ZIELON’s POV

Tsk, ang sakit ng ulo ko. Oo na, ako ng lalakero. Pero hindi niyo naman kasi alam yung dahilan ng pagiging ganito ko.

Kukwento ko ba? Psh, wag na. Saka na lang, may hang-over pa ko at wala pang tulog dahil kinuha ni Lolo yung credit cards, cash, at ATM ko. At kapalit ng pagbalik nun, kinakailangan ko silang sabayan kumain ng tanghalian ngayon.

Para magbigay pugay sa fiancée ni kuya?

Baliw na yung tandang yun. Kita nang bakla e tapos bibigyan ng fiancée? Pero buti nay un kesa ako ang uliratin niya.

Magiging battered wife lang yung ibibigay niya. -_-

Oo, woman-hater ako. At dahil nga sa woman-hater na ako, naging womanizer ako.

E yung tangnang babaeng yun kasi, iniwan na lang ako ditto. Sinabi niyang mahal niya ako tapos ganito?

Sige, sabihin na nating wala siya nun magawa dahil bata pa kami pareho.

Pero sana di ba kino-contact niya ko ditto? Kaso wala na, wala na kong narinig sa kanyang balita.

Kaya wag na rin siyang bumalik!

“Zielon! Bumaba ka na sa living room, pinabababa ka na ng Lolo mo!”

Si Manang Sinang yun. Siya yung naging nanny naming ni kuya mula baby pa kami. Natural, una siyang naging nanny ni kuya, hanggang sa ginawa na siyang permanente naming kasambahay kasi talagang napamahal na siya sa’min e. Lalo samin ni kuya, lagi naman kasing wala magulang naming ditto, at siya ang tumayo sa’min.

“Opo, paparoon na po.”

Kahit ganito ako, ginagalang ko pa din sila ‘no. :)

Bumaba na ko sa living room. At andun na nakaupo sa mahabang sofa sina kuya at lolo.

“Tsk, e nasaan na po pala ang magaling kong kapatid, Granny?”

Eto na oh.

“Hay, nakita ko lang kaninang umaga, kakauwi lang. With a black eye.”

“Hayy naku, Granny. Better siguro pauwiin mo na si Mudra para ma-discipline ‘yang si brother ko. Hindi naman nakikinig sa akin e.”

Naku, asa ka namang papagalitan ako nun, si Dad pa pwede. Pero si Mom? Nah, paborito ako nun e. :p

“Tsk, e kung nagpapaka-LALAKI ka kasi para naman tinuturing kitang kuya di ba?”

Totoo naman, para siyang ewan. Bakit ba naging ganyan yan? -_- Pero kahit ganun, hindi ko naman siya dini-discriminate, takot ko lang, sa kanya kaya ipapamana ‘tong mansiyon, ayaw ko pa mapalayas ditto. :-p

“WOW, havey ang entrada mo bro! Umeepal ka na sa usapan namin ni Granny. Why are you here nga pala? Granny told me na kakauwi mo lang kaninang morning. Himalang sasabay ka sa’min magtanghalian?”

“Tsk, kinuha ni Lolo credit cards ko.”

“Dapat lang. You should pay respect sa fiancée ng kuya mo.” Sabi ni Granny

Oo na ho! Asan na kaya yung ipapakilala niya? Tsk, antok pa ko e. (__’”)

*ding dong*

“O Karylle, buksan mo na ‘yung door.” Utos ni kuya sa katulong namin.

At niluwa ng pintuan naming ang isang babaeng simple lang ang pananamit.

Walang arte sa katawan, ni walang kolorete sa mukha, pero maganda.

But definitely, not my type.

Kaya buti at kay kuya nireto yan. *smirk*

“Good morning po, Don Martino.”

Bati niya kay Lolo and she flashed her cutest smile.

“Halika, hija, let’s have our lunch na bago tayo mag-usap.”

Tsk, umay talaga. Dapat natutulog pa ako e. Ano bang kinalaman ko sa kanila?

--

(A/N) Next POV will be 2 days ago bago yung eksena sa mansiyon ng Gutierrez, okay? :)

STEFANI’s POV

Thailand.

Wala naman masyado pinagkaiba ito sa Pilipinas. ‘yun nga lang, hindi ko maintindihan ang mga nilalang na naririto. :D

Hey, guys and gals, I miss you na. :(

Gusto ko na ulit kayo Makita.

Ayan, kausap ko lang naman ang picture frame where my Filipino friends and I are having fun at Mall of Asia.

And siyempre, kasama siya doon.

Sino? E di si Zielon Jerz Gutierrez.

Miss din kaya niya ako?

Tss, what should I expect? Malamang kinalimutan na ako nun. Di na kaya kami nagkakausap.

But he said he loves me, so I can still hope for something like that, right? :)

But then again, what if he’s really angry? :-/

Sorry, Jerz. I have nothing to do, ‘cause I can’t do anything way back then.

Way back then, 2 years ago..

*flashback*

Kami, masaya kaming dalawa. Kahit kami lang ang lovers sa barkada, hindi naging problema yun sa mga kaibigan naming. Actually, kaibigan ko sila originally, sina Riz, which is his brother, Sharlene, Marjorie and Hazel. Pero dahil sa kilala na naman talaga siya ng barkada since first year kami at mas naging close sa amin simula ng ligawan niya ako, ayun, winelcome na nila siya sa barkadahan. ^_^

Buti nga magkakasundo kami at ang mga kaibigan ko sa boyfriend ko. Mahirap kasi yung iba na pumipili pa sa pagitan ng kaibigan at boyfriend di ba? E mabait naman kasi ‘tong si Jerz e tapos gwapo pa. Hihihi landi ko lang. <3

Hanggang ngayon nga e, hindi talaga ako makapaniwala na boyfriend ko na siya, hihihi. Dati kasi nung first year, tinatanaw ko lang siya sa malayo.

Tapos nung birthday ni Riz, dun, he formally introduce me to his brother, at dun daw na-Love at first sight siya sa akin. Ahihihi, kinikilig pa rin ako. :D

Pagkatapos ng gabing yun, hayun, niligawan na niya ako.

At dahll strict ang parents ko, sabi ko sa kanya, ligawan muna niya ang magulang ko.

Nung una, hesitant pa siyempre sila Mama at Papa. Ang bata ko pa siyempre para sa boyfriend thingy, pero as they know him, he gained their trust. ;)

At happy naman ako dun, pero after niyang mapa-OO ang parents ko, syempre pakipot din muna ako. :D

Kahit kating-kati na akong sagutin siya, ayun, niligawan muna niya ako. And after two months niyang mapa-OO sina Mama at Papa, sinagot ko na din siya.

Ang cute kasi ng ginawa niya nun e. Dun talaga ako napa-oo. >///<

Kumanta kasi siya sa gitna ng monument ni Rizal sa Luneta (hindi ko alam kung paano siyang pinapasok dun) tapos yung speaker all over the park e medium niya sa pag-deliver ng kanta niya.

Tapos ayun, nag-de-date kasi kami nun ng mga kaibigan ko (at hindi ko alam na dinadala lang pala nila ako sa surprise ni Jerz), at narinig ko siya sa isa sa mga speaker na nadaanan naming at pinapunta niya ako sa monument ni Rizal.

Ako naman si kinabahan kung anong kabulastugan ang ginagawa niya, pumunta naman ako, and to my surprise, kumakanta siya katabi nung mga nagbabantay kay Rizal, malay kung anong tawag sa kanila. :D

Pagkatapos niyang kantahin yung I’m Yours by Jason Mraz, na fave ko, bigla siyang lumabas dun sa harang sa monument at lumapit sa akin at naka-mic pa niyang sinabi ‘to:

“Stefani Johannes, half-Italian and half-Filipina, but a true-blooded Pinay, 14 years of age, studying at *toot* Academy, my girl, my love, my life and my everything, pasado na ako kina Mama at Papa mo, now, I wanna ask you, am I already enough to be with you forever? Will you be my girlfriend?”

Tapos siyempre nag-react yung mga kaibigan ko at ang mga saksi sa paligid at nag-uusyuso nun.

Lumabas pa yung mga guards dun sa park, at isa-isa nilang binigay yung white rose na hawak nila, at yung 14th blue rose, hawak ni Jerz at nung binigay niya sa’kin yun, bigla siyang lumuhod at may nilabas na maliit at makinang na bagay mula sa pocket niya.

“Please be my girl forever?”

“Yes, Jerz. I’m yours already.” Naiiyak ko pang sagot sa kanya.

E kasi naman, naiiyak na ko sa kilig, tuwa, at mejo nahihiya ako kasi ang dami ng tao nakatingin sa amin at nag-rereact sa pangyayari. (Positive reactions naman. ^_^)

Nung narinig niya akong sumagot, bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hayun, hinalikan niya ako.. sa cheeks lang naman, bawal PDA. :-p

At sinout na niya yung ring, ang cute nga e.

“Thank you, Stef. I love you.”

“No, Jerz, thank you. And I love you too.”

Tapos niyakap niya ako ulit.

E anebe. >/////< <3

“Jerz, alis na tayo ditto. Hiya na ko e.”

“Hahaha, I know. Ayan oh, kanina ka pa parang kamatis sa pag-bblush.”

At ayun, after that day, naging masaya naman kaming mag-bf/gf.

May tampuhan pero hindi naman tumatagal at di pwedeng lumipas ang gabing di naming naso-solve ‘yon.

Until nung graduation day namin.

Papa- “Anak, congrats! May honor ka pang grumaduate.”

“E ‘Pa, 8th honorable nga lang po e. sorry po ah if I’m not the best.”

Mama- “Nak, Mama and Papa are really proud of you kahit wala ka pang honor. And itong nila-lang mong awards, 8th honorable, Ms. *toot* academy, Loyalty Award, aba, anak, ang dami na niyan. And if you’re not the best for them, for us, you’re the best among the bests.”

Naka-ngiting sabi ni Mama. Touch ako, napaluha tuloy ako.

“Ah, Mama, Papa, punta muna ako sa mga friends ko ha? Gala lang po kami for celebration, please?”

Nagkatinginan naman sila ni Papa ng may lungkot at halong pagkabahala. Something’s wrong?

“Ah, anak, kasi. We need to fly to Thailand today.”

“W-what Papa?”

“Anak, kasi nakakuha si Papa ng big opportunity doon para maiahon natin muli ang negosyo natin. Hindi naman lingid sa’yong nalugi tayo ditto di ba? At para mabayaran natin lahat ng utang natin, we need to go there para ma-manage kong mabuti ang negosyo.”

“Pero Papa, saglit lang tayo dun di ba po? Babalik po tayo dito?  Baka po kasi ma-miss ako ni Jerz, alam niyo naman po yun.” Nakangiti ko pang sabi.

“Pero anak, we’ll stay there for good. Or until maging stable ang business natin doon. At mahirap naman malayo tayo sa Papa mo di ba?”

“P-pero Mama. Paano si Jerz? Paano kami?”

“I’m so sorry anak. But you have to say good bye. I promise you pag okay na ang business natin, babalik tayo ditto. Ok?”

*end of flashback*

But that’s the reality of life.

Hindi palaging happy-happy lang. :)

Anyways, hindi pa naman ito ang ending. Kakasimula lang ending agad? One-shot ba to? Wala ngang nakalagay e. -_-

Siya, siya, mag-ma-mall na lang with my friends here ng lumamig konti ang ulo ko. -_-

Sino ba namang hindi mab-BV kung nakaalala ka ng ganun di ba? Tsk

--

EDNEL’s POV

Ocampo’s Residence.

POV ko ba?

(A/N) Penge lang insights mula sa’yo. -_- Mahal mo ko di ba?

Oo na nga.

O eto sa bahay, wala, tunganga lang.

Si ate nasa work na niya sa hospital.

Nurse yun e.

Hmm, 2 taon na rin siya dun.

Balak nga niya last year mag-abroad, London daw, pre. Bigtime -_-

Kaso ayaw ni Vhia. Wala daw mag-aalaga sa kanya. Hindi ko naman daw gagawin yung mga ginagawa sa’min ni ate.

Psh, kaya ko naman e. pero hindi ko siya kinontra sa pagpigil niya kay ate, ayaw ko rin naman mawala yun e.

Hindi dahil sa gusto ko lang ng papetiks-petiks kapag nandito si ate, ayaw ko lang talagang may umaalis.

Mula ng mawala sila Mama at Dada, ayaw ko ng iniiwanan ako mag-isa.

O sige, hindi nga ako mag-isa kapag umalis si ate dahil nandito pa si Vhia, pero iba kasi yung presence naming tatlo, yung kumpleto kaming magkakapatid.

Sabi nga, kami-kami na lang magkakapamilya, kami pa ba mag-iiwanan?

Pero di ko dinramahan ng ganyan si ate. Hehe, si bunso na gumawa niyan.

At kung itatanong niyo ang bunso naming, di ba nag-aaral, alangan pumasok? *insert sarcastic*

(A/N) PMS??! O.o

And ako nag-aaral ako. Finishing my masteral degree in Bus. Ad. Wala naman kaming business e, pero mas gusto ko ‘to, yung mag-aral muna.

Hindi naman naangal si ate, pinupursige pa nga niya ko tapusin ‘to kasi daw wala pa naman akong plano sa buhay ko, maigi na daw may makabuluhan akong ginagawa.

Parang may kulang pa kasi kaya hindi ako makapag-plano ng buo sa buhay ko.

May kulang pa…




Leave a Reply.

    VheilVeyl

    Hello! This is still under-construction :) At pasintabi sa magagaling gumawa ng web :D

    Archives

    April 2013

    Categories

    All