-Joyce’s POV-

Dami din naman kasing nabayarang utang dun sa Dandan (kalye kung saan kami napatira sa Pasay) nang kasagsagan ng burol ni Mama. Well, wala naming pasugalan, kung meron man, susulpot lang miminsan at talagang yung mga sugarol e sugal lang ang habol sa lamayan. Tsk, ewan ko ba, nakakabastos pala yun pag ikaw yung namatayan at nakakasaksi nun. Ano ba naman kasi yung (share nila o rather parang bayad nila sa pagsusugal sa tuwing may mananalo sa isang game ng ‘tong-its’ o ‘pusoy’), barya lang yun sa abuloy e. Pero sabi nga, it’s better few than none. (Uh, wait, sa iba ba talaga galing yun? Ha-ha, tawa nga kayo jan. Imbento na naman ako e >//<)

Tapos nung ililibing na, sobra-sobra naman yung tinawag ng Tito Anthony ko (pangatlo sa nakababatang kapatid ni Mama, siya kasi ang panganay) na mga jeeps. Gahd, akala ata niya buong Pasay makikilibing. Magtawag ba naman ng 2 jeeps? E kami-kami lang naman family ang kasama, ni friends ni Mama ata, wala e. Pero dumalaw naman sa mga gabing nakaburol si Mudra. Ayun, kinailangan pa daw tuloy bayaran yung 2 driver (take note: 2 drivers na nagrerelyebo dun sa iisang jeep ang binayaran) ng 200 sa paghihintay. WTH?! Kelangan ba talaga yun? E ano ba naman yung naghintay lang ng 10 minutes? Tas 400 agad binayad namin dun ng di naman namin sila napakinabangan? Buti na lang at mabait akong nilalang, hindi na ako nakipag-argue sa pera. Binigay ko na lang. Di ko naman kilala yun, mamaya pagtangkaan pa ako ng masama pag nakita ulit ako nun. Syempre, sa Maynila kaya yun, e taga-Pasay kami.

Dun nilibing si Mother dear kasi dun malapit yung dati nilang bahay na tinirhan nila during their childhood days. And technically, napaka-ewan lang nung pinagburulan, kung saan din nun binurol yung Lola Mimi ko na nanay ni Mama. Para nga kaming squatter e, tabi lang ng ilog. Pero walang magagawa, wala kaming pang-renta sa funeral homes. Isa pa, gaya nga ng sabi ko, wala naman kaming expected na maraming bisita. Yung ibang kaibigan nga ni Mama sa Pasay hindi na nakapunta dahil kesyo hindi daw alam. Duhh? What’s the use of cellphone para kontakin nila ako’t tanungin ang direction or bettr yet, i-request na magpahatid? Nakokontak naman nila ako, buti ba kung hindi.

May iba pa nun na paasa pupunta tapos magdadala daw ng lugaw para ipakain din sa mga darating na bisita. Kaya hayun kami ng Tita Connie (bunsong kapatid ni Mama), bili na lang kami ng disposable utensils para may matinong pagkainan ang mga bisita. At hayun, to the last minute na naghihintay kami, biglang nagtext na hindi na daw tutuloy kasi di alam ang pagpunta. And what did I reply? Eto lang naman: “Tangina, ang paasa niyo naman e. O asan yung pangako niyong pagkain? Hindi pa naman kami nagluto dahil sa sinabi niyo at baka di maubos yung pagkain. Tangina lang naman talaga, salamat sa pagsabi to the last minute ha?”

Pero joke lang. I didn’t tell that :D Ang mean at bastos ko naman kung ganun. Sabi ko na lang, “Ah, okay po.”

At ayun, nganga kami ng mga tito’t tita ko sa pag-aalalang may mga pupunta, paano makakain ng matino kung Zest-o pack at cupcakes lang ang meron kami? Last lamay din kasi yun at maraming nag-pledge na pupunta. Plus may mga kamag-anak kaming nag-stay dun that night para makasama sa libing, I mean, para MAKIPAG-LIBING not the other meaning. :p Pero not like those sh*ts na paasa sa pagkain. (ang laking galit ko na walang pagkain, di ba? :D) Buti na lang at may dalang isang bilao ng pansit at set of boxes ng tetra-packed juices yung mga naging kapitbahay namin dun sa Dandan. I thank them Lord, I uttered to my relieved soul.

Grabe din yung mga days na yun. I can say that, IT WAS REALLY AN EXPERIENCE. Imagine, habang nagluluksa ka, dapat matuto kang i-entertain yung mga nag-effort maki-condolence sa inyo. Plus na nakakangarag kasi talaga yun at hindi ako sanay. First time may mamatay sa’min na nag-take charge ako e. Buti hindi nakalimot pumunta yung mga kaibigan kong baliw at ilang schoolmates from high school to college (parang ang dami ko namang classmate nung college e 1st yr at 1st sem pa lang yun). At ang mga sinasabi kong mga baliw kong kaibigan ay nabibilang sa mga classmates ko nung high school. Kasama nila nun yung teacher namin nung 4th yr. sa Math. Si Sir Pomarca a.k.a. heartthrob na din ng North kasi siya lang ata ang bata at gwapong teacher ng Pasay City North High School EME.



Leave a Reply.

    Ang Babaeng...

    My first ever self-made story.

    Tinatampok ang Dyosang nilaglag sa lupa upang maghasik ng kagandahan. :D Bwahahah, dejokelang! Sige basa na lang. Baka maumay pa kayo e :p

    Ewan ko kung bakit ‘yan ang title ng sarili kong istorya.

    Malamang sa alamang, ang unang dahilan ay dahil sa ISA AKONG BABAE. :D

    Oo, hindi ba halata ang kagandahan ko? Bwahaha :D

    So, eto na talaga.

    Eto rin yung istoryang di ko tinuloy :D Yung My Opposite Dream Guy – BOO-hay Ko.

    E kasi naman, in love ako nun nung ginawa ko yun :D

    O tapos naisip ko, hindi lang naman puro tungkol sa’min ang istoryang ‘to. At wala na rin KAMI </3 :D

    Ewan ko nga ba kung san patungo ‘to :D

    Parang ano lang.

    Parang diary ko na lang :D

    Oo, tama :D So, it means, bahala na si Lord :)

    Kapag kinuha na niya ako, wala ng UD :D *tok tok tok*

    So, enjoy kung enjoy.

    OUT kung wawents  :p

    Archives

    February 2013

    Categories

    All