Sana sa bawat pag-inog ng mundo
Ikaw ang nasa tabi ko.
Sana sa oras ng kalungkutan
Ikaw ang taga-pawi nito.

Dahil tanging hinahangad
Sa puso'y ikaw ang mahagkan..

Ewan ba kung bakit
Sa isip at puso'y di ka mawaglit.
Marami namang iba,
Ikaw lang talaga ang sinisinta.

Sayang, hindi naging tayo
At dahil 'yon sa iyong paglayo.
Sabi mo ako'y mahal mo rin
Ngunit iba rin pala ang pipiliin.

Pagmamahal mo lang aking hiling
Na sa iba mo naman inihabilin.
Masakit sa aking lumisan ka,
Pagkat ikaw lang talaga..




-- Hey! Here's a so-ma-dramang poem :D

Pasok naman para sa mga SINGLE ngayong February, di ba? :)) :*

PLEASE LIKE KUNG NAGUSTUHAN :)

 





Leave a Reply.

    Author

    Hi! Thank you for reading  :) Please do LIKE/TWEET this on your behalf. :)

    Archives

    February 2013

    Categories

    All