VHIA’s POV

Sanggol. Bata. Babae. Lalaki. Iilan lang ang mga iyan sa mga makikita sa bahay na ito. Iba’t iba sila ng mga katangian, ugali, hitsura, pero merong iisa sa kanila. Lahat sila inabanduna ng mga sariling magulang.

Ang sakit sa akin na nakikita silang ganoon. Iyong kapag may mga gigising sa gabi dahil napanaginipan daw nila ang nanay nila pero magigising na wala naman sa tabi nila ang mga ito.

Pero kapag nakikita ko kung paano sila natutulungan dito nina Mother Trinity at mga Sisters, natutuwa ako. At kappag kasama ako sa mga nakakapagbigay ng ngiti sa kanila, nagagalak ang puso ko.

Hays, ewan ba. Kahit lumaki naman kami nina ate at kuya sa kumpleto at masayang pamilya, apektado ako masyado kapag tungkol sa mga batang mga ito ang pinag-uusapan.

At hindi ko lang ngayon ‘to naranasan. Magmula nang bata pa ako e ganito na ko. Kaya nga kilalang-kilala na ako sa bahay-ampunang ito, kasi tuwing linggo, pagtapos magmisa sa katabing simbahan, ditto ako naglalagi. Kahit wala akong dalang pagkain sa kanila lagi, napaka-init pa rin ng pagtanggap nila sa akin. Every month lang kasi ako nakakakalap ng sapat na pondo para sa pagdadala ko ng tulong ditto.

Yes, I’m doing it all by myself. Savings ko from my monthly allowances plus nagpupunta ako sa mga NGO’s para humingi din sa kanila ng tulong. May ilan na nga rin sa kanila e monthly nilalaanan na ako ng pera mula sa charity funds nila dahil alam nila na doon sa Little Angels’ Home ko dadalhin iyon.

Pero may iba lang din na parang pulubi ang turing sa akin, lalo nga at mag-isa lang naman akong pumupunta sa mga opisina ng NGO’s. Gaya kanina…

*flashback*

“Ms. Ocampo from Little Angel’s Home? Sunod ka na.”

“Ah, yes ma’am.” Sagot ko dun sa secretary sa front desk. Siyempre, matiyaga na naman akong pumipila ngayon sa isang kumpanya para makakalap ng funds para sa Little Angels’ Home. Hindi kasi ganun kasapat ang mga binibigay ng mga pilantropong tumutulong din doon. Lalo pa nga’t nadadagdagan kada araw ang mga batang dinadala sa ampunan. Kaya sinabi ko kina Mother Trinity na ako ng bahalang maglakad sa mga NGO’s para sa kakulangan sa panggastos sa ma batang naroroon.

Unang beses ko nga pumunta sa opisinang ito. Ni-refer lang sa akin ng isang minister sa parokya namin. Sabi niya kasi nagbibigay din ng tulong ang kumpanyang ito sa mga nangangailangan talaga at lalo na sa mga ampunan.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto kalapit ng front desk pagkalabas ng sinundan ko.

Siyempre kumatok muna ako bago pinihit ang door knob.

“Good Morning po! Ako po pala si--”

“Yes, Ms. Vhia Louisse Ocampo from Little Angel’s Home.” Putol sa akin nung babaeng nasa mid-forties ang edad.

“Ahh, opo. Gusto lang po sana—“

“Humingi ng tulong para may maipakain sa ampunan niyo? Hay, Miss. Bakit ba kasi tanggap kayo ng tanggap ng mga bata kung ganyang di rin niyo pala kayang tustusan ang ipapakain sa kanila? Tskts, sa tingin niyo ba e nakakatulong talaga kayo? E halos araw-araw may mga katulad mong namamalimos ditto na parang mga pulubi. Naku, ewan ko ba sa boss naming kung bakit ganito na lang ka-submissive pagdating sa charity works. Tsk, e wala namang buting naibibigay iyon sa kumpanya kundi kabawasan lang sa kinikita niya. Oh, bakit para kang aanga-angang nakatayo pa diyan? Kanina pa kita kausap hindi ka man lang umupo? Umupo ka na!”

“S-sorry po, Ma’am.”

Hays, kundi lang para sa mga bata ito, naku. Nasapok ko na ‘tong mataray na ‘to e. Tsk, bakit ba ang rude ng ugali niya? Grabe, ni hindi na nga niya ko pinapatapos sa tuwing magsasalita ako tapos ni hindi man lang ako inalok maupo, ako pa ang aanga-anga? My gulay! Pero tiis lang, hindi naman para sa akin ito e. Para ‘to sa mga anghel namin.

“Oh hayan, 5k iyang nasa loob niyan, ha? At pirmahan mo itong log book, ilagay mo rin ang pangalan mo at pangalan ng ampunan niyo. Para makumpirma naming may nag-e-exist ngang ganyan ditto. Baka mamaya niyan e pineperahan niyo lang ang kumpanya namin. At patingin din ng ID mo.”

“Ah, sige po, ito po.” Binigay ko naman ang ID na in-issue ng parokya  naming sa akin, katibayan daw iyon na isa ako sa mga pinagkakatiwalaang kumuha o mangalap ng pondo para sa isa sa mga bahay- ampunan na sakop ng parokya.

“Hmp. Rev. Francis Val Asuncion pala, kilala ko ito. Pag nalaman kong hindi ka pala totoo, naku malalagot ka doon at makukulong ka.

“Ahe, hindi naman po ako peke. Tunay po ako.” Hays, konti na lang Lord, pigilan niyo po ako. Nakakababa na ng pagkatao ko ang pinagsasabi niya e. Pero dahil wala naman pong katotohanan, sige na nga po, dedma na lang po ako, hay.

“Heto po, tapos na po ako mag-logged in. Salamat po ng marami sa tulong niyo. God bless you po.” :)

“Hmp, sige alis na!”

“Hays, grabe naman ‘to.” Buti na lang last na ‘to para sa buwan na ‘to. Sapat na ang mga ito para maipambili ko ng kakainin ng mga bata sa loob ng isang buwan.

Umalis na ako matapos akong makipag-usap sa babaeng iyon na napag-alaman kong Assistant-VP for External Affairs dahil na rin sa plaka sa harap niya sa desk. Grabe, kung makaasta siya para siya ang may-ari ng kumpanya di ba? Tsk, alam kaya ng mga amo niya ang trato niya sa mga gustong tulungan ng mga ito? Tsk, bahala na si Lord sa kanya.

*end of flashback*

Derecho na ako sa LAH administration office para i-report kay Mother Trinity ang nakalap ko. Siyempre may mga sobreng kasama ito, at nakasulat sa bawat sobreng iyon kung saan galing ang mga pondong nakalap ko.

“Good morning, Mother Trinity!” :)

“Oh, iha, nariyan ka na pala. Kamusta? Buti’t nakarating kang maaga ngayon, tamang-tama, naghahain na ng tanghalian sina Sister Clara at Sister Pamela. Masasaluhan mo kami ngayon, nami-miss ka na ata ng mga bata.”

“Naku, Mother Trinity, nami-miss ko na nga rin po sila makasabay sa tanghalian. Paano po kasi, mejo naging busy po ako sa school nung nakaraan dahil final exams po namin. Buti nga po at tapos na ngayon, mas marami na po akong oras makakapunta ditto.”

“Iha, salamat sa oras mo ha? Alam ko naman na dapat marami kang ginagawa kesa ang pumunta dito.”

“E Mother Trinity, ok lang naman po. Mas nag-eenjoy nga po ako kasama ang mga bata ditto. At saka sina ate at kuya din po sabi nila, ngayong bakasyon e makakadalaw din daw po sila ditto. Alam niyo naman po si Ate e masyadong workaholic at si Kuya naman po e graduating year na po next year, matatapos na rin po niya ang Masteral degree niya sa Business Ad.”

“Naku, mabuti naman at kung ganun. Pero sabihin mo sa kanilang dalawa na ‘wag makakalimot magpahinga, mahirap na ang magkasakit sa ngayon.”

“Hehe, opo, sasabihin ko po. Naku, napasarap po masyado ang pagkwento ko, ito na po pala ang mga nakalap ko, Mother Trinity. Hindi kop o nabibilang, hindi ko naman po kasi binubuksan ang mga sobre, kayo na pong bahala. Nariyan na rin po ang sobreng galing sa ipon ko.”

“Ay, salamat talaga sa iyo, Iha. Masyado ka na nga naabala sa pagpunta kung saan-saan tapos ay magbibigay ka pa ng sarili mong ipon, sapat na ang oras mo para sa tulong mo. Hala at kunin mo jan ang sobre mo.”

“’wag na po, Mother Trinity. Kagustuhan ko po iyan, at isa pa po, sobra po iyan sa allowance ko ng nakaraang buwan, kaya ‘wag nap o ninyong isoli. Masama po ang tumatanggi sa grasya, di po ba?”

“Naku, ikaw talagang bata ka oh. Kay buti mo talaga, para kang anghel na ipinadala sa amin, ikaw lang ay sapat ng biyaya sa amin ng Diyos.”

“Hehe, si Mother Trinity talaga. Sige po puntahan ko lang po ang mga bata.”

“Ay sige, at pakitawag na rin sina Sister Mikaela at Sister Nora para makapamili na rin sila ng kakailanganin natin sa susunod na buwan.”

“Opo, sige po, Mother Trinity.”

At natapos ang araw ng pagpunta ko dun na iniwang masaya ang mga bata. Fulfillment, ‘yan ang nararamdaman ko sa tuwing mangagaling ako doon at derecho ng simbahan pagkatapos. Ewan ba, ang sarap lang talaga sa pakiramdam. ;)

--

“Oh, Vhia, buti at nakauwi ka na. Tara na at kakain na tayo maya-maya. Matatapos na ko sa niluluto kong ulam natin.” Si ate AJ ‘yon short for Arnjelle Janie.

“Oy kuya, tabi tayo, usog ka.”

“Tsk, ayan oh, may upuan pa sa gilid.” Si kuya Ednel naman yun, ewan jan, kundi magsusungit, tahimik lang. Idol ata nito si Drake (sa Seducing Drake Palma by beeyotch) e. Laging nakaganto: -__- In fairness naman, mas gwapo kuya ko dun. Ay hindi, ayy OO! O sige, pantay na lang sila :p

“Tsk ka rin. Sige na kuya. Gusto kita katabi e. para namang hindi mo ko na-miss ngayong araw na ‘to. ^3^”

“Paano naman kasi, lagi ka pong nasa galaan.”

“Hala, ate naman! Sa LAH kaya ako galing. Alam niyo naman dun lang ako naglalagi e.”

“Hay, bunso, ano ba balak mo? Pagtapos ba ng Fine Arts magtutuloy ka na talaga sa kumbento?”

“Ahm, opo ate! Decided na talaga ako doon.”

“Hmp, so ganun? Iiwan mo na talaga kami ng kuya mo after 2 years?”

Dama ko, damang-dama na nagtatampo at nalulungkot si ate AJ. Kaya lang kasi, ‘yon talaga gusto ko gawin e. Ayaw ko man iwan sila ni kuya Ednel, pero kasi… Aish!

“Ate naman e, wag mo na ko konsensyahin. Saka pwede niyo naman ako dalawin doon.”

“Pero iba din kasi ‘yong kasama ka namin.”

Hala si kuya? Nagsalita? Weehhh?? :D Nagulat kasi ako, nananahimik lang siya’t nanunuod ng TV kanina pa pagtapos kong umupo sa tabi niya e.

“Oo nga naman.”

“Hala teka, kuya, nagsalita ka? Andiyan ka pala. Hahaha”

Si ate halatang nagulat na nag-react si kuya sa ka-dramahan niya. :D Bihira kasi talaga yun. Btw, kuya din tawag ni ate kay kuya Ednel kahi siya ang panganay, at ako, bunso. ^_^

“Ate naman e. Minsan ka na nga lang kampihan, hmp. Sige bahala na kayo dyan mag-usap.”

Sabay tayo ni kuya papuntang kwarto niya.

“Hahaha, ang pikon ni kuya. Oy, matatapos na ‘yong Sinigang, wag ka muna matutulog. Sige ka, favorite mo pa naman yun.”

“Oo, wag niyo ko ubusan!” Sigaw ni kuya mula sa kwarto niya sa taas.

“Hahaha, ‘yung isang yun talaga, hindi pwedeng hindi iimik pagdating sa Sinigang. Anyways, bunso, kung ‘yan talaga ang gusto mo, hahayaan kita. Ayoko naman maging hadlang sa pangarap mo at kung saan ka nagiging masaya.”

“Hehehe, the best ka talaga. Ate! Pa-hug nga”

“Hahaha, ikaw talaga. Kung selfish akong ate, ayoko talaga mawalay ka sa’min ng kuya mo. Paano na lang ako pag wala ka na dito? Alam mo namang mapapanisan ako ng laway pag kami lang ng kuya mo dito.”

“Hahaha, ikaw naman, ate! Parang di naman e. Salita ka pa nga rin ng salita kahit hindi umiimik si kuya sa’yo. Hindi ka mapapanisan ng laway, par aka lang magsasalita sa hangin.”

“HOY! DINIG KO KAYO AH!”

“HAHAHAHA” –tawanan kami ni ate sa naging reaction ni kuya. Baliw kasi, paano ba naming naging kapatid ‘yon? Bata pa lang kasi kami, ganyan nay an, parang pinaglihi sa sama ng loob. Pero gwapo pa rin. Hehehe.




Leave a Reply.

    VheilVeyl

    Hello! This is still under-construction :) At pasintabi sa magagaling gumawa ng web :D

    Archives

    April 2013

    Categories

    All