August 22, 2011 Kaninang umaga nakakapanibago. :l



September 10, 2011 hello ma :)
doin' fine nman .
kmusta ? (bka sumagot ka jan ah :p)
miss you, 'ma ;(


September 14, 2011 hi ma :)
alam mu, nkapasa pla ako sa DOST Scholarship Exam .
tagal natin inintay yun, dba ?
pero di tayo nkontak :/
sana mahabol ko pa :(


May 29, 2012 
Minsan gsto ko na bumitaw.. Kaso anong mukha ihaharap ko sa'yo pag ngkita tau ulet? KAYA KO 'TO :)) iKAW pa rin nman kkampi ko, db?


June 16, 2012 via mobile Kaugali nya ung tatay sa #MMK ngaun pg nlalasing, db? :/ pero umaray ako nung na-imagine ko sya ung binasagan ng bote sa ulo :x blood knows no lie --, 

Father's Day tpos naiyak ako dahil sa'yo?
;(
nakakainis ka kasi e..
Bakit ang aga mo nawala?
Damang.2 ko pa din yung sakit ;(;(;(
Kung pwede lang talaga mkipag.deal kay God, hihilingin ko na lang sa kanya maging BOBO AKO, DiSABLED, kesa yung nawala ka e ;(


June 17, 2012 via mobile Pag umiiyak ako, dahil pnagalitan ako ni Papa ng wala sa lugar, andun ka para sabihin mo sa'kin, 'Tahan na. Hayaan mo na yun. Wag mu na pansinin.', tapos ako naman, lalo lang maiiyak. Nt.touch kc ako pg gngwa mo yun e :((


July 7, 2012 via mobile 330days since the day you left us :")
feeling ko nasa abroad ka lang e :DD
EWAN KO SAYO.
Ang daya mo >:) 


October 12, 2012 
Daya mo e. Hindi mo hinintay yung 18th birthday ko. Sabi mo, bibilhin mo yung gown na tinuro ko sa'yo dun sa boutique. Sabi mo, sa Manila Hotel pa tayo magse-celebrate. Pero yung pinaka-importante dun, yung sinama mo yung sarili mo habang nangangarap tayo. Kaya ibig sabihin nun, kumpleto dapat tayo sa araw ng debut ko. Kaya hanggang ngayon, ang sakit pa din e. Tinupad ko naman yung kalahati ng pangarap mo para sa akin, di ba? Di ako nag-asawa o gumawa ng malaking problema ng wala pa sa 18. Sabi mo kasi huwag kong gayahin yung iba. Para maranasan ko yung mag-debut. Kaya nga heto o, matino pa rin ang panganay mo kahit paano. Ikaw lang 'tong di tumupad. Bakit ganun, 'no? 1 taon mahigit ka nang wala, pero heto, lungkut-lungkutan pa din ang peg ko. Lalo pag yung pinapanuod ko may namamatay. Hanggang kelan? Hanggang kelan ko babaunin yung lungkot na 'to? Hanggang kelan ko panghihinayangan yung mga oras na sana kasama ka pa namin? Sana 'no? Sana 'Ma, drama lang 'to. Yung tipong hindi ka pala talaga namatay. Tapos babalik ka sa amin. Pero hindi e. Totoong buhay to. Totoong mundo. Kaya kung meron pa kong bagay na hihilingin para sa'yo, sana masaya ka na kung nasaan ka man. Sana hindi mo na nararanasang mahirapan, masaktan, mamroblema. Sana kuntento ka na. Kung merong susunod na buhay, sana ikaw pa rin ang Mama ko. Promise, aalagaan na kita. Pagsisilbihan. Iingatan. Susundin. Hindi ako mag-bboyfriend hangga't ayaw mo pa. Kapag ayaw mo rin sa mahal ko, sige, hihiwalayan ko. Hindi na ko magiging sakit ng ulo mo. Kaya sana sa susunod na buhay mo, piliin mo pa rin ako maging anak, ha? I love you, 'Ma. 'Pag dumating na rin yung oras ko, sama mo ko sa kinaroonan mo. Kahit nasaan o anuman ang meron jan. Basta magkasama tayo. Pero huwag muna ngayon. Hindi pa kami yumayaman e. Saka na, 'Ma, sabihin mo kay Lord. Paki-dalian na rin kamo yung SUCCESS na regalo Niya sa akin. ;)


March 1 Just don't know how to start. :) E ikaw lang naman nagbibigay ng matinong suggestion sa akin kung paano, so why need to go? balik ka naman dito, I don't know how to continue this effin' life :| :")

anon xxx
5/30/2015 06:55:07

Are okay now? Hope you're feeling better na

Reply



Leave a Reply.