako lang po.”

“E kailangan kasi natin lagyan ng tubo ang Mama mo para maialis naming yung mga namuong dugo sa loob niya.”

“Opo, sige po, gawin niyo po lahat ng dapat.”

“Ok, sige.”

At napa-upo na naman siya habang umiiyak. Walang humpay na pagluha habang tahimik na lamang siyang naka-upo sa tabi.

Pero ilang saglit e bumalik na naman yung babae.

“Iha, wala pa ba ang Papa mo?”, nababahalang tanong nito.

“Wala pa po, e. pero baka padating na po yun, sinundo po ng kasama ko kanina.”

“E, ilan taon ka na ba?”

“16 po.”

Biglang napatingin nag kausap ni Joyce sa kasama nitong nurse. Nakakabahalang tingin.

“Eh kasi, iha.. Wala na ang Mama mo. I’m sorry.”

“Hindi! Mamaaaa!!!!!!!”, napahagulgol na naman si Joyce habang tinutungo ang Mama niya. Niyakap niya ang Mama niya doon. Inabutan niyang inaayos na ng mga nurse ang mga aparatong ginamit sa pagsalba ng buhay nito. Pero wala.

Wala silang nagawa para mabuhay ang Mama niya.

At ang sakit-sakit sa kanya nun.

Noon dumating si Doy, tinawagan pala ito ni Edlyn para tignan siya doon.

Pero saglit lang ito doon, dahil hindi nito kinaya ang mga nasaksihan niyang pagtangis ng kaibigan niyang si Joyce.

Sa bawat luhang pumapatak mula sa mga mata ng babaeng tumatangis katabi ang malamig na bangkay ng kanyang ina, ay nakakasugat ng puso. Damang-dama ng naroroon ang sakit.

“Hays, ganyan talaga ang buhay. Ako nga bata pa rin ako noon nang mamatay ang tatay namin.”, sabi ng isa sa mga bisita ng pasyente din doon.

Habang patuloy siyang tumatangis, ay sinabihan siya ng isang lalaking nurse, o ewan ba niya kung janitor lang ata yun dahil wala sa bihis na nurse, na kailangan na daw dalhin sa morgue ang Mama niya.

At doon nga nila hinintay ang Papa niya. Dumating ang mga kaibigan at kaklase niya nung high school. Isa pala sa kanila ay nakitang dinala ni Joyce sa ospital ang Mama niya kasama si Edlyn. Pumunta sila doon para damayan siya’t aluin.

Pero ni isa sa kanila, walang naglakas-loob na lapitan siya, dahil lahat sila, habag na habag sa kaibigan at di malaman kung paano maiibsan ang sakit na nararamdaman nito.

Andun ang mapaluha sila. At  dumating ang kapatid niyang si Jozeth kasama si Edlyn.

“Bhes, yung Papa niyo wala pa e. Si Homer na lang daw maghihintay sa Papa mo at sinamahan ko tong kapatid mo dito.”

Hagulgol din ang kapatid niya sa harap ng kanilang Mama.

Dumating na rin ang Papa niya kasunod nga si Homer.

“Vic.”, maluha-luhang pagtawag ng Papa niya sa kanyang Mama. At nang narinig niya ang boses ng Papa niya, “Papa, si Mama.” At umakap agad silang magkapatid dito.

Nakita niya, namumula na ang mga mata ng Papa niya sa iyak, iyak na pinipigilan nito. Marahil para magbigay sa kanila ng lakas.

At sumunod ng dumating ang tita niya, umiiyak na rin ito ng makita ang labi ng kapatid.’

Nagprisinta na rin ang kapatid niyang si Josephine na umuwi para siya ng sumundo sa bunso nilang nasa school pa.

Doon lang napuna ni Joyce na naroon pala ang mga kaibigan niya.

“Joyce, condolence, sorry.”, sabi ng mga ito.

Umiyak lang siya sa harap ng mga ito.

Ang sakit kasi, sobra. Tapos inakay na rin siya ng mga kaibigan niya palabas ng morgue.

Ibinilin siya ng tita niya sa mga ito upang kumalma siya habang inaayos nito ang mga bills ng Mama niya.

Kinontak na din niya ang iba pa nilang kamag-anak para sabihin ang nangyari.

Dumating ang 4 niyang kaibigan. Sina Jewra, Duday at Ivy kasama ang gf nitong si Kristia. Wala si Arnie dahil nasa Bulacan na ito nagta-trabaho.

Inakap siya ng mga ito, at dun muli na naman siyang umiyak ng umiyak.

Nang mahimasmasan na siya kahit papaano, tinanong ng mga ito ang nangyari. Si Edlyn ang nagkwento.

Bumalik ang tita niya para umano hanapin nila ang doctor na sasagot sa bills nila. Nakalimutan na niya kung sino, basta lalaki ito. Tinuruan daw kasi ang tita niya sa cashier para wala ng bayaran pa, may binigay itong papel at papipirmahan lang daw sa doctor na iyon.

Hinanap nila, pero nasa OR daw umano ito. Kaya nang may mapagtanungan silang duktora na kasama ang grupo ng mga nurse kung nasaan ang OR, akala ata ng mga ito e nakunan si Joyce, dahil na rin siguro sa mga dugo sa shorts niya, itinuturo naman sila sa ER.

May narinig pa nga si Joyce na komento mula sa maraming taong nadaanan nila sa 2nd floor, “Naku, ka bata-bata pa e.”

Pero hindi niya na lang pinansin. Habang naglalakad sila ay umiiyak pa rin siya kaya ibinalik na lang siya ng tita niya sa mga kaibigan niya. At doon, tulala siya sa kawalan, habang patuloy na umaagos ang mga luha ng pagdadalamhati sa kanyang mata.



*******

A/N: Sorry kung mala-teleserye ang peg at di gaano ka-organize. Nadala ako e, masakit kasi alalahanin ;)

Please like/tweet po and comment :)

 





Leave a Reply.

    Ang Babaeng...

    My first ever self-made story.

    Tinatampok ang Dyosang nilaglag sa lupa upang maghasik ng kagandahan. :D Bwahahah, dejokelang! Sige basa na lang. Baka maumay pa kayo e :p

    Ewan ko kung bakit ‘yan ang title ng sarili kong istorya.

    Malamang sa alamang, ang unang dahilan ay dahil sa ISA AKONG BABAE. :D

    Oo, hindi ba halata ang kagandahan ko? Bwahaha :D

    So, eto na talaga.

    Eto rin yung istoryang di ko tinuloy :D Yung My Opposite Dream Guy – BOO-hay Ko.

    E kasi naman, in love ako nun nung ginawa ko yun :D

    O tapos naisip ko, hindi lang naman puro tungkol sa’min ang istoryang ‘to. At wala na rin KAMI </3 :D

    Ewan ko nga ba kung san patungo ‘to :D

    Parang ano lang.

    Parang diary ko na lang :D

    Oo, tama :D So, it means, bahala na si Lord :)

    Kapag kinuha na niya ako, wala ng UD :D *tok tok tok*

    So, enjoy kung enjoy.

    OUT kung wawents  :p

    Archives

    February 2013

    Categories

    All