-Joyce’s POV-

Hayun, kuha naman ako baraha nang makapaglaro na kami ng kung anumang laro yun. Wala naman kasi ako nung time na nilaro nila yun, ang tagal kasi nila nag-stay nung namatay yung Lola ng kaklase naming B.I na si Ching, (surname nya rin lang yan. Lloyd Vincent kasi name nya. Kaso masyado atang mabait yung name na yun para sa personality niya kaya Ching tawag ng nakaramihan sa kanya.)

In-explain ni Sir ang mechanics. Una, magpapalitan muna daw kami ng pangalan. Bahala kami kung kaninong name ng kasali lang dun ang gagamitin. Tapos, sa 2 decks of cards, inalis lahat ng tao (Queens, Kings, Jacks, Aces). Sunod, dinistribute yung cards equally. Then, we will have to see kung may pairs of same value of card kaming nakuha. Pag meron, ibababa. Kapag lahat wala ng pairs of cards in hands, magbababa ka ng isang card na bet mong ipalit, at iikot ang palitan in clockwise. Mabilis dapat ang palitan at ang mga mata mo sa paghanap at pagbaba ng pairs of cards. At maingat dahil pag may nakalaglag ng card, siya ang huhula sa name ng nasa kanan niya, kung mag-isa lang siyang nakalaglag ng card. Pag nahulaan niya, OUT sa game yung hinulaan niya. Pag hindi, siya ang OUT. Pero kung marami sila, yung pinakamalapit sa kanan nila ang huhulaan o ka-pair nila. Paunahan silang magka-pair makahula ng name ng bawat isa, ang maunang makahula ay SAVE at yung nahulaan nilang ka-pair ay OUT na. Ang mga maunang malagasan ng cards in hands, ang mga winners. Ang huli, may parusa, kasama ng mga naunang na-OUT. Paglagay ng pulbo ang parusa nun ^_^

At nung nagsimula nga yung game, tawanan at ang ingay namin! :D Grabe, bigla pa nga nagalaw ata namin yung ilaw namin sa itaas ng tolda, nawala tuloy, nabunot sa plug. Nasa tabi kasi ng table naming gamit sa paglalaro yung isang paa ng tolda. Ayun, ako pa sinisi nila kasi ako daw pinaka –maingay.

Sabi ba naman: “Hala, nagmumulto Mama mo, Joyce. Nagagalit sa ingay natin.”

“Hala, Ate Marivic, yung anak niyo po maingay maglaro. Hindi po kami may kasalanan ha. :D”

Langya tong mga to, magsumbong daw ba sa multo ng Mama ko? :D Baliw talaga e.

O tapos ang maingay na laro, isa-isa nang nag-aya umuwi nung maubos ang pagkain/chichiryang binili ni Sir P. Patay-gutom lang talaga yung mga klasmeyt ko kaya nung wala ng pagkain, lumayas na. c:

Naiwan si Honey Mae Saavedra Benemerito. Bilang susunduin pa siya ng tatay niya at sabay silang uuwi ng Cavite. Airport cab driver ang Papa niya, kung saan sumakay ang classmates kong babae tapos yung boys, nag-commute ata o another taxi, I forgot.

So while waiting sa Papa niya, chit-chat muna kami.

Ang hyper niya, grabe. Punung-puno siya ng energy magkwento. Samantalang ako nun, antok na antok na talaga -_- Kaya naman nakaka-konsensya kung hihikaban ko lang siya kaya pinilit ko talagang maki-cooperate sa kwentuhan naming.

Ang dami naming napag-usapan. Dun na lang kasi kami ulit nakapag-kwentuhan ng one-on-one. Bilang sa ibang lupalop ng Cavite pa ata yung pinasukan niya, malapit sa kanila.

Dun inamin niya sa akin personally na bipolar siya. At nag-a-undergo naman daw siya ng theraphy thru their school’s guidance counselor. Una niyang sinabi yun sa text/GM niya. Pero akala ko joke lang kasi pabiro niya talaga binanggit yun.

Narinig ko na yun, sa isang report ng fave kong magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Sojo”. Ang mga bipolar daw, bigla na lang malulungkot mula sa pagiging sobrang hyperactive. O kaya naman bigla na lang magiging sobrang saya pagtapos mag-emote ng sobra. At OA daw talaga yung bawat emotions na pinapakita nila.

Nung napanuod nga namin yun, at buhay pa nun si Mama, mag-comment ba naman siyang: “Parang si Joyce.” Kung maka-comment siya parang wala ako sa tabi niya nun nung nanunuod kami e. -_-

Pero nung sinabi ni Mama yun, napaisip talaga ako na, OO nga, ‘no? Minsan ganun talaga ako e. Well, to be honest, most of the time. Pero medyo mild lang :D

 

Tapos sabi ni Mae sa akin (that’s what I prefer to call her since tinatawag niya din ako sa second name kong ‘Vheil’), “Buti hindi ka ganun ka-depress, ‘no? I mean, at least nakaka-tawa ka pa rin. Ang hirap kasi kaya ng situation mo. Kung ako nga di ko ma-imagine pag mawala ang Mama ko e.”

“E, kelangan e.” J Sagot ko.

“Sabagay, mukhang sobrang depress ang Papa mo, kaya dapat ka talagang maging matatag para sa mga kapatid mo.”

At in a while, dumating din Papa niya and we bid each other goodbye.

Ganun ba talaga ako ka-strong sa paningin nila nun? E halos durog na durog yung loob ko nun e. ;( 

Ang galing ko naman. -__-



----

A/N: Hey, guys! Help me spread this ^^ Share on your FB and Twitter. And please do like/tweet this ^^ Just click their logos at the end of every post. :)



Leave a Reply.

    Ang Babaeng...

    My first ever self-made story.

    Tinatampok ang Dyosang nilaglag sa lupa upang maghasik ng kagandahan. :D Bwahahah, dejokelang! Sige basa na lang. Baka maumay pa kayo e :p

    Ewan ko kung bakit ‘yan ang title ng sarili kong istorya.

    Malamang sa alamang, ang unang dahilan ay dahil sa ISA AKONG BABAE. :D

    Oo, hindi ba halata ang kagandahan ko? Bwahaha :D

    So, eto na talaga.

    Eto rin yung istoryang di ko tinuloy :D Yung My Opposite Dream Guy – BOO-hay Ko.

    E kasi naman, in love ako nun nung ginawa ko yun :D

    O tapos naisip ko, hindi lang naman puro tungkol sa’min ang istoryang ‘to. At wala na rin KAMI </3 :D

    Ewan ko nga ba kung san patungo ‘to :D

    Parang ano lang.

    Parang diary ko na lang :D

    Oo, tama :D So, it means, bahala na si Lord :)

    Kapag kinuha na niya ako, wala ng UD :D *tok tok tok*

    So, enjoy kung enjoy.

    OUT kung wawents  :p

    Archives

    February 2013

    Categories

    All