"Ui, ba't di ka na nagsalita jan? Kanina pa ko salita ng salita dito tapos hindi ka pala nakikinig, tsk", sabi ni Rowie na katatapos lang magbigay ng speech, via phone, sa problema nito sa Mama niya.
Si Rowie na nakilala niya sa debut ng kaibigan niyang si Yeyeth. Ayun, after na magkahingian ng number (na hindi talaga niya alam kung siya ang nanghingi ng number ni Rowie o ito ang nagkusa, kasi lasing na talaga siya nung ipakilala siya dito ng isa pa niyang dating kaibigan), nagka-mabutihan, nagligawan, hanggang sa nagka-iwanan, bumalik ulit sa panliligaw, at hayun, naging sila rin.
Cheap? If that's what you want to call it. Pero, nahulog lang talaga ang loob niya sa lalaking ito.
Ewan ba niya e ayaw na ayaw nga niya sa mga tipo nito.
Gangster, maangas, medyo may dating na mayabang,at hindi pa nag-aaral ng mabuti. Basta, he hates the way he is.
Kahit nga hindi pa naman talaga sila totoong nagkikita ulit. Binase lang niya yung judgment niya sa mga pics nito sa Facebook at sa mga napag-uusapan nila on phone.
Nung unang nagkakilala nga kasi sila, she was really, really drunk kaya hindi niya masyadong natandaan o namukhaan man lang si Rowie until nga na makita niya na ang FB account nito na siya namang binigay ng kusa ng huli.
(Bawal pa talaga siya uminom nun, pero since matigas ang ulo niya, ayun naki-go lang siya. Pero alam naman ng magulang niyang sa debut ni Yeyeth ang punta niya. Magkaibigan naman kasi ang Mama nila.)
“E nakikinig naman ako. Wala lang kasi akong maibigay na payo sa’yo. Ang hirap din talaga ng sitwasyon mo e.”
Saka, ang tigas kaya ng ulo mo. Hindi mo rin naman gagawin yung ia-advice ko sa’yo. Syempre sa isip niya lang yun, ayaw na rin naman niyang magdamdam pa ito e ang lungkot nga namang mag-isa ka, kasama nga ang mga kamag-anak pero parang hindi ka naman itinuturing na isa sa kanila.
Plus the mere fact na alam din niya yung pakiramdam na ang layo mo sa dating kinagisnan mo, kung saan naroon din ang mga kaibigan mong tunay.