-Joyce’s POV-

Pagkarating ng mga high school friends ko with our handsome teacher, may dala silang isang timba ata yun ng biscuit tas dalawang boxes ng Zest-O. At syempre, dahil nga monggoloid yung mga yun, at bilang hospitable host na din, binigyan ko naman sila ng meryenda nila. Tig-iisang tetra-packed juice tapos cupcakes. Sa isip-isip ko, teka, e di parang wala din yung dinala nila. Ubos ba naman yung cupcakes at juices e, except sa dala nila.

Hahaha, ang bad kong host, ‘no? :D Practical lang po ^_^ Pero in the end, mas natuwa akong pumunta talaga sila ‘cause I badly need their presence para mabawasan yung lungkot.

At when I think of “energy-boosting-and-stress-reliever thing”, I’ll consider my baliw friends as that thing.

Hindi naman ako nabigo. Pagkapunta ba naman nagbaraha ang mga walangya. Iba-iba pa sila ng grupo, at yung iba, steady lang na nanunuod, yung iba, enjoy naman dun sa baging na abot dun sa kabilang side ng creek. Di ba nga sa creek-side naka-pwesto ang lamayan, so ang creek e mga 2-3 meters lang ang laki papunta dun sa kabilang side which is the side where train railings is.  At hayun ang mga tungek kong mga lalaking kaibigan, sinubukan maglaro. Tss, parang bata di ba? Buti walang nalaglag sa creek :p Ang dumi kaya nun, eww. Kaderder pag may nalaglag, uuwing beho :D Meron na kasing kaklase naman ng kapatid ko, at ka-eskwela ko na din since iisang alma mater kami, ang muntikan na talaga dun.

At nang may nakapansin at nag-voice out nang hiwa-hiwalay ang trip ng lahat, nag-aya sila ng laro. May naisip naman yung isa sa mga bff/tropa ko na si Duday, “Ay, di ba Sir, may nilaro tayo nun sa lamay ng Lola nila Ching na tungkol sa baraha?”, tanong niya dun sa gwapong Math teacher namin.

Sir Joemel: “Ah, oo. Yun. Sige ayun na lang para lahat kasali. Pengeng 2 decks of cards, Joyce.”

 

Eeeehhh, tinawag niya ako??? (*u*)

 

Lol. Syempre di ganyan ang naging reaksyon ko :D E lagi ko naman nakakasama si Sir tuwing may review kami for the upcoming Math-related contests together with Doi, ang naging Valedictorian namin (at ako ang naging Salutatorian ^__^. Wala naming bitterness ‘no, sa classroom lang naman kami rivals pero aside from that, tropa-tropa kaming lahat, walang plastikan, well, may konti, being TAO lang naman siguro J).

Ayun lagi talaga kaming nagkakasama nun, kahit outside school, DATE example :D Dejokelang. Wala akong pagnanasa kay Sir. Yung ibang klasmeyt ko, pwede :D



Leave a Reply.

    Ang Babaeng...

    My first ever self-made story.

    Tinatampok ang Dyosang nilaglag sa lupa upang maghasik ng kagandahan. :D Bwahahah, dejokelang! Sige basa na lang. Baka maumay pa kayo e :p

    Ewan ko kung bakit ‘yan ang title ng sarili kong istorya.

    Malamang sa alamang, ang unang dahilan ay dahil sa ISA AKONG BABAE. :D

    Oo, hindi ba halata ang kagandahan ko? Bwahaha :D

    So, eto na talaga.

    Eto rin yung istoryang di ko tinuloy :D Yung My Opposite Dream Guy – BOO-hay Ko.

    E kasi naman, in love ako nun nung ginawa ko yun :D

    O tapos naisip ko, hindi lang naman puro tungkol sa’min ang istoryang ‘to. At wala na rin KAMI </3 :D

    Ewan ko nga ba kung san patungo ‘to :D

    Parang ano lang.

    Parang diary ko na lang :D

    Oo, tama :D So, it means, bahala na si Lord :)

    Kapag kinuha na niya ako, wala ng UD :D *tok tok tok*

    So, enjoy kung enjoy.

    OUT kung wawents  :p

    Archives

    February 2013

    Categories

    All