(A/N) Okay, balik tayo sa araw ng may bumisita sa mansiyon ng Gutierrez. :) Ang araw ng pagdating ng fiancée ni Riz.

AJ’s POV

 

 

Grabe lang, sobrang karangyaan ang makikita sa mansiyong ito. Alam ko namang Don siya pero iba talaga pag nakita mo mismo ang tahanan nila.

Saan ako ngayon? Sa langit. :D Siyempre joke lang. ^_^

Nandito ako sa marangya mansiyon ni Don Martino Gutierrez.

Paano kami nagkakilala?

Eto flashback a year ago…*

Nagta-trabaho na ako noon sa ospital na kasalukuyang pinapasukan ko.

Hospital.

Ang busy na naman namin, paano, kali-kaliwa ang sinusugod ngayon, yung totoo? Sabay-sabay ba nagpa-plano ang mga taong ‘to ng maaksidente at magkasakit? :D

Pero joke lang yun. ^_^

I know my duty, to serve people whole-heartedly. Nuxx :)

Public hospital lang ‘tong sineserbisyuhan ko, dati nagbalak ako lumipat sa private, para naman tumaas ang salary ko, ang hirap pa naman ngayon ng buhay.

Kaso nga lang, ewan ko, na-attach ako sa hospital na ‘to, actually sa lahat ata ng public hospital na nabibisita ko kapag nagre-relieve kami sa mga in-need na hospital at kulang na kulang sa tao.

Parang yung obsession lang ng kapatid ko sa mga bata sa ampunan?

Ganun, nasa dugo na ata naming ang charity e. :D

Si Ednel, volunteer naman yun lagi sa Red Cross, o di ba?

Kami ng mababait na magkakapatid. :D

Siguro kasi, maranasan mo ba namang mawala lahat sa inyo e, hindi ka ba makakaramdam ng kirot pag nakakakita ka ng mga taong hirap at ikaw e kaya mo namang makatulong pero walang ginagawa?

Hindi man naming napag-uusapan ‘tong magkakapatid, pero alam ko, lahat ng ginagawa naming ngayon sa mga buhay naming, na all are positive naman, as of now, sigurado akong dahil ‘to sa mga napagdaanan namin.

At masaya naman kami ngayon kahit wala na kaming magulang, basta kumpleto kaming magkakapatid.

Kaya ng nung na-offeran ako ng trabaho sa London, nagdalawang-isip ako e, kaya kinonsulta ko muna sa mga kapatid ko, at sa huli, hindi naman din ako sumang-ayon na umalis at iwan sila.

“Manong di po talaga pwede e. Kailangan niyo po muna mabayaran ‘yang deposito para maumpisahan ang operasyon ng apo niyo.”

Narinig kong sabi ng kasamahan kong nurse.

“Ineng, pangako, babayaran ko rin naman e, wala pa lang kasi talaga ang pagdating ng pension ko kaya naman nakikiusap ako sa inyo.”

At nakita ko naman sincere yung matanda kasi halos maluha na siya sa pakikiusap e. Haist, bakit kasi may ganitong policy ‘tong ospital na ‘to e public nga di ba? Tsk.

“Ah, manong, sure ba talaga kayo na maibabalik niyo po ang deposito?”

Sabat ko sa kanila kasi hindi ko na rin keri panuorin lang si manong. Sorry naman, mahabaging dyosa lang. T_T

“Opo, miss. Pangako, pagdating ng pension ko.”

“Sige po, ako na pong bahala, sa’kin niyo na lang po ibalik pag meron na kayong ipambabayad. Ako na lang po muna ang mag-aabono.”

“Tsk, Arnjelle Janie Ocampo, umarangkada na naman ang pagiging dyosa ng awa mo. O siya, ikaw nang bahala, ikaw namang magbabayad. Eto ang bill oh.”

“Ikaw naman Trisha, e meron naman akong naitabi kaya ayos lang. Tara po sa cashier manong.”

“Salamat Miss Ocampo, ha? Pagpalain ka nawa ng Diyos. Ako nga pala si Greg. Tatay Greg na lang ang itawag mo sa’kin.”

“Sige po tatay Greg.” :)

Tapos may lumapit sa aking matanda.

“Ah, Miss Ocampo, maari ba kitang makausap mamayang 5pm pagkatapos ng iyong tungkulin?”

“Ah, sige po. Wala pong problema doon, Don Martino.”

Kilala ko siya, isa siya sa mga mayayamang pilantropo sa hospital na ‘to.

Kapag lumapit ka sa kanya, hinding-hindi siya magda-dalawang-isip na um-“oo” lalo na kung talagang alam niyang kailangan ng isang pasyente ng tulong pinansyal.

Pero bakit kaya ako gusto nun makausap?

Wag niyang sabihing… gahd, gusto niya ba ako???!!!

Halalala, hindi po ako papatol sa DOM!!!

 O____O

>_____<

Pero OA ko lang di ba? Wala pang sinasabi e, tsk.

So matapos kong samahan si tatay Greg na bayaran ang deposito nila ng apo niya sa cashier, tumungo naman ako sa mga pasyente para mag-round. Ipapaalala yung mga iinumin nilang gamut, o kaya mag-aassist sa mga duktor sa ER.

At 5PM, naghahanda na akong mag-out.

Noong nasa exit door na ako, may naalala ako. Teka, bakit hindi sinabi ni Don Martino kung saan kami mag-uusap? Hala naman.

Pero baka nasa charity ward siya, teka pupunta na lang muna ko doon.

Pabalik n asana ako sa loob ng biglang may humigit sa braso ko para pigilan ako.

“Kayo po ba si Miss Ocampo?”

“Ahh, ako nga po. Bakit po?”

“Ihahatid ko po kayo kay Don Martino.”

“Ahh, ganun po ba? Sige po.”

At hayun, naghihintay pala sa’kin ang magarang Mercedez Benz sa harap. Akala  ko kung sinong may-ari e.

Pinagbuksan pa ko ni manong driver.

*drive* *drive*

Tumigil si manong.

Bumaba at pinagbuksan ulit ako.

“Ma’am jan po sa loob ng coffee shop naghihintay si Don Martino.”

“Ahh, salamat po sa paghatid.”

Pagpasok ko sa loob ng pang-MAYAMANG coffee shop, nakita ko nga si Don Martino may hawak na broad sheet sa kaliwang kamay at sa kanang kamay naman ay tasa ng hinihigop niyang kape.

Nang napansin niya ako, sinenyasan niya akong lumapit.

“Ah maupo ka Miss Ocampo.”

“Salamat po, Don Martino.”

“Kamusta naman ang duty sa hospital?”

“Okay naman po, maraming trabaho pero masaya naman po ako doon e.”

“Oo nga, nakita ko pa nga na tinulungan mo ‘yong matandang bayaran ang bill nila ng apo niya.”

“Ah, opo. Pero deposito pa lang naman po iyon. Nakita ko po kasi siyang sinserong nagmamakaawa sa kasamahan kong nurse na pagbigyan nang ma-operahan ang apo niya, wala pa nga lang daw po ang pension niya kaya naman yun. E may sobra pa naman po akong pera kaya ako na lang po ang nag-boluntaryong magbayad. Nangako naman po si tatay Greg na babayaran niya ako sa susunod na linggo e.”

“E bakit hindi mo na lang inilapit sa akin?”

“Naku, masyado naman po kasi kayong matutulungan na, at isa pa po, maliit na bagay lang naman po yun at kaya ko naman po kaya nagkusa na lang po ako. Pero hindi kop o minamaliit ang pagtulong niyo. Sa katunayan nga po niyan hanga po ako sa pagtulong niyo sa kapwa ng walang kapalit.”

“Haha, alam ko naman, at salamat sa paghanga mo. Isa pa nga, gaya ng sabi mo, hangga’t kaya ko rin tumulong, tutulong din ako.”

“Aheh, buti nga po at may mga tao pang kagaya niyo e.”

“Oo nga, pero lahat naman ito ay dahil sa Kanya. Ginamit lamang niya akong kasangkapan para tumulong sa mga nangangailangan.”

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Ang bait talaga ng Don na ito. Hindi siya gaya ng ibang mayayamang mapagmataas at matapobre.

“Ah, kaya nga pala kita gustong maka-usap ay dahil may offer sana akong magandang trabaho sa iyo.”

“A-ano po ba iyon?” nag-rattle ako, siyempre malay ko ba sa kung ano ‘yun.

“Gusto sana kitang kuning personal nurse ko. Magkakaroon kasi ako ng mahabang pag-stay sa London, at gusto lang maka-siguro ng pamilya ko na magiging maayos ang lagay ko doon kaya naman kailangan ko ng isang personal nurse.”

“Ahh, bakit naman po ako? Hindi naman po sa ayaw ko pero..”

“Nakita ko kasi na mapagkakatiwalaan kita, hija. At well, I’ve seen your records, maganda ang naging performance mo at image mo sa mga pasyente at co-workers mo sa hospital.”

“Ah-eh, pwede po bang pag-isipan muna? May dalawa rin po kasi akong nakababatang kapatid, tatanungin ko po muna sila kung okay lang na tanggapin ko iyon. Pero salamat po talaga at nakita niyong mapagkakatiwalaan niyo po ako.”

“O sige, basta’t tawagan mo ako kung anuman ang desisyon mo, okay?”

Pagkasabi niya nun ay inabot niya ang isang maliit na card sa akin. Nakalagay doon ang address ng bahay, office, at contact numbers ni Don Martino.

Nagpaalam na rin ako matapos nun. Inalok pa nga niya ako umorder ng meryenda pero nahiya ako e >//< kaya humindi na lang ako. Isa pa, naghihintay na rin siguro ang mga kapatid ko. At sasabihin ko pa sa kanila yung alok ni Don Martino.

*end of flashback*

At hayun, hindi nga ako tumuloy. Sinabi ko kay Don Martino na hindi ko kasi kaya talagang iwan ang mga kapatid ko at naunawaan niya naman daw iyon. Tapos kahapon nagkita ulit kami sa hospital. Isang buwan na pala siyang nakauwi galing London. Pero inaalok naman niya daw ako muli maging personal nurse pero ditto na daw sa Pilipinas.

Madalas daw kasi siyang atakihin dahil sa mga pasaway niyang apo.

Kaya ngayon, andito ako nakatayo sa harap ng pintuan ng marangya nilang tahanan.

Pinapasok naman agad ako sa gate ng village dahil expected visitor daw ako.

At ang nakakagulat, walang gate ang bahay nila. Bukod tangi ata ‘to e.

‘Yong tipong mapapaisip ka talagang mabababa ang mayayamang nakatira sa loob nito. Kasi walang mataas na bakod, may pader pero hindi ganun kataas, at wala ngang gate kaya deretso pintuan na ng mansiyon ako.

At buti walang aso. -___-

Pinidot ko na yung door bell.

*ding dong*

 

In two minutes, pinagbuksan na ako ng isang maid. Halata sa hitsura niyang maid, kasi naka-uniform. Yung parang uniform sa anime na Maid in Sama? Ang cute. :)

“Good morning po. Sino po sila?” magalang nitong bati sa akin.

“Ah, ako po si Arnjelle Janie Ocampo. Si Don Martino po ang sadya ko.”

“Ah, kayo po pala. Naku, kay ganda niyo naman po talaga. Halika at pasok po kayo sa loob.”

Eh? Ano daw? May pagkumprima na maganda ako? Aminado naman ako dun, pero parang may weird sa pag-identify niya sa akin? Mag-aapply lang naman akong personal nurse. O.o

At nakita ko ang mga nasa loob, may dalawang naka-upo sa magkahiwalay na sofa, tapos si Don Martino ay nakatayo na ng makita akong pumasok.

“Good morning po, Don Martino!” bati ko ng nakangiti.

“Halika, hija, let’s have our lunch na bago tayo mag-usap.”

At iginiya na niya ako patungo sa dining area. Kasunod namin ni Don Martino yung dalawang lalaki. Bata pa pareho. Magka-iba halos ang dating, pero magkahawig. Magkapatid siguro. Ahh, baka sila yung apo ni Don Martino.

Yung isa, rugged ang look at medyo magulo pa ang buhok. Unlike nung isa, finesse ang kilos at maayos manumit. At ang gwapo, in fairness. Pareho namang gwapo, pero kasi hindi ko type yung isa kasi nga medyo parang laging susuntok ng kaaway ang hitsura. Yung isa, parang prince charming. ^___^

“Kumain muna tayo bago ang usapan.”

Hindi naman sila nagsasalita habang kumakain kami.

Ganun ata ang mayayaman, bawal maingay sa hapag? Masaya kaya kung nag-uusap din habang nakain. Pero syempre, ‘Don’t talk when your mouth is full.’

At nang matapos ang magarang lunch, oo magara kasi parang piyesta. >__<

Kaya naman busog ako. *O*

“So, ikaw pala ang magiging fiancée ni kuya? Too unlucky for you. tsk” sabi nung rugged-looking guy.

And what did he just say?!!!!!

F-F-Fi-Fia-FIANCEE? WTH?!!

O_______O

ANO YUUUUUUNNNNN?????

--

(a/n) O sorry naman ang bagal ng takbo ng story. :D

Wala naman kasi yata nagbabasa. -__-


 
ZIELON’s POV

Tsk, ang sakit ng ulo ko. Oo na, ako ng lalakero. Pero hindi niyo naman kasi alam yung dahilan ng pagiging ganito ko.

Kukwento ko ba? Psh, wag na. Saka na lang, may hang-over pa ko at wala pang tulog dahil kinuha ni Lolo yung credit cards, cash, at ATM ko. At kapalit ng pagbalik nun, kinakailangan ko silang sabayan kumain ng tanghalian ngayon.

Para magbigay pugay sa fiancée ni kuya?

Baliw na yung tandang yun. Kita nang bakla e tapos bibigyan ng fiancée? Pero buti nay un kesa ako ang uliratin niya.

Magiging battered wife lang yung ibibigay niya. -_-

Oo, woman-hater ako. At dahil nga sa woman-hater na ako, naging womanizer ako.

E yung tangnang babaeng yun kasi, iniwan na lang ako ditto. Sinabi niyang mahal niya ako tapos ganito?

Sige, sabihin na nating wala siya nun magawa dahil bata pa kami pareho.

Pero sana di ba kino-contact niya ko ditto? Kaso wala na, wala na kong narinig sa kanyang balita.

Kaya wag na rin siyang bumalik!

“Zielon! Bumaba ka na sa living room, pinabababa ka na ng Lolo mo!”

Si Manang Sinang yun. Siya yung naging nanny naming ni kuya mula baby pa kami. Natural, una siyang naging nanny ni kuya, hanggang sa ginawa na siyang permanente naming kasambahay kasi talagang napamahal na siya sa’min e. Lalo samin ni kuya, lagi naman kasing wala magulang naming ditto, at siya ang tumayo sa’min.

“Opo, paparoon na po.”

Kahit ganito ako, ginagalang ko pa din sila ‘no. :)

Bumaba na ko sa living room. At andun na nakaupo sa mahabang sofa sina kuya at lolo.

“Tsk, e nasaan na po pala ang magaling kong kapatid, Granny?”

Eto na oh.

“Hay, nakita ko lang kaninang umaga, kakauwi lang. With a black eye.”

“Hayy naku, Granny. Better siguro pauwiin mo na si Mudra para ma-discipline ‘yang si brother ko. Hindi naman nakikinig sa akin e.”

Naku, asa ka namang papagalitan ako nun, si Dad pa pwede. Pero si Mom? Nah, paborito ako nun e. :p

“Tsk, e kung nagpapaka-LALAKI ka kasi para naman tinuturing kitang kuya di ba?”

Totoo naman, para siyang ewan. Bakit ba naging ganyan yan? -_- Pero kahit ganun, hindi ko naman siya dini-discriminate, takot ko lang, sa kanya kaya ipapamana ‘tong mansiyon, ayaw ko pa mapalayas ditto. :-p

“WOW, havey ang entrada mo bro! Umeepal ka na sa usapan namin ni Granny. Why are you here nga pala? Granny told me na kakauwi mo lang kaninang morning. Himalang sasabay ka sa’min magtanghalian?”

“Tsk, kinuha ni Lolo credit cards ko.”

“Dapat lang. You should pay respect sa fiancée ng kuya mo.” Sabi ni Granny

Oo na ho! Asan na kaya yung ipapakilala niya? Tsk, antok pa ko e. (__’”)

*ding dong*

“O Karylle, buksan mo na ‘yung door.” Utos ni kuya sa katulong namin.

At niluwa ng pintuan naming ang isang babaeng simple lang ang pananamit.

Walang arte sa katawan, ni walang kolorete sa mukha, pero maganda.

But definitely, not my type.

Kaya buti at kay kuya nireto yan. *smirk*

“Good morning po, Don Martino.”

Bati niya kay Lolo and she flashed her cutest smile.

“Halika, hija, let’s have our lunch na bago tayo mag-usap.”

Tsk, umay talaga. Dapat natutulog pa ako e. Ano bang kinalaman ko sa kanila?

--

(A/N) Next POV will be 2 days ago bago yung eksena sa mansiyon ng Gutierrez, okay? :)

STEFANI’s POV

Thailand.

Wala naman masyado pinagkaiba ito sa Pilipinas. ‘yun nga lang, hindi ko maintindihan ang mga nilalang na naririto. :D

Hey, guys and gals, I miss you na. :(

Gusto ko na ulit kayo Makita.

Ayan, kausap ko lang naman ang picture frame where my Filipino friends and I are having fun at Mall of Asia.

And siyempre, kasama siya doon.

Sino? E di si Zielon Jerz Gutierrez.

Miss din kaya niya ako?

Tss, what should I expect? Malamang kinalimutan na ako nun. Di na kaya kami nagkakausap.

But he said he loves me, so I can still hope for something like that, right? :)

But then again, what if he’s really angry? :-/

Sorry, Jerz. I have nothing to do, ‘cause I can’t do anything way back then.

Way back then, 2 years ago..

*flashback*

Kami, masaya kaming dalawa. Kahit kami lang ang lovers sa barkada, hindi naging problema yun sa mga kaibigan naming. Actually, kaibigan ko sila originally, sina Riz, which is his brother, Sharlene, Marjorie and Hazel. Pero dahil sa kilala na naman talaga siya ng barkada since first year kami at mas naging close sa amin simula ng ligawan niya ako, ayun, winelcome na nila siya sa barkadahan. ^_^

Buti nga magkakasundo kami at ang mga kaibigan ko sa boyfriend ko. Mahirap kasi yung iba na pumipili pa sa pagitan ng kaibigan at boyfriend di ba? E mabait naman kasi ‘tong si Jerz e tapos gwapo pa. Hihihi landi ko lang. <3

Hanggang ngayon nga e, hindi talaga ako makapaniwala na boyfriend ko na siya, hihihi. Dati kasi nung first year, tinatanaw ko lang siya sa malayo.

Tapos nung birthday ni Riz, dun, he formally introduce me to his brother, at dun daw na-Love at first sight siya sa akin. Ahihihi, kinikilig pa rin ako. :D

Pagkatapos ng gabing yun, hayun, niligawan na niya ako.

At dahll strict ang parents ko, sabi ko sa kanya, ligawan muna niya ang magulang ko.

Nung una, hesitant pa siyempre sila Mama at Papa. Ang bata ko pa siyempre para sa boyfriend thingy, pero as they know him, he gained their trust. ;)

At happy naman ako dun, pero after niyang mapa-OO ang parents ko, syempre pakipot din muna ako. :D

Kahit kating-kati na akong sagutin siya, ayun, niligawan muna niya ako. And after two months niyang mapa-OO sina Mama at Papa, sinagot ko na din siya.

Ang cute kasi ng ginawa niya nun e. Dun talaga ako napa-oo. >///<

Kumanta kasi siya sa gitna ng monument ni Rizal sa Luneta (hindi ko alam kung paano siyang pinapasok dun) tapos yung speaker all over the park e medium niya sa pag-deliver ng kanta niya.

Tapos ayun, nag-de-date kasi kami nun ng mga kaibigan ko (at hindi ko alam na dinadala lang pala nila ako sa surprise ni Jerz), at narinig ko siya sa isa sa mga speaker na nadaanan naming at pinapunta niya ako sa monument ni Rizal.

Ako naman si kinabahan kung anong kabulastugan ang ginagawa niya, pumunta naman ako, and to my surprise, kumakanta siya katabi nung mga nagbabantay kay Rizal, malay kung anong tawag sa kanila. :D

Pagkatapos niyang kantahin yung I’m Yours by Jason Mraz, na fave ko, bigla siyang lumabas dun sa harang sa monument at lumapit sa akin at naka-mic pa niyang sinabi ‘to:

“Stefani Johannes, half-Italian and half-Filipina, but a true-blooded Pinay, 14 years of age, studying at *toot* Academy, my girl, my love, my life and my everything, pasado na ako kina Mama at Papa mo, now, I wanna ask you, am I already enough to be with you forever? Will you be my girlfriend?”

Tapos siyempre nag-react yung mga kaibigan ko at ang mga saksi sa paligid at nag-uusyuso nun.

Lumabas pa yung mga guards dun sa park, at isa-isa nilang binigay yung white rose na hawak nila, at yung 14th blue rose, hawak ni Jerz at nung binigay niya sa’kin yun, bigla siyang lumuhod at may nilabas na maliit at makinang na bagay mula sa pocket niya.

“Please be my girl forever?”

“Yes, Jerz. I’m yours already.” Naiiyak ko pang sagot sa kanya.

E kasi naman, naiiyak na ko sa kilig, tuwa, at mejo nahihiya ako kasi ang dami ng tao nakatingin sa amin at nag-rereact sa pangyayari. (Positive reactions naman. ^_^)

Nung narinig niya akong sumagot, bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hayun, hinalikan niya ako.. sa cheeks lang naman, bawal PDA. :-p

At sinout na niya yung ring, ang cute nga e.

“Thank you, Stef. I love you.”

“No, Jerz, thank you. And I love you too.”

Tapos niyakap niya ako ulit.

E anebe. >/////< <3

“Jerz, alis na tayo ditto. Hiya na ko e.”

“Hahaha, I know. Ayan oh, kanina ka pa parang kamatis sa pag-bblush.”

At ayun, after that day, naging masaya naman kaming mag-bf/gf.

May tampuhan pero hindi naman tumatagal at di pwedeng lumipas ang gabing di naming naso-solve ‘yon.

Until nung graduation day namin.

Papa- “Anak, congrats! May honor ka pang grumaduate.”

“E ‘Pa, 8th honorable nga lang po e. sorry po ah if I’m not the best.”

Mama- “Nak, Mama and Papa are really proud of you kahit wala ka pang honor. And itong nila-lang mong awards, 8th honorable, Ms. *toot* academy, Loyalty Award, aba, anak, ang dami na niyan. And if you’re not the best for them, for us, you’re the best among the bests.”

Naka-ngiting sabi ni Mama. Touch ako, napaluha tuloy ako.

“Ah, Mama, Papa, punta muna ako sa mga friends ko ha? Gala lang po kami for celebration, please?”

Nagkatinginan naman sila ni Papa ng may lungkot at halong pagkabahala. Something’s wrong?

“Ah, anak, kasi. We need to fly to Thailand today.”

“W-what Papa?”

“Anak, kasi nakakuha si Papa ng big opportunity doon para maiahon natin muli ang negosyo natin. Hindi naman lingid sa’yong nalugi tayo ditto di ba? At para mabayaran natin lahat ng utang natin, we need to go there para ma-manage kong mabuti ang negosyo.”

“Pero Papa, saglit lang tayo dun di ba po? Babalik po tayo dito?  Baka po kasi ma-miss ako ni Jerz, alam niyo naman po yun.” Nakangiti ko pang sabi.

“Pero anak, we’ll stay there for good. Or until maging stable ang business natin doon. At mahirap naman malayo tayo sa Papa mo di ba?”

“P-pero Mama. Paano si Jerz? Paano kami?”

“I’m so sorry anak. But you have to say good bye. I promise you pag okay na ang business natin, babalik tayo ditto. Ok?”

*end of flashback*

But that’s the reality of life.

Hindi palaging happy-happy lang. :)

Anyways, hindi pa naman ito ang ending. Kakasimula lang ending agad? One-shot ba to? Wala ngang nakalagay e. -_-

Siya, siya, mag-ma-mall na lang with my friends here ng lumamig konti ang ulo ko. -_-

Sino ba namang hindi mab-BV kung nakaalala ka ng ganun di ba? Tsk

--

EDNEL’s POV

Ocampo’s Residence.

POV ko ba?

(A/N) Penge lang insights mula sa’yo. -_- Mahal mo ko di ba?

Oo na nga.

O eto sa bahay, wala, tunganga lang.

Si ate nasa work na niya sa hospital.

Nurse yun e.

Hmm, 2 taon na rin siya dun.

Balak nga niya last year mag-abroad, London daw, pre. Bigtime -_-

Kaso ayaw ni Vhia. Wala daw mag-aalaga sa kanya. Hindi ko naman daw gagawin yung mga ginagawa sa’min ni ate.

Psh, kaya ko naman e. pero hindi ko siya kinontra sa pagpigil niya kay ate, ayaw ko rin naman mawala yun e.

Hindi dahil sa gusto ko lang ng papetiks-petiks kapag nandito si ate, ayaw ko lang talagang may umaalis.

Mula ng mawala sila Mama at Dada, ayaw ko ng iniiwanan ako mag-isa.

O sige, hindi nga ako mag-isa kapag umalis si ate dahil nandito pa si Vhia, pero iba kasi yung presence naming tatlo, yung kumpleto kaming magkakapatid.

Sabi nga, kami-kami na lang magkakapamilya, kami pa ba mag-iiwanan?

Pero di ko dinramahan ng ganyan si ate. Hehe, si bunso na gumawa niyan.

At kung itatanong niyo ang bunso naming, di ba nag-aaral, alangan pumasok? *insert sarcastic*

(A/N) PMS??! O.o

And ako nag-aaral ako. Finishing my masteral degree in Bus. Ad. Wala naman kaming business e, pero mas gusto ko ‘to, yung mag-aral muna.

Hindi naman naangal si ate, pinupursige pa nga niya ko tapusin ‘to kasi daw wala pa naman akong plano sa buhay ko, maigi na daw may makabuluhan akong ginagawa.

Parang may kulang pa kasi kaya hindi ako makapag-plano ng buo sa buhay ko.

May kulang pa…

 
AJ’s POV

Ala-6 na pala. Kelangan ko nang ihanda ‘yong almusal naming magkakapatid.

Aba’y malamang wala na kaming magulang, kaya nga ako ang maghahanda di ba? :-p

Hays, buti na lang 2 years pa bago umalis si bunso ditto, si Vhia. Batang ‘yon, balak mag-madre.

Hindi naman ako tutol dun. Kaya lang siyempre bilang ate, at bilang ako na rin ang nag-alaga sa kanya mula nang iwan kami ng mga magulang naming, masakit sa’kin yong mapalayo siya.

“Hoy ate! OA mo mag-drama, aga-aga. Tss.”

Epal naman ‘to si Ednel, kahit kelan talaga, naninira ng moment. -_-

“Oh, bakit ang aga mo gumising? 10 pa pasok mo ngayon di ba?”

Siyempre alam ko yung sched nilang dalawa ni Vhia. Malay ko bang may bigla na lang kumidnap jan sa mga yan. -_- OA na kung OA, at least nagpapaka-ate.

“Tutulungan na kita.”

“Ahh, sige. Sangag mo na ‘yong kaning lamig kagabi sa ref.”

“Ok.”

“Oy ate!”

“Oh?” Maka-oy ‘tong batang ‘to. Parang di ako mas matanda sa kanya, in-ate pa ko. :-/

“Matagal pa naman aalis si Vhia, ‘wag ka na mag-drama muna. OA mo e.”

“Oo na. Nakakalungkot lang kasi, bunso pa naman natin yun. Ayaw mo rin naman mawala siya ditto sa tabi natin di ba?”

“Naman.”

“Pero sabi nga ni Dada dati di ba? Make the most out of it. Hanggang kasama natin ‘yung mga taong mahal natin, dapat sinusulit natin. Dapat lagi nating iniisip na ito na yung last na makakasama natin siya. Para sa ganun, susulitin mo yung oras. Araw-araw.”

Nagulat ako, bukod sa ang haba ng sinabi ng kapatid kong ‘yan ngayon na bihira talaga mangyari in our entire existence, e nabanggit niya si Dada. Ang tatay namin. Mula kasi ng mamatay ito, never niya binanggit si Dada. Iniyakan niya, oo. Nung inilibing na siya, pero pagtapos nun, parang wala na sa kanya kahit alam kong lungkot na lungkot siya nun.

“E-ednel.”

“O bakit ate? Sus, parang pinangaralan lang kita, kesyo e-emote-emote ka jan. Sige na, magluto ka na.”

Aba’t inutusan ako? >.<

Pero bale, at least hindi naman ganun ka-lungkot siya nung nabanggit niya si Dada. Nagma-mature ang kuya namin. OO NAMIN! Bakit ba, bata pa ko. -_- Panganay lang ako, pero di ibig sabihin bawal na magpaka-bata. ‘Kay??

--

THIRD-PERSON’s POV

Sa bahay ng mga Gutierrez.

(Hindi sa bahay nila Richard at Raymond ha? -_- Mas pogi ‘yung bidang magkapatid ko dun. Or not ?)

“RIZDEL MIGUEL!”

Sigaw ng matandang Don sa natutulog na apo nito.

“GRANNY! NATUTULOG PA PO ANG PRINCESS NIYO!” paos ang boses na sagot ni Riz (yan ang prefer niyang nick. Malandi e. -_-).

“ANONG PRINCESS?! WALANG HIYA KA TALAGA! LALAKI KA! WAG KA NGA MANGARAP! GUMISING KA NA DIYAN! Darating na ditto ang Fiancee mo maya-maya lang.”

“HUWAAAATTT?!!! Please granny, wag niyo na naman po ipilit ang fixed marriage na ‘yan! Andyan naman si Zielon para tumpad sa wishy-wish niyo e.”

“Aba’t sino bang mas matanda?”

“Kayo po.” Bulong nito pero narinig pa rin naman ng matandang Don.

“HOY! MIGUEL! Wag mo kong pinipilosopo! Madali ka na’t harapin mo ang fiancée mo dahil sa ayaw at sa gusto mo, mag-aasawa ka!”

At dahil dun, napa-upo na sa kama si Riz.

“Granny naman e. Pwede ko naman asawahin si Papa Aljur o kaya si Papa Coco. Wag lang sa girlalush. Hayaan niyo, kung asawa lang din naman po pala pa-flylalu na kami bukas sa Washington para dun magpakasal papipiliin ko lang sila kung sino ang—“

“RIZDEL MIGUEL GUTIERREZ!!”

At hayan, nabanggit na ni Don Martino ang buong pangalan ng apo, kaya isa lang ang ibig sabihin niyan.

“Granny, joke lang naman po. Kayo naman po hindi na nabiro, heto na nga po, oh. Maliligo na po, sige na po, gorabels na ko sa fiancée ko.”

“Hay, kelan ka bang titinong bata ka? Mabuti pa si Zierlon sa iyo e.”

“Granny, ‘wag niyo nga ko i-compare sa apo niyong iyon. Mas matino naman ako kahit Sirena aketch! Never me nagdala ng trouble sa mansion natin.” Maarteng sagot ni Riz.

Totoo naman yun e, kahit ang Don ay aminado doon. Ang gusto lang ipunto ng Don ay magpaka-lalaki itong si Riz. Ilang gulo na ba kasi ang pinasukan ni Zierlon? Bukod doon, ilang babae na rin ang umiiyak na tumuloy sa tahanan nila nang dahil sa hiniwalayan agad ni Zierlon ang mga ito.

Buwan-buwan, ay mali, tuwing Linggo, aasahan na nilang may babaeng umiiyak na darating at magpapakilalang kasintahan ng suwail niyang apo at papakiusapan siyang ‘wag silang iwan ni Zierlon.

Bihira lang ata na may Linggong dumating at walang desperadang babaeng pupunta sa kanila. Marahil e natatakot lang pumunta, o kaya naman ay nahihiya na lang magpakita pa doon.

Pero tuwing Lunes naman, may dalang iba’t ibang babae si Zierlon sa mansiyon. Hindi maintindihan ng Don kung bakit nagkaganoon ang batang iyon. Basta’t ang alam niya, 3 years ago, nung natapos ito sa sekondarya, bigla na lang itong umuwing lango at umiiyak. May binabanggit itong ngalan ng babae pero hindi naman niya naaalala na. At isa pa, never itong nadala ni Zierlon sa kanila at noon lang din niya nalamang may kasintahan na pala ang apo niyang iyon.

Umalis na si Don Martino pagkatapos na Makita niyang pumasok na ng banyo si Rizdel. Isa pa niyang sakit ng ulo ang pagiging lalaki nito. Kaya nga kahit ayaw niya, kelangan niyang ipilit ditto ang magpakasal sa babae.

--

RIZDEL MIGUEL’s POV

 

 

No, author, it should be Riz’s POV!

A: Aarte ka pa? Gusto mo wala na lang POV oh?

Ay hindi, sabi ko nga kaw na bahala, amp.

Haay, eto namang author ko, di na mabiro. Parang si Lolo, HB agad-agad!

Bakit ba kasi ayaw nila akong ganto? Why they make me pilit to be a guy? It’s a no-no, dear! Isinilang ako ni Mader Dear para maging ganitey.

Gusto ko lang din naman magpaka-totoo. :(

Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib


Simula pa nang bata pa ako, 
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito, 
Magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang pula, 
Sa bubble gum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin, 
Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"
Habang kumekembot ang bewang, 
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan, 
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pilikmatang kulot.


Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib


Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo?
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba, 
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa
Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman itay, di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat


Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib


Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita
Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit
Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla


Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, 
Sa'kin kayo ay bibilib
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko'y di tutumba...




(A: Hoy! Ano eemote ka pa o papakilala ka na? O wag na lang?)

Eto na nga, oy my dearest readers, ako po si Rizdel Miguel Gutierrez, asawa ni Papa Richard Gutierrez, ay nangangakong mamahalin ko siya habang buhay, sa hirap at--

(A: RIZDEL MIGUEL GUTIERREEEEEEEEEEZ!!!!)

POV ko ‘to tapos ume-eksena kang author ka, hmp! Eto na aayos na po!

Yes, I am Rizdel Miguel Gutierrez, for short, Riz Dyosa, chos! Basta call me Riz para walang warla tayo, okeys?

At eto nga, ako’y isang sirenang binaba ng mahiwagang alon sa lupa upang maghasik ng kagandahan. Harharharharhar..

E basta, ako ang magandang unica hija nila Rizajane at Fidel Gutierrez, kaya hayan ang labas ng namesung ko. Ang kornikels nila e. -_- At si Zierlon? Ang nakababata kong kapatid na very so much much suwail.

Mula ng iwan siya ni Stefani Johannes, naging ganyan na yan.

Oo, I know right why siya ganyan. Dahil sa BFF kong maganda na nag-flylalu sa Thailand kasama ang parents niya. Doon na kasi nakapagpatayo ng business ang Dad niya matapos malugi ditto sa Pilipinas. Anyways, bahala na sila magkwento ng lablayp nila, okey? I’m here to say my story.

At eto na nga ako, nagwe-waiting ang beauty ko sa sinasabi ni Lolo na fiancée ko daw? Tsk, ang thunders na iyon, ayaw ako tantanan sa kasal-sakalan na ‘yan. Paano na lang kami ni Papa Paolo A.? Paano ko matitikman ang katawan niyang oh-so-yummylicious kung papasakal este papakasal ako sa girlash?

“Bakit hindi na lang si Zierlon ang ipakasal para tumino naman.” Hindi ko na naiwasang maisatinig ang aking pagdadalamhati ditto. Ahuhuhu.

“She’s not appropriate for his age. Mas bagay ang edad niyo ng ipakikilala ko ngayon, and I’m sure, magugustuhan mo siya. Angelic ang mukha niya, apo!”

“Hmp, if I know, mas maganda pa ata ako dun e. Granny ha, ayaw ko na sa tulad ng mga idinate niyo sa’kin dati. Naku, mag-eexpire ang beauty ko sa stress sa mga ‘yon e.”

Tinawag niya akong apo nagyon, so it means, he needs my agrrement with this thing, kung hindi, magtatampo yan, ma-ii-stress at maha-heart attack na naman. Afraid ako dun. I still love my Lolo kaya need ko magsunud-sunuran today.

“No, no, not this time, apo. I’m sure mabibighani ka na ditto.”

“Where is she na ba? 10:45 na oh. She’s so kupad ha. So not professional.”

“She’ll be here in a few minutes, I invited her to join us in lunch kaya she’s not yet late.”

“Tsk, e nasaan na po pala ang magaling kong kapatid, Granny?”

“Hay, nakita ko lang kaninang umaga, kakauwi lang. With a black eye.”

“Hayy naku, Granny. Better siguro pauwiin mo na si Mudra para ma-discipline ‘yang si brother ko. Hindi naman nakikinig sa akin e.”

“Tsk, e kung nagpapaka-LALAKI ka kasi para naman tinuturing kitang kuya di ba?”

Aba’t akalain mong andito ‘to ngayon sa harap ng isang dyosa at mukhang kakagising lang.

“WOW, havey ang entrada mo bro! Umeepal ka na sa usapan namin ni Granny. Why are you here nga pala? Granny told me na kakauwi mo lang kaninang morning. Himalang sasabay ka sa’min magtanghalian?”

“Tsk, kinuha ni Lolo credit cards ko.”

“Dapat lang. You should pay respect sa fiancée ng kuya mo.” Sabi ni Granny

 Hay, asan na ba yang babaitang yan? Nang makilatis na. Oy, hindi ako excited sa chura niya, excited na kong i-dump siya at laitin sa harap ni Granny. Ibang klase naman kasi ‘yong taste niyan. Naalala ko tuloy yung mga naging ka-date ko noon na gawa niya…

*flashback*

Isang dabyana na mukhang inubos ang make-up ang kaharap ko.

Chura mo teeh!! Saan punta? Children’s party? Dali gorabels ka na dun. Wala pa yung clown, nae-excite na si Junior!

 

Gustung-gusto ko ‘yan sabihin sa kaharap ko ngayon o kaya itaob ‘tong mesa nang lumayas na siya sa harap ko. Grabe, mas maganda pa ko ditto e.

“Hi, baby boy! Sabi ni Don Martino mahilig ka daw sa steak? Ahihihi, ako din e. Parehas pala tayo, I think we’re destined for each other!”

Malanding sbai ni Dabyana este nitong balyenang ka-date ko.

Grannyyyyyyyy! I need your help! Get me out mula sa balyenang ito!

 

 

Pero dahil sa sinabi ni Granny na magpaka-gentleman ako sa harap nila kundi ay aalisan niya ako ng mana, ayun plastikin ko na lang ‘to. I-plastik ko na lang kaya to? Ay hindi siya kasya, mauubos ko ng lahat ng plastic kong friends, hindi pa rin siya mailalagay. >_<

“Ahem, hehe. Coincidence lang siguro.”

Siyempre lalaki ang voice ko niyan. Ang sakit nga sa heart e, parang may kung anong tumutusok sa puso ko, na parang meron dapat hindi kasali sa pagkatao ko habang ginagawa yun. -__-

“No-no-no my baby boy. Hindi ako naniniwala diyan, mas naniniwala ako sa destiny! Kaya feel ko talaga destiny kit. Muwaaaaahhhhh.”

At ngumuso po siya at gusto sana ilapit ang bunganga niya sa kissable lips ko. EWWWWWW!!

At tinapos ko ang date na ‘yon kahit gusto ko na siyang upukan.

Pagtapos nun, siyempre sinabi k okay Granny that I don’t like her, tinakot ko pa nga siyang magkakaroon siya ng apo sa tuhod na mukahang balyena at snail pag pinakasal niya ko dun, hmp.

At hindi doon nagtapos, nagka-date pa ko ng babaeng hipon, lollipop, at babaeng perfect na sana kaso may smell ang bibig. TOTAL EWWWNESSSS!

*end of flashback*

At iyon po ang makasaysayan kong pagdurusa sa kamay ng mga babae kaya naman, ano naman kaya ang fez ni ateng fiancée ko na daw?

*ding dong*

“O Karylle, buksan mo na ‘yung door.” Sabi ko sa katulong naming na totoong Karylle ang name. Grabe, kainggit, ganda ng name e. Sayang sana akin na lang name niya. :(

At biglang lumitaw ang isang….

 
VHIA’s POV

Sanggol. Bata. Babae. Lalaki. Iilan lang ang mga iyan sa mga makikita sa bahay na ito. Iba’t iba sila ng mga katangian, ugali, hitsura, pero merong iisa sa kanila. Lahat sila inabanduna ng mga sariling magulang.

Ang sakit sa akin na nakikita silang ganoon. Iyong kapag may mga gigising sa gabi dahil napanaginipan daw nila ang nanay nila pero magigising na wala naman sa tabi nila ang mga ito.

Pero kapag nakikita ko kung paano sila natutulungan dito nina Mother Trinity at mga Sisters, natutuwa ako. At kappag kasama ako sa mga nakakapagbigay ng ngiti sa kanila, nagagalak ang puso ko.

Hays, ewan ba. Kahit lumaki naman kami nina ate at kuya sa kumpleto at masayang pamilya, apektado ako masyado kapag tungkol sa mga batang mga ito ang pinag-uusapan.

At hindi ko lang ngayon ‘to naranasan. Magmula nang bata pa ako e ganito na ko. Kaya nga kilalang-kilala na ako sa bahay-ampunang ito, kasi tuwing linggo, pagtapos magmisa sa katabing simbahan, ditto ako naglalagi. Kahit wala akong dalang pagkain sa kanila lagi, napaka-init pa rin ng pagtanggap nila sa akin. Every month lang kasi ako nakakakalap ng sapat na pondo para sa pagdadala ko ng tulong ditto.

Yes, I’m doing it all by myself. Savings ko from my monthly allowances plus nagpupunta ako sa mga NGO’s para humingi din sa kanila ng tulong. May ilan na nga rin sa kanila e monthly nilalaanan na ako ng pera mula sa charity funds nila dahil alam nila na doon sa Little Angels’ Home ko dadalhin iyon.

Pero may iba lang din na parang pulubi ang turing sa akin, lalo nga at mag-isa lang naman akong pumupunta sa mga opisina ng NGO’s. Gaya kanina…

*flashback*

“Ms. Ocampo from Little Angel’s Home? Sunod ka na.”

“Ah, yes ma’am.” Sagot ko dun sa secretary sa front desk. Siyempre, matiyaga na naman akong pumipila ngayon sa isang kumpanya para makakalap ng funds para sa Little Angels’ Home. Hindi kasi ganun kasapat ang mga binibigay ng mga pilantropong tumutulong din doon. Lalo pa nga’t nadadagdagan kada araw ang mga batang dinadala sa ampunan. Kaya sinabi ko kina Mother Trinity na ako ng bahalang maglakad sa mga NGO’s para sa kakulangan sa panggastos sa ma batang naroroon.

Unang beses ko nga pumunta sa opisinang ito. Ni-refer lang sa akin ng isang minister sa parokya namin. Sabi niya kasi nagbibigay din ng tulong ang kumpanyang ito sa mga nangangailangan talaga at lalo na sa mga ampunan.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto kalapit ng front desk pagkalabas ng sinundan ko.

Siyempre kumatok muna ako bago pinihit ang door knob.

“Good Morning po! Ako po pala si--”

“Yes, Ms. Vhia Louisse Ocampo from Little Angel’s Home.” Putol sa akin nung babaeng nasa mid-forties ang edad.

“Ahh, opo. Gusto lang po sana—“

“Humingi ng tulong para may maipakain sa ampunan niyo? Hay, Miss. Bakit ba kasi tanggap kayo ng tanggap ng mga bata kung ganyang di rin niyo pala kayang tustusan ang ipapakain sa kanila? Tskts, sa tingin niyo ba e nakakatulong talaga kayo? E halos araw-araw may mga katulad mong namamalimos ditto na parang mga pulubi. Naku, ewan ko ba sa boss naming kung bakit ganito na lang ka-submissive pagdating sa charity works. Tsk, e wala namang buting naibibigay iyon sa kumpanya kundi kabawasan lang sa kinikita niya. Oh, bakit para kang aanga-angang nakatayo pa diyan? Kanina pa kita kausap hindi ka man lang umupo? Umupo ka na!”

“S-sorry po, Ma’am.”

Hays, kundi lang para sa mga bata ito, naku. Nasapok ko na ‘tong mataray na ‘to e. Tsk, bakit ba ang rude ng ugali niya? Grabe, ni hindi na nga niya ko pinapatapos sa tuwing magsasalita ako tapos ni hindi man lang ako inalok maupo, ako pa ang aanga-anga? My gulay! Pero tiis lang, hindi naman para sa akin ito e. Para ‘to sa mga anghel namin.

“Oh hayan, 5k iyang nasa loob niyan, ha? At pirmahan mo itong log book, ilagay mo rin ang pangalan mo at pangalan ng ampunan niyo. Para makumpirma naming may nag-e-exist ngang ganyan ditto. Baka mamaya niyan e pineperahan niyo lang ang kumpanya namin. At patingin din ng ID mo.”

“Ah, sige po, ito po.” Binigay ko naman ang ID na in-issue ng parokya  naming sa akin, katibayan daw iyon na isa ako sa mga pinagkakatiwalaang kumuha o mangalap ng pondo para sa isa sa mga bahay- ampunan na sakop ng parokya.

“Hmp. Rev. Francis Val Asuncion pala, kilala ko ito. Pag nalaman kong hindi ka pala totoo, naku malalagot ka doon at makukulong ka.

“Ahe, hindi naman po ako peke. Tunay po ako.” Hays, konti na lang Lord, pigilan niyo po ako. Nakakababa na ng pagkatao ko ang pinagsasabi niya e. Pero dahil wala naman pong katotohanan, sige na nga po, dedma na lang po ako, hay.

“Heto po, tapos na po ako mag-logged in. Salamat po ng marami sa tulong niyo. God bless you po.” :)

“Hmp, sige alis na!”

“Hays, grabe naman ‘to.” Buti na lang last na ‘to para sa buwan na ‘to. Sapat na ang mga ito para maipambili ko ng kakainin ng mga bata sa loob ng isang buwan.

Umalis na ako matapos akong makipag-usap sa babaeng iyon na napag-alaman kong Assistant-VP for External Affairs dahil na rin sa plaka sa harap niya sa desk. Grabe, kung makaasta siya para siya ang may-ari ng kumpanya di ba? Tsk, alam kaya ng mga amo niya ang trato niya sa mga gustong tulungan ng mga ito? Tsk, bahala na si Lord sa kanya.

*end of flashback*

Derecho na ako sa LAH administration office para i-report kay Mother Trinity ang nakalap ko. Siyempre may mga sobreng kasama ito, at nakasulat sa bawat sobreng iyon kung saan galing ang mga pondong nakalap ko.

“Good morning, Mother Trinity!” :)

“Oh, iha, nariyan ka na pala. Kamusta? Buti’t nakarating kang maaga ngayon, tamang-tama, naghahain na ng tanghalian sina Sister Clara at Sister Pamela. Masasaluhan mo kami ngayon, nami-miss ka na ata ng mga bata.”

“Naku, Mother Trinity, nami-miss ko na nga rin po sila makasabay sa tanghalian. Paano po kasi, mejo naging busy po ako sa school nung nakaraan dahil final exams po namin. Buti nga po at tapos na ngayon, mas marami na po akong oras makakapunta ditto.”

“Iha, salamat sa oras mo ha? Alam ko naman na dapat marami kang ginagawa kesa ang pumunta dito.”

“E Mother Trinity, ok lang naman po. Mas nag-eenjoy nga po ako kasama ang mga bata ditto. At saka sina ate at kuya din po sabi nila, ngayong bakasyon e makakadalaw din daw po sila ditto. Alam niyo naman po si Ate e masyadong workaholic at si Kuya naman po e graduating year na po next year, matatapos na rin po niya ang Masteral degree niya sa Business Ad.”

“Naku, mabuti naman at kung ganun. Pero sabihin mo sa kanilang dalawa na ‘wag makakalimot magpahinga, mahirap na ang magkasakit sa ngayon.”

“Hehe, opo, sasabihin ko po. Naku, napasarap po masyado ang pagkwento ko, ito na po pala ang mga nakalap ko, Mother Trinity. Hindi kop o nabibilang, hindi ko naman po kasi binubuksan ang mga sobre, kayo na pong bahala. Nariyan na rin po ang sobreng galing sa ipon ko.”

“Ay, salamat talaga sa iyo, Iha. Masyado ka na nga naabala sa pagpunta kung saan-saan tapos ay magbibigay ka pa ng sarili mong ipon, sapat na ang oras mo para sa tulong mo. Hala at kunin mo jan ang sobre mo.”

“’wag na po, Mother Trinity. Kagustuhan ko po iyan, at isa pa po, sobra po iyan sa allowance ko ng nakaraang buwan, kaya ‘wag nap o ninyong isoli. Masama po ang tumatanggi sa grasya, di po ba?”

“Naku, ikaw talagang bata ka oh. Kay buti mo talaga, para kang anghel na ipinadala sa amin, ikaw lang ay sapat ng biyaya sa amin ng Diyos.”

“Hehe, si Mother Trinity talaga. Sige po puntahan ko lang po ang mga bata.”

“Ay sige, at pakitawag na rin sina Sister Mikaela at Sister Nora para makapamili na rin sila ng kakailanganin natin sa susunod na buwan.”

“Opo, sige po, Mother Trinity.”

At natapos ang araw ng pagpunta ko dun na iniwang masaya ang mga bata. Fulfillment, ‘yan ang nararamdaman ko sa tuwing mangagaling ako doon at derecho ng simbahan pagkatapos. Ewan ba, ang sarap lang talaga sa pakiramdam. ;)

--

“Oh, Vhia, buti at nakauwi ka na. Tara na at kakain na tayo maya-maya. Matatapos na ko sa niluluto kong ulam natin.” Si ate AJ ‘yon short for Arnjelle Janie.

“Oy kuya, tabi tayo, usog ka.”

“Tsk, ayan oh, may upuan pa sa gilid.” Si kuya Ednel naman yun, ewan jan, kundi magsusungit, tahimik lang. Idol ata nito si Drake (sa Seducing Drake Palma by beeyotch) e. Laging nakaganto: -__- In fairness naman, mas gwapo kuya ko dun. Ay hindi, ayy OO! O sige, pantay na lang sila :p

“Tsk ka rin. Sige na kuya. Gusto kita katabi e. para namang hindi mo ko na-miss ngayong araw na ‘to. ^3^”

“Paano naman kasi, lagi ka pong nasa galaan.”

“Hala, ate naman! Sa LAH kaya ako galing. Alam niyo naman dun lang ako naglalagi e.”

“Hay, bunso, ano ba balak mo? Pagtapos ba ng Fine Arts magtutuloy ka na talaga sa kumbento?”

“Ahm, opo ate! Decided na talaga ako doon.”

“Hmp, so ganun? Iiwan mo na talaga kami ng kuya mo after 2 years?”

Dama ko, damang-dama na nagtatampo at nalulungkot si ate AJ. Kaya lang kasi, ‘yon talaga gusto ko gawin e. Ayaw ko man iwan sila ni kuya Ednel, pero kasi… Aish!

“Ate naman e, wag mo na ko konsensyahin. Saka pwede niyo naman ako dalawin doon.”

“Pero iba din kasi ‘yong kasama ka namin.”

Hala si kuya? Nagsalita? Weehhh?? :D Nagulat kasi ako, nananahimik lang siya’t nanunuod ng TV kanina pa pagtapos kong umupo sa tabi niya e.

“Oo nga naman.”

“Hala teka, kuya, nagsalita ka? Andiyan ka pala. Hahaha”

Si ate halatang nagulat na nag-react si kuya sa ka-dramahan niya. :D Bihira kasi talaga yun. Btw, kuya din tawag ni ate kay kuya Ednel kahi siya ang panganay, at ako, bunso. ^_^

“Ate naman e. Minsan ka na nga lang kampihan, hmp. Sige bahala na kayo dyan mag-usap.”

Sabay tayo ni kuya papuntang kwarto niya.

“Hahaha, ang pikon ni kuya. Oy, matatapos na ‘yong Sinigang, wag ka muna matutulog. Sige ka, favorite mo pa naman yun.”

“Oo, wag niyo ko ubusan!” Sigaw ni kuya mula sa kwarto niya sa taas.

“Hahaha, ‘yung isang yun talaga, hindi pwedeng hindi iimik pagdating sa Sinigang. Anyways, bunso, kung ‘yan talaga ang gusto mo, hahayaan kita. Ayoko naman maging hadlang sa pangarap mo at kung saan ka nagiging masaya.”

“Hehehe, the best ka talaga. Ate! Pa-hug nga”

“Hahaha, ikaw talaga. Kung selfish akong ate, ayoko talaga mawalay ka sa’min ng kuya mo. Paano na lang ako pag wala ka na dito? Alam mo namang mapapanisan ako ng laway pag kami lang ng kuya mo dito.”

“Hahaha, ikaw naman, ate! Parang di naman e. Salita ka pa nga rin ng salita kahit hindi umiimik si kuya sa’yo. Hindi ka mapapanisan ng laway, par aka lang magsasalita sa hangin.”

“HOY! DINIG KO KAYO AH!”

“HAHAHAHA” –tawanan kami ni ate sa naging reaction ni kuya. Baliw kasi, paano ba naming naging kapatid ‘yon? Bata pa lang kasi kami, ganyan nay an, parang pinaglihi sa sama ng loob. Pero gwapo pa rin. Hehehe.

 
“Hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko. *sob* Nahihirapan po akong pumili. *sob* Mahal ko po siya, mahal na mahal. Pero paano na lang po? Paano?”

“Hindi naman Siya magagalit sa’yo kung susubukin mo rin mahalin ako. Subukan natin, subukan natin..”

At nakita ko siya, lumuluha gaya ko.

--

“HOY! Baklang to! Akala mo nakakatuwa ka pa ha? Pwes, para sabihin ko sa’yo, pagod nakoooo! PAGOD NA KONG HABULIN KA PA!! AYOKO NAAAAAAA!!”

“HOY KA DIN! DESPERADANG EBA! ABA’T AKALA MO GANUN NA LANG YUN? HINDI, HINDI PWEDE, HINDI MO KO PWEDENG IWANAN, MALANDI KA! MATAPOS MO KONG AKITIN, MAG-IINARTE KANG GANYAN?? ABA NAMAN, TEH! MAHIYA KA ‘NO! HALA, TARA DITO, SINASAGOT NA KITA!!”

--

“Haay, naku. Ang lalaki ng problema nila. Bakit di na lang nila ako gayahin? Peaceful ang buhay. Walang pino-problema. Problema lang talaga yang pag-ibig na yan, tsk.”

“Then you’re not that problematic huh? Pwes, edi bibigyan kita ng sakit sa ulo. *smirk*”

“At sino ka naman?”

“Ahm, ang magbibigay sa’yo ng sakit sa ulo. Stefani Johannes, at your service. *wink*”

    VheilVeyl

    Hello! This is still under-construction :) At pasintabi sa magagaling gumawa ng web :D

    Archives

    April 2013

    Categories

    All