April 1, 2013

I dream about my Mama last night.

Ganto:

Bumalik siya dun sa bahay namin sa Tramo tapos sinundan ko daw siya, kasi someone told me na dun siya nagpunta instead sa bahay namin ngayon.
Pagpunta ko dun, nakita ko nakalatag siya ng paninda niya sa tapat ng bahay (yung mga almusal, yung champorado, sopas, pansit at Spag? yun lagi niyang tinda nun), tapos siya, nasa taas, kung saan yung bahay namin (dati).
Natural hindi na kami dun nakatira, wala ng gamit, as in para siyang abandonado ng bahay. (kahit hindi naman nangyari dun sa bahay yun kasi dinemolish pagkaalis namin di ba?)
Nakita ko lang dun yung isang bag niya na may mga gamit niya ata, tapos tinanong ko siya bakit dun siya umuwi, sabi niya, kasi may party dito.
I don't know, nakuwento ko lang, kasi sa April 3 na birthday nun e :)
Nagpapa-alala ata ng birthday niya, can someone near Mnla South Cem, visit her on that day?
Baka kasi need nun ng kasama sa 3. ;(
Beyen, naiiyak ako. :D

I miss you, woman. My best critic, #0 fan, first teacher, first playmate, first kiss, first hug, and etc. ;)

 

                




Leave a Reply.