(A/N) Okay, balik tayo sa araw ng may bumisita sa mansiyon ng Gutierrez. :) Ang araw ng pagdating ng fiancée ni Riz.

AJ’s POV

 

 

Grabe lang, sobrang karangyaan ang makikita sa mansiyong ito. Alam ko namang Don siya pero iba talaga pag nakita mo mismo ang tahanan nila.

Saan ako ngayon? Sa langit. :D Siyempre joke lang. ^_^

Nandito ako sa marangya mansiyon ni Don Martino Gutierrez.

Paano kami nagkakilala?

Eto flashback a year ago…*

Nagta-trabaho na ako noon sa ospital na kasalukuyang pinapasukan ko.

Hospital.

Ang busy na naman namin, paano, kali-kaliwa ang sinusugod ngayon, yung totoo? Sabay-sabay ba nagpa-plano ang mga taong ‘to ng maaksidente at magkasakit? :D

Pero joke lang yun. ^_^

I know my duty, to serve people whole-heartedly. Nuxx :)

Public hospital lang ‘tong sineserbisyuhan ko, dati nagbalak ako lumipat sa private, para naman tumaas ang salary ko, ang hirap pa naman ngayon ng buhay.

Kaso nga lang, ewan ko, na-attach ako sa hospital na ‘to, actually sa lahat ata ng public hospital na nabibisita ko kapag nagre-relieve kami sa mga in-need na hospital at kulang na kulang sa tao.

Parang yung obsession lang ng kapatid ko sa mga bata sa ampunan?

Ganun, nasa dugo na ata naming ang charity e. :D

Si Ednel, volunteer naman yun lagi sa Red Cross, o di ba?

Kami ng mababait na magkakapatid. :D

Siguro kasi, maranasan mo ba namang mawala lahat sa inyo e, hindi ka ba makakaramdam ng kirot pag nakakakita ka ng mga taong hirap at ikaw e kaya mo namang makatulong pero walang ginagawa?

Hindi man naming napag-uusapan ‘tong magkakapatid, pero alam ko, lahat ng ginagawa naming ngayon sa mga buhay naming, na all are positive naman, as of now, sigurado akong dahil ‘to sa mga napagdaanan namin.

At masaya naman kami ngayon kahit wala na kaming magulang, basta kumpleto kaming magkakapatid.

Kaya ng nung na-offeran ako ng trabaho sa London, nagdalawang-isip ako e, kaya kinonsulta ko muna sa mga kapatid ko, at sa huli, hindi naman din ako sumang-ayon na umalis at iwan sila.

“Manong di po talaga pwede e. Kailangan niyo po muna mabayaran ‘yang deposito para maumpisahan ang operasyon ng apo niyo.”

Narinig kong sabi ng kasamahan kong nurse.

“Ineng, pangako, babayaran ko rin naman e, wala pa lang kasi talaga ang pagdating ng pension ko kaya naman nakikiusap ako sa inyo.”

At nakita ko naman sincere yung matanda kasi halos maluha na siya sa pakikiusap e. Haist, bakit kasi may ganitong policy ‘tong ospital na ‘to e public nga di ba? Tsk.

“Ah, manong, sure ba talaga kayo na maibabalik niyo po ang deposito?”

Sabat ko sa kanila kasi hindi ko na rin keri panuorin lang si manong. Sorry naman, mahabaging dyosa lang. T_T

“Opo, miss. Pangako, pagdating ng pension ko.”

“Sige po, ako na pong bahala, sa’kin niyo na lang po ibalik pag meron na kayong ipambabayad. Ako na lang po muna ang mag-aabono.”

“Tsk, Arnjelle Janie Ocampo, umarangkada na naman ang pagiging dyosa ng awa mo. O siya, ikaw nang bahala, ikaw namang magbabayad. Eto ang bill oh.”

“Ikaw naman Trisha, e meron naman akong naitabi kaya ayos lang. Tara po sa cashier manong.”

“Salamat Miss Ocampo, ha? Pagpalain ka nawa ng Diyos. Ako nga pala si Greg. Tatay Greg na lang ang itawag mo sa’kin.”

“Sige po tatay Greg.” :)

Tapos may lumapit sa aking matanda.

“Ah, Miss Ocampo, maari ba kitang makausap mamayang 5pm pagkatapos ng iyong tungkulin?”

“Ah, sige po. Wala pong problema doon, Don Martino.”

Kilala ko siya, isa siya sa mga mayayamang pilantropo sa hospital na ‘to.

Kapag lumapit ka sa kanya, hinding-hindi siya magda-dalawang-isip na um-“oo” lalo na kung talagang alam niyang kailangan ng isang pasyente ng tulong pinansyal.

Pero bakit kaya ako gusto nun makausap?

Wag niyang sabihing… gahd, gusto niya ba ako???!!!

Halalala, hindi po ako papatol sa DOM!!!

 O____O

>_____<

Pero OA ko lang di ba? Wala pang sinasabi e, tsk.

So matapos kong samahan si tatay Greg na bayaran ang deposito nila ng apo niya sa cashier, tumungo naman ako sa mga pasyente para mag-round. Ipapaalala yung mga iinumin nilang gamut, o kaya mag-aassist sa mga duktor sa ER.

At 5PM, naghahanda na akong mag-out.

Noong nasa exit door na ako, may naalala ako. Teka, bakit hindi sinabi ni Don Martino kung saan kami mag-uusap? Hala naman.

Pero baka nasa charity ward siya, teka pupunta na lang muna ko doon.

Pabalik n asana ako sa loob ng biglang may humigit sa braso ko para pigilan ako.

“Kayo po ba si Miss Ocampo?”

“Ahh, ako nga po. Bakit po?”

“Ihahatid ko po kayo kay Don Martino.”

“Ahh, ganun po ba? Sige po.”

At hayun, naghihintay pala sa’kin ang magarang Mercedez Benz sa harap. Akala  ko kung sinong may-ari e.

Pinagbuksan pa ko ni manong driver.

*drive* *drive*

Tumigil si manong.

Bumaba at pinagbuksan ulit ako.

“Ma’am jan po sa loob ng coffee shop naghihintay si Don Martino.”

“Ahh, salamat po sa paghatid.”

Pagpasok ko sa loob ng pang-MAYAMANG coffee shop, nakita ko nga si Don Martino may hawak na broad sheet sa kaliwang kamay at sa kanang kamay naman ay tasa ng hinihigop niyang kape.

Nang napansin niya ako, sinenyasan niya akong lumapit.

“Ah maupo ka Miss Ocampo.”

“Salamat po, Don Martino.”

“Kamusta naman ang duty sa hospital?”

“Okay naman po, maraming trabaho pero masaya naman po ako doon e.”

“Oo nga, nakita ko pa nga na tinulungan mo ‘yong matandang bayaran ang bill nila ng apo niya.”

“Ah, opo. Pero deposito pa lang naman po iyon. Nakita ko po kasi siyang sinserong nagmamakaawa sa kasamahan kong nurse na pagbigyan nang ma-operahan ang apo niya, wala pa nga lang daw po ang pension niya kaya naman yun. E may sobra pa naman po akong pera kaya ako na lang po ang nag-boluntaryong magbayad. Nangako naman po si tatay Greg na babayaran niya ako sa susunod na linggo e.”

“E bakit hindi mo na lang inilapit sa akin?”

“Naku, masyado naman po kasi kayong matutulungan na, at isa pa po, maliit na bagay lang naman po yun at kaya ko naman po kaya nagkusa na lang po ako. Pero hindi kop o minamaliit ang pagtulong niyo. Sa katunayan nga po niyan hanga po ako sa pagtulong niyo sa kapwa ng walang kapalit.”

“Haha, alam ko naman, at salamat sa paghanga mo. Isa pa nga, gaya ng sabi mo, hangga’t kaya ko rin tumulong, tutulong din ako.”

“Aheh, buti nga po at may mga tao pang kagaya niyo e.”

“Oo nga, pero lahat naman ito ay dahil sa Kanya. Ginamit lamang niya akong kasangkapan para tumulong sa mga nangangailangan.”

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Ang bait talaga ng Don na ito. Hindi siya gaya ng ibang mayayamang mapagmataas at matapobre.

“Ah, kaya nga pala kita gustong maka-usap ay dahil may offer sana akong magandang trabaho sa iyo.”

“A-ano po ba iyon?” nag-rattle ako, siyempre malay ko ba sa kung ano ‘yun.

“Gusto sana kitang kuning personal nurse ko. Magkakaroon kasi ako ng mahabang pag-stay sa London, at gusto lang maka-siguro ng pamilya ko na magiging maayos ang lagay ko doon kaya naman kailangan ko ng isang personal nurse.”

“Ahh, bakit naman po ako? Hindi naman po sa ayaw ko pero..”

“Nakita ko kasi na mapagkakatiwalaan kita, hija. At well, I’ve seen your records, maganda ang naging performance mo at image mo sa mga pasyente at co-workers mo sa hospital.”

“Ah-eh, pwede po bang pag-isipan muna? May dalawa rin po kasi akong nakababatang kapatid, tatanungin ko po muna sila kung okay lang na tanggapin ko iyon. Pero salamat po talaga at nakita niyong mapagkakatiwalaan niyo po ako.”

“O sige, basta’t tawagan mo ako kung anuman ang desisyon mo, okay?”

Pagkasabi niya nun ay inabot niya ang isang maliit na card sa akin. Nakalagay doon ang address ng bahay, office, at contact numbers ni Don Martino.

Nagpaalam na rin ako matapos nun. Inalok pa nga niya ako umorder ng meryenda pero nahiya ako e >//< kaya humindi na lang ako. Isa pa, naghihintay na rin siguro ang mga kapatid ko. At sasabihin ko pa sa kanila yung alok ni Don Martino.

*end of flashback*

At hayun, hindi nga ako tumuloy. Sinabi ko kay Don Martino na hindi ko kasi kaya talagang iwan ang mga kapatid ko at naunawaan niya naman daw iyon. Tapos kahapon nagkita ulit kami sa hospital. Isang buwan na pala siyang nakauwi galing London. Pero inaalok naman niya daw ako muli maging personal nurse pero ditto na daw sa Pilipinas.

Madalas daw kasi siyang atakihin dahil sa mga pasaway niyang apo.

Kaya ngayon, andito ako nakatayo sa harap ng pintuan ng marangya nilang tahanan.

Pinapasok naman agad ako sa gate ng village dahil expected visitor daw ako.

At ang nakakagulat, walang gate ang bahay nila. Bukod tangi ata ‘to e.

‘Yong tipong mapapaisip ka talagang mabababa ang mayayamang nakatira sa loob nito. Kasi walang mataas na bakod, may pader pero hindi ganun kataas, at wala ngang gate kaya deretso pintuan na ng mansiyon ako.

At buti walang aso. -___-

Pinidot ko na yung door bell.

*ding dong*

 

In two minutes, pinagbuksan na ako ng isang maid. Halata sa hitsura niyang maid, kasi naka-uniform. Yung parang uniform sa anime na Maid in Sama? Ang cute. :)

“Good morning po. Sino po sila?” magalang nitong bati sa akin.

“Ah, ako po si Arnjelle Janie Ocampo. Si Don Martino po ang sadya ko.”

“Ah, kayo po pala. Naku, kay ganda niyo naman po talaga. Halika at pasok po kayo sa loob.”

Eh? Ano daw? May pagkumprima na maganda ako? Aminado naman ako dun, pero parang may weird sa pag-identify niya sa akin? Mag-aapply lang naman akong personal nurse. O.o

At nakita ko ang mga nasa loob, may dalawang naka-upo sa magkahiwalay na sofa, tapos si Don Martino ay nakatayo na ng makita akong pumasok.

“Good morning po, Don Martino!” bati ko ng nakangiti.

“Halika, hija, let’s have our lunch na bago tayo mag-usap.”

At iginiya na niya ako patungo sa dining area. Kasunod namin ni Don Martino yung dalawang lalaki. Bata pa pareho. Magka-iba halos ang dating, pero magkahawig. Magkapatid siguro. Ahh, baka sila yung apo ni Don Martino.

Yung isa, rugged ang look at medyo magulo pa ang buhok. Unlike nung isa, finesse ang kilos at maayos manumit. At ang gwapo, in fairness. Pareho namang gwapo, pero kasi hindi ko type yung isa kasi nga medyo parang laging susuntok ng kaaway ang hitsura. Yung isa, parang prince charming. ^___^

“Kumain muna tayo bago ang usapan.”

Hindi naman sila nagsasalita habang kumakain kami.

Ganun ata ang mayayaman, bawal maingay sa hapag? Masaya kaya kung nag-uusap din habang nakain. Pero syempre, ‘Don’t talk when your mouth is full.’

At nang matapos ang magarang lunch, oo magara kasi parang piyesta. >__<

Kaya naman busog ako. *O*

“So, ikaw pala ang magiging fiancée ni kuya? Too unlucky for you. tsk” sabi nung rugged-looking guy.

And what did he just say?!!!!!

F-F-Fi-Fia-FIANCEE? WTH?!!

O_______O

ANO YUUUUUUNNNNN?????

--

(a/n) O sorry naman ang bagal ng takbo ng story. :D

Wala naman kasi yata nagbabasa. -__-





Leave a Reply.

    VheilVeyl

    Hello! This is still under-construction :) At pasintabi sa magagaling gumawa ng web :D

    Archives

    April 2013

    Categories

    All