-Joyce’s POV-

Hayun, kuha naman ako baraha nang makapaglaro na kami ng kung anumang laro yun. Wala naman kasi ako nung time na nilaro nila yun, ang tagal kasi nila nag-stay nung namatay yung Lola ng kaklase naming B.I na si Ching, (surname nya rin lang yan. Lloyd Vincent kasi name nya. Kaso masyado atang mabait yung name na yun para sa personality niya kaya Ching tawag ng nakaramihan sa kanya.)

In-explain ni Sir ang mechanics. Una, magpapalitan muna daw kami ng pangalan. Bahala kami kung kaninong name ng kasali lang dun ang gagamitin. Tapos, sa 2 decks of cards, inalis lahat ng tao (Queens, Kings, Jacks, Aces). Sunod, dinistribute yung cards equally. Then, we will have to see kung may pairs of same value of card kaming nakuha. Pag meron, ibababa. Kapag lahat wala ng pairs of cards in hands, magbababa ka ng isang card na bet mong ipalit, at iikot ang palitan in clockwise. Mabilis dapat ang palitan at ang mga mata mo sa paghanap at pagbaba ng pairs of cards. At maingat dahil pag may nakalaglag ng card, siya ang huhula sa name ng nasa kanan niya, kung mag-isa lang siyang nakalaglag ng card. Pag nahulaan niya, OUT sa game yung hinulaan niya. Pag hindi, siya ang OUT. Pero kung marami sila, yung pinakamalapit sa kanan nila ang huhulaan o ka-pair nila. Paunahan silang magka-pair makahula ng name ng bawat isa, ang maunang makahula ay SAVE at yung nahulaan nilang ka-pair ay OUT na. Ang mga maunang malagasan ng cards in hands, ang mga winners. Ang huli, may parusa, kasama ng mga naunang na-OUT. Paglagay ng pulbo ang parusa nun ^_^

At nung nagsimula nga yung game, tawanan at ang ingay namin! :D Grabe, bigla pa nga nagalaw ata namin yung ilaw namin sa itaas ng tolda, nawala tuloy, nabunot sa plug. Nasa tabi kasi ng table naming gamit sa paglalaro yung isang paa ng tolda. Ayun, ako pa sinisi nila kasi ako daw pinaka –maingay.

Sabi ba naman: “Hala, nagmumulto Mama mo, Joyce. Nagagalit sa ingay natin.”

“Hala, Ate Marivic, yung anak niyo po maingay maglaro. Hindi po kami may kasalanan ha. :D”

Langya tong mga to, magsumbong daw ba sa multo ng Mama ko? :D Baliw talaga e.

O tapos ang maingay na laro, isa-isa nang nag-aya umuwi nung maubos ang pagkain/chichiryang binili ni Sir P. Patay-gutom lang talaga yung mga klasmeyt ko kaya nung wala ng pagkain, lumayas na. c:

Naiwan si Honey Mae Saavedra Benemerito. Bilang susunduin pa siya ng tatay niya at sabay silang uuwi ng Cavite. Airport cab driver ang Papa niya, kung saan sumakay ang classmates kong babae tapos yung boys, nag-commute ata o another taxi, I forgot.

So while waiting sa Papa niya, chit-chat muna kami.

Ang hyper niya, grabe. Punung-puno siya ng energy magkwento. Samantalang ako nun, antok na antok na talaga -_- Kaya naman nakaka-konsensya kung hihikaban ko lang siya kaya pinilit ko talagang maki-cooperate sa kwentuhan naming.

Ang dami naming napag-usapan. Dun na lang kasi kami ulit nakapag-kwentuhan ng one-on-one. Bilang sa ibang lupalop ng Cavite pa ata yung pinasukan niya, malapit sa kanila.

Dun inamin niya sa akin personally na bipolar siya. At nag-a-undergo naman daw siya ng theraphy thru their school’s guidance counselor. Una niyang sinabi yun sa text/GM niya. Pero akala ko joke lang kasi pabiro niya talaga binanggit yun.

Narinig ko na yun, sa isang report ng fave kong magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Sojo”. Ang mga bipolar daw, bigla na lang malulungkot mula sa pagiging sobrang hyperactive. O kaya naman bigla na lang magiging sobrang saya pagtapos mag-emote ng sobra. At OA daw talaga yung bawat emotions na pinapakita nila.

Nung napanuod nga namin yun, at buhay pa nun si Mama, mag-comment ba naman siyang: “Parang si Joyce.” Kung maka-comment siya parang wala ako sa tabi niya nun nung nanunuod kami e. -_-

Pero nung sinabi ni Mama yun, napaisip talaga ako na, OO nga, ‘no? Minsan ganun talaga ako e. Well, to be honest, most of the time. Pero medyo mild lang :D

 

Tapos sabi ni Mae sa akin (that’s what I prefer to call her since tinatawag niya din ako sa second name kong ‘Vheil’), “Buti hindi ka ganun ka-depress, ‘no? I mean, at least nakaka-tawa ka pa rin. Ang hirap kasi kaya ng situation mo. Kung ako nga di ko ma-imagine pag mawala ang Mama ko e.”

“E, kelangan e.” J Sagot ko.

“Sabagay, mukhang sobrang depress ang Papa mo, kaya dapat ka talagang maging matatag para sa mga kapatid mo.”

At in a while, dumating din Papa niya and we bid each other goodbye.

Ganun ba talaga ako ka-strong sa paningin nila nun? E halos durog na durog yung loob ko nun e. ;( 

Ang galing ko naman. -__-



----

A/N: Hey, guys! Help me spread this ^^ Share on your FB and Twitter. And please do like/tweet this ^^ Just click their logos at the end of every post. :)
 
-Joyce’s POV-

 Minsan kasi sa labas kami nagkikita para magreview, naalala ko yun sa 7/11 :D Silang dalawa ni Ma’am Chy (Math teacher naman sa 1st yr./friend/“ni-lilink-namin-kay- Sir”), kasama yung dalawa pang pambato namin sa 1st yr, sina Aridel -ang HALIMAW umano sa batch nila dahil matalino- at Cinco -surname nya yun, ang bantot daw kasi ng first name niya, Jose Antonio, ayon kay Aridel yabang (well, lahat ata ng matalino, mayabang >< Self-confessed *\J*)- at syempre, kami ni Doi. :D Pero may binili naman kaming foods nila. Kabado ata si Sir kaya kinailangan niya kami i-brief para sa MTAP kinabukasan. Sabi pa nga nun ni Doi: “Sir, parang wala kang bilib sa’min ah.” Na sinang-ayunan kunwari ni Aridel: “Oo nga, Sir. Kaya namin yung mga yun. Sisiw lang yun.” Sagot naman ni Sir: “Ang yabang niyo, wag kayong ganyan.” Pero natatawa naman siya nun. Yung nakaraang batch ng 4th yr. kasi, nakasama sa AREA LEVEL which is parang NCR LEVEL sa ibang contest, dun magtitipon ang lahat ng magaganda’t gwapo sa lahat ng NCR schools :D Dejokelang

Dun magtitipon ang lahat ng Math HALIMAW, pero wala dun ang Science levels. Regular schools lang kaming mga maglalaban dun. Ibang level ng ka-Halimawan ang mga taga-Science :D Advance e.

Ayun, good thing is, nakapasok kami nun sa AREA level. Actually lahat ng Pasay high schools na nag-contend, pasok. Ewan kung bakit. Dahil daw ata sa pare-pareho kaming nasa high scores? Pero tig-dalawa na lang bawat school ang representative sa AREA level. Kami ni Doi at 2 mula sa Tramo kasi ang nagrepresent nun sa Division level, syempre kami ni Doi ang pinili ni Sir P. at ng Dept. Head ng Math.

Di dahil sa bias siya, pero mas nakitaan niya talaga kami ni Doi ng potensyal na manalo or kung di man at least, di makulelat. Di ko naman sinasabing pag yung 2 galing sa Tramo e kulelat agad, pero basta, yun na yun. (^__^)V Saka pala dinepende talaga nila sa scores na nakuha namin sa MTAP Division level na yun.
 
-Joyce’s POV-

Pagkarating ng mga high school friends ko with our handsome teacher, may dala silang isang timba ata yun ng biscuit tas dalawang boxes ng Zest-O. At syempre, dahil nga monggoloid yung mga yun, at bilang hospitable host na din, binigyan ko naman sila ng meryenda nila. Tig-iisang tetra-packed juice tapos cupcakes. Sa isip-isip ko, teka, e di parang wala din yung dinala nila. Ubos ba naman yung cupcakes at juices e, except sa dala nila.

Hahaha, ang bad kong host, ‘no? :D Practical lang po ^_^ Pero in the end, mas natuwa akong pumunta talaga sila ‘cause I badly need their presence para mabawasan yung lungkot.

At when I think of “energy-boosting-and-stress-reliever thing”, I’ll consider my baliw friends as that thing.

Hindi naman ako nabigo. Pagkapunta ba naman nagbaraha ang mga walangya. Iba-iba pa sila ng grupo, at yung iba, steady lang na nanunuod, yung iba, enjoy naman dun sa baging na abot dun sa kabilang side ng creek. Di ba nga sa creek-side naka-pwesto ang lamayan, so ang creek e mga 2-3 meters lang ang laki papunta dun sa kabilang side which is the side where train railings is.  At hayun ang mga tungek kong mga lalaking kaibigan, sinubukan maglaro. Tss, parang bata di ba? Buti walang nalaglag sa creek :p Ang dumi kaya nun, eww. Kaderder pag may nalaglag, uuwing beho :D Meron na kasing kaklase naman ng kapatid ko, at ka-eskwela ko na din since iisang alma mater kami, ang muntikan na talaga dun.

At nang may nakapansin at nag-voice out nang hiwa-hiwalay ang trip ng lahat, nag-aya sila ng laro. May naisip naman yung isa sa mga bff/tropa ko na si Duday, “Ay, di ba Sir, may nilaro tayo nun sa lamay ng Lola nila Ching na tungkol sa baraha?”, tanong niya dun sa gwapong Math teacher namin.

Sir Joemel: “Ah, oo. Yun. Sige ayun na lang para lahat kasali. Pengeng 2 decks of cards, Joyce.”

 

Eeeehhh, tinawag niya ako??? (*u*)

 

Lol. Syempre di ganyan ang naging reaksyon ko :D E lagi ko naman nakakasama si Sir tuwing may review kami for the upcoming Math-related contests together with Doi, ang naging Valedictorian namin (at ako ang naging Salutatorian ^__^. Wala naming bitterness ‘no, sa classroom lang naman kami rivals pero aside from that, tropa-tropa kaming lahat, walang plastikan, well, may konti, being TAO lang naman siguro J).

Ayun lagi talaga kaming nagkakasama nun, kahit outside school, DATE example :D Dejokelang. Wala akong pagnanasa kay Sir. Yung ibang klasmeyt ko, pwede :D
 
-Joyce’s POV-

                                            

We call it EME short for it’s campus branch’s name M. dela Cruz Campus. Street yun ng kinalulunggaan ng bagong school namin e.

Dati, nung 1st-3rd yr. kami, sa MAIN, or rather, as we call it now, Tramo Campus, pa kami lahat, at when I say lahat, LAHAT ng TAO sa EME. Magmula sa janitors, canteen  & school staffs, teachers and students, dept. heads, guidance councilors, and principal, nagmula kami sa Tramo campus.

Nalipat kami ng EME kasi yung dating nasa Annex campus, pinalayas ata dun sa lungga nila for some territorial issues.

At hayun, mula mag-4th yr. kami, ONE SCHOOL pa rin daw kami. But then, com’on, hinding-hindi mawawala sa amin ang pagiging competitive kahit pa public-school studs lang kami,’no! Lalo pa nung naki-epal yung mga alumni ng MAIN (Yes, main dahil dun sila graduate not in the present TRAMO CAMPUS). Aba lumabas na kami ang saling-linggit sa North, tae lungs. E kami ata yung mga naging schoolmates nila ah. Well, may mga natira din kasing mga tiga-MAIN dun sa TRAMO at yun ata ang mas bet nilang pakisamahan. And good teachers as well, na siyang kinalungkot namin nun.

May ilan-ilan din kasi kaming “close” teachers na naiwan (at nagpa-iwan for their own reasons). Yung iba gusto rin naman nung una na kasama sana kami sa EME pero eventually, na-at home na rin naman sila sa presence ng mga teachers from the former ANNEX campus. At niyakap na nila ang Tramo Campus as their own na din. Besides, iisa lang lahat ang Dept. Heads, Guidance Counselors at Principal namin nun. Kaya nila sinabing, “One school’ kami kahit hindi :D Yeah, ewan ba at parang tinitipid talaga ng gobyerno ang budget nila nung time namin.

At hayun nga, every contests, both campuses will contend and fight for their own victory. At never naman kaming nagpaubaya sa kanilang sila lang ang dapat manalo. Hell, konti na nga lang baka nagkaroon na ng WW III dahil sa tindi ng rivalry magkabilang kampo. But then, lucky they are, we’re not that bad. :D In fact, ang mga officers namin sa CAT (where, ehem, I am a Vice President ^_^ - yes, you see it right. VP kasi hindi na naman army-like ang module sabi ng instructor naming, more on shaping a good citizen ang peg, kaya no need for a commander title, instead we have a President) pwedeng mag-command sa klase nila, and vice versa.

At syempre bilang mayabang talaga ako nun, F na F ko yun. Aba, dun ko lang kaya napapakita na I AM HIGHER THAN MEN (not literally, kasi mahihiya ang 4”11 height ko :D). At isa pa, ang dami talagang pasaway dun sa Tramo Campus. Aba lahat ata ng “hoodlums-look-alike” na studs ng MAIN e naiwan dun. At aminado naman ang CAT officers nila dun. Dahil nga dun, nakilala ko ang mga tagong-pasaway ng North. Dehins naman sila pinaligtas ng kasungitan, katarayan, at kayabangan ko. Bawat bastos na studyanteng makita ko sa kanilang officer, parusa. PAK, agad-agad. Hindi naman pisikalan ang parusa, more on giving them no rights to listen on that day’s lesson or giving them such assignments. Pero pag yung President na namin ang nagparusa, well, maghanda sila sa mala-army punishments. Well, sabi naman sa module turuan sila how to be a proper citizen, e tama bang mambastos ka ng officer na nagtuturo kahit pa sabihing pare-pareho kaming studyante in normal days. 

Yes. Puro lang talaga kami estudyante nagsasama sa bawat classroom. Officers serve as teachers in each assigned sections. The rest  are the students. Pero hindi naman nawawala dun ang instructor namin na instructor din ng Boy Scout of the Philippines ng school. Baka pag nawala kasi siya, bigla na lang kaming resbakan ng mga bully dun. Pero ang eksaherada ko naman ata sila i-describe. Hindi ko naman sila nila-lahat (^_^)V

Marami pa rin ang matino at marunong sumunod sa’min kahit may ibang napipilitan minsan. And oh, by the way, hindi lang sa Tramo meron nyan pati na rin sa Eme. Heck, mas maraming lumuhang studyante dun dahil sa CAT days.

And that includes me, minsang magka-iringan kami nung ka-klase kong officer din na “supposed-to-be-president” and at the same time, acads rival. Heck, magka-iba kasi kami ng pananaw sa pagtuturo and basically how to treat our students. Ayun, para akong ewan na naiyak na lang habang nagmi-meeting. Para kasi akong tanga, nakonsensya ata ako nung pinamukha nila sa aking may napaiyak akong studyante dahil lang sa ayaw niyang makinig sa akin at babae pa man din. Pero majority naman sumang-ayon sa akin, kasi dapat naman daw talaga magbigay ng respect yung studyante sa’min para magkaroon ng limits lalo kung kelan sila magloloko. At katwiran naman nung rival ko este ni Leandro, a.k.a Doy/Doi, dapat hindi pa rin naming daw kalimutan na igalang din sila dahil every normal days pantay-pantay lang kami. And all arguments are history.

In the end, nag-laylow ako sa pagiging malditang-principal-Tapya-alike na Vice President at teacher sa CAT section na hawak ko. Buti at sa sariling campus lang namin kami nagtuturo kaya mas madali silang pakisamahan dahil nga sa lagi nila naman akong nakikita and they know me already since freshman. At most of them are my friends naman.

To sum it up, naging OK din ang samahan naming lahat. Kahit nga hindi CAT days e, tinatawag nila akong “Ma’am Joyce” in a friendly and humorous way.

At dun ko na-realize na, ang cool pala tawagin kang ganun. Para kasing kagalang-galang kang tignan.

At dun din ako nagdalawang-isip kung kukuha pa ko ng Accountancy o ipo-pursue ko ang second plan ko na maging Math educator? Yup, second na yun kasi una ko talagang bet, e Civil Engineering course since ang ganda talagang tignan sa lapida yung ‘Engr. Joyce Vheil Santos’ pag nawala ako sa mundong ibabaw pagkatapos kong maabot yun di ba? :D Tapos naging 2nd choice ko yung BS Secondary Educ major in Mathematics dahil na rin sa nagagalingan talaga ko nun sa mga Math teacher namin kahit dun sa mga OJT students lang at bet ko talaga yung subject na yun, dun kaya ako magaling. :D (Oh, ang yabang ko lang ba? Hindi kaya, ang dami ko kayang medal & awards dahil jan J) Tapos nauwi sa 3rd choice na  BS in Accountancy kasi marami daw kwarta dun pag naka-graduate, naka-pasa sa board exam at naging isangCertified Public Accountant. Hahaha, oo ganun talaga ako magplano nun sa buhay college na tatahakin ko. Common na naman yun, di ba? Lalo at panganay ako, wala akong ate o kuya na mapagtatanungan ng experiences nila sa buhay-impyerno este College life ^_^

At hayun, ewan ba, nakita ko na lang ang sarili kong umapak sa pang-MAYA (tawag naming mga dukhang nilalang sa mga private props na pang-sosy, either MAYAman or MAYAbang :p) na eskwelahan ng Emilio Aguinaldo College. Pero ever since naman umapak ako dun, majority naman TAO lang ang ugali. As in, wala naman gaanong matapobre especially sa mg aka-klase ko in all subjects. Snob lang pero wala yung mga napapanuod kong nag-iinarteng conyo at bullies sa mga freshman experience’s movies. E di kung meron, binalibag ko sa mukha nila yung scholarship ko :D Pero hindi rin lang naman ako ang matalino sa batch naming yun. Syempre, ang kapal ko naman, di ba kung iisipin ko talaga yun :D

Marami rin sa kanilang naging slight close ko, kaya nga pumunta din naman sila nun sa burol pagkatapos ng klase nila sa EAC.
 

-Joyce’s POV-

Dami din naman kasing nabayarang utang dun sa Dandan (kalye kung saan kami napatira sa Pasay) nang kasagsagan ng burol ni Mama. Well, wala naming pasugalan, kung meron man, susulpot lang miminsan at talagang yung mga sugarol e sugal lang ang habol sa lamayan. Tsk, ewan ko ba, nakakabastos pala yun pag ikaw yung namatayan at nakakasaksi nun. Ano ba naman kasi yung (share nila o rather parang bayad nila sa pagsusugal sa tuwing may mananalo sa isang game ng ‘tong-its’ o ‘pusoy’), barya lang yun sa abuloy e. Pero sabi nga, it’s better few than none. (Uh, wait, sa iba ba talaga galing yun? Ha-ha, tawa nga kayo jan. Imbento na naman ako e >//<)

Tapos nung ililibing na, sobra-sobra naman yung tinawag ng Tito Anthony ko (pangatlo sa nakababatang kapatid ni Mama, siya kasi ang panganay) na mga jeeps. Gahd, akala ata niya buong Pasay makikilibing. Magtawag ba naman ng 2 jeeps? E kami-kami lang naman family ang kasama, ni friends ni Mama ata, wala e. Pero dumalaw naman sa mga gabing nakaburol si Mudra. Ayun, kinailangan pa daw tuloy bayaran yung 2 driver (take note: 2 drivers na nagrerelyebo dun sa iisang jeep ang binayaran) ng 200 sa paghihintay. WTH?! Kelangan ba talaga yun? E ano ba naman yung naghintay lang ng 10 minutes? Tas 400 agad binayad namin dun ng di naman namin sila napakinabangan? Buti na lang at mabait akong nilalang, hindi na ako nakipag-argue sa pera. Binigay ko na lang. Di ko naman kilala yun, mamaya pagtangkaan pa ako ng masama pag nakita ulit ako nun. Syempre, sa Maynila kaya yun, e taga-Pasay kami.

Dun nilibing si Mother dear kasi dun malapit yung dati nilang bahay na tinirhan nila during their childhood days. And technically, napaka-ewan lang nung pinagburulan, kung saan din nun binurol yung Lola Mimi ko na nanay ni Mama. Para nga kaming squatter e, tabi lang ng ilog. Pero walang magagawa, wala kaming pang-renta sa funeral homes. Isa pa, gaya nga ng sabi ko, wala naman kaming expected na maraming bisita. Yung ibang kaibigan nga ni Mama sa Pasay hindi na nakapunta dahil kesyo hindi daw alam. Duhh? What’s the use of cellphone para kontakin nila ako’t tanungin ang direction or bettr yet, i-request na magpahatid? Nakokontak naman nila ako, buti ba kung hindi.

May iba pa nun na paasa pupunta tapos magdadala daw ng lugaw para ipakain din sa mga darating na bisita. Kaya hayun kami ng Tita Connie (bunsong kapatid ni Mama), bili na lang kami ng disposable utensils para may matinong pagkainan ang mga bisita. At hayun, to the last minute na naghihintay kami, biglang nagtext na hindi na daw tutuloy kasi di alam ang pagpunta. And what did I reply? Eto lang naman: “Tangina, ang paasa niyo naman e. O asan yung pangako niyong pagkain? Hindi pa naman kami nagluto dahil sa sinabi niyo at baka di maubos yung pagkain. Tangina lang naman talaga, salamat sa pagsabi to the last minute ha?”

Pero joke lang. I didn’t tell that :D Ang mean at bastos ko naman kung ganun. Sabi ko na lang, “Ah, okay po.”

At ayun, nganga kami ng mga tito’t tita ko sa pag-aalalang may mga pupunta, paano makakain ng matino kung Zest-o pack at cupcakes lang ang meron kami? Last lamay din kasi yun at maraming nag-pledge na pupunta. Plus may mga kamag-anak kaming nag-stay dun that night para makasama sa libing, I mean, para MAKIPAG-LIBING not the other meaning. :p Pero not like those sh*ts na paasa sa pagkain. (ang laking galit ko na walang pagkain, di ba? :D) Buti na lang at may dalang isang bilao ng pansit at set of boxes ng tetra-packed juices yung mga naging kapitbahay namin dun sa Dandan. I thank them Lord, I uttered to my relieved soul.

Grabe din yung mga days na yun. I can say that, IT WAS REALLY AN EXPERIENCE. Imagine, habang nagluluksa ka, dapat matuto kang i-entertain yung mga nag-effort maki-condolence sa inyo. Plus na nakakangarag kasi talaga yun at hindi ako sanay. First time may mamatay sa’min na nag-take charge ako e. Buti hindi nakalimot pumunta yung mga kaibigan kong baliw at ilang schoolmates from high school to college (parang ang dami ko namang classmate nung college e 1st yr at 1st sem pa lang yun). At ang mga sinasabi kong mga baliw kong kaibigan ay nabibilang sa mga classmates ko nung high school. Kasama nila nun yung teacher namin nung 4th yr. sa Math. Si Sir Pomarca a.k.a. heartthrob na din ng North kasi siya lang ata ang bata at gwapong teacher ng Pasay City North High School EME.
 
-Joyce’s POV-

 

Ganoon din kasi ang sitwasyon niya. Yeah, she’s in the province of Laguna kung saan milya-milya ang layo sa Pasay (OA lang mag-describe, di ba? That’s how she hates her distance from her friends since high school). Nang mamatay kasi ang Mama niya, nag-suggest na lang ang Lola niyang tumira doon sa Laguna kesa sa inuupahan nila noon sa Pasay na halos tahanan na nga daw ng mga naglalakihang mga daga.

Sabi pa nga ng Lola niya, “Aba’y akala mo parang mga pusa na ang mga daga dito. Ni hindi na nga marunong matakot sa tao, makikipagtitigan pa sa’yo. At ang tao (ng lugar), parang laging piyesta.”

Parati kasing matao sa lugar nila. Walang pinipiling oras, mapa-umaga, hapon, gabi o kahit madaling-araw. Kaya alam niyang hindi lang eksaherada ang komentaryo ng Lola niya.

“Pa, lipat na lang tayong Laguna. E tama rin naman yung sabi ni Lola. At least may mag-babantay kina Jozeth at Khenjie pag nasa school ako at kayo nasa trabaho.”, sabi ni Joyce sa Papa niya.

“Sabagay, ok nga rin naman yun. Malayo lang kasi dun pag nadestino ako sa Makati. Pero hayaan mo na, sabi naman ng Lola mo tutulungan tayo sa mga gastos eh,” sagot ng Papa Jojo niya.

At yun, voila! Isang linggo lang ay nasa Laguna na sila.

Ok naman, ang laki kasi ng nilipatan nila dun. Kaso nga lang, ang laki din ng upa.

-Joyce’s POV-

Pero keri pa naman siguro ‘to. may natira pa naman konti mula dun sa nakuha naming SSS Burial churva ni Mama. Anubayun, kelangan ba talaga mamatay muna siya bago umayos ng konti yung buhay naman? Haayysss..
 
-Joyce’s POV-

"Ui, ba't di ka na nagsalita jan? Kanina pa ko salita ng salita dito tapos hindi ka pala nakikinig, tsk", sabi ni Rowie na katatapos lang magbigay ng speech, via phone, sa problema nito sa Mama niya.

Si Rowie na nakilala niya sa debut ng kaibigan niyang si Yeyeth. Ayun, after na magkahingian ng number (na hindi talaga niya alam kung siya ang nanghingi ng number ni Rowie o ito ang nagkusa, kasi lasing na talaga siya nung ipakilala siya dito ng isa pa niyang dating kaibigan), nagka-mabutihan, nagligawan, hanggang sa nagka-iwanan, bumalik ulit sa panliligaw, at hayun, naging sila rin.

Cheap? If that's what you want to call it. Pero, nahulog lang talaga ang loob niya sa lalaking ito.

Ewan ba niya e ayaw na ayaw nga niya sa mga tipo nito.

Gangster, maangas, medyo may dating na mayabang,at hindi pa nag-aaral ng mabuti. Basta, he hates the way he is.

Kahit nga hindi pa naman talaga sila totoong nagkikita ulit. Binase lang niya yung judgment niya sa mga pics nito sa Facebook at sa mga napag-uusapan nila on phone.

Nung unang nagkakilala nga kasi sila, she was really, really drunk kaya hindi niya masyadong natandaan o namukhaan man lang si Rowie until nga na makita niya na ang FB account nito na siya namang binigay ng kusa ng huli.

(Bawal pa talaga siya uminom nun, pero since matigas ang ulo niya, ayun naki-go lang siya. Pero alam naman ng magulang niyang sa debut ni Yeyeth ang punta niya. Magkaibigan naman kasi ang Mama nila.)

“E nakikinig naman ako. Wala lang kasi akong maibigay na payo sa’yo. Ang hirap din talaga ng sitwasyon mo e.”

                                       

Saka, ang tigas kaya ng ulo mo. Hindi mo rin naman gagawin yung ia-advice ko sa’yo. Syempre sa isip niya lang yun, ayaw na rin naman niyang magdamdam pa ito e ang lungkot nga namang mag-isa ka, kasama nga ang mga kamag-anak pero parang hindi ka naman itinuturing na isa sa kanila.

Plus the mere fact na alam din niya yung pakiramdam na ang layo mo sa dating kinagisnan mo, kung saan naroon din ang mga kaibigan mong tunay.

    Ang Babaeng...

    My first ever self-made story.

    Tinatampok ang Dyosang nilaglag sa lupa upang maghasik ng kagandahan. :D Bwahahah, dejokelang! Sige basa na lang. Baka maumay pa kayo e :p

    Ewan ko kung bakit ‘yan ang title ng sarili kong istorya.

    Malamang sa alamang, ang unang dahilan ay dahil sa ISA AKONG BABAE. :D

    Oo, hindi ba halata ang kagandahan ko? Bwahaha :D

    So, eto na talaga.

    Eto rin yung istoryang di ko tinuloy :D Yung My Opposite Dream Guy – BOO-hay Ko.

    E kasi naman, in love ako nun nung ginawa ko yun :D

    O tapos naisip ko, hindi lang naman puro tungkol sa’min ang istoryang ‘to. At wala na rin KAMI </3 :D

    Ewan ko nga ba kung san patungo ‘to :D

    Parang ano lang.

    Parang diary ko na lang :D

    Oo, tama :D So, it means, bahala na si Lord :)

    Kapag kinuha na niya ako, wala ng UD :D *tok tok tok*

    So, enjoy kung enjoy.

    OUT kung wawents  :p

    Archives

    February 2013

    Categories

    All