tik tok tik tok tik tok

Wait, ha? Atat naman 'tong orasan na 'to. Nag-iisip pa ako. Okay! Ako ng WIERD at kinakausap na mismo kahit yung nananahimik na orasan.

E sa nate-tensed kaya ako. 

By the way, sabi sa akin ng isang tao noon, "to ease the tension without the audience noticing it, smile. Chin up. Be confident and greet them cooly." 

So that's what I'll gonna do.

Please to have you here in my front, everyone! I am Joyce Vheil Santos Santarin, the ever gorgeous 3W's (wattpad-writer-wannabe), 18 years of age, mature enough to take the role of having Dylan Marco Dirham y Rivera as my husband. Deal's close, I think so?

"Uh-uh. Not yet, lady! Ni hindi pa nga namin alam kung anong kalat ang kaya mong gawin sa stage e." 

And who the hell said na magkakalat lang ako??? Gash. Ang ganda ko para magkalat. Tinignan ko ang babaeng nagbigay ng napakagandang panghuhusga sa aking magandang pagkatao. *note the sarcasm*

Head to toe. Toe to head. Well, well, well... Siya nang may karapatan, psh. -_-

"By the way, the one you're glaring at is no other than our producer and the mind behind the play, Jhing Bautista."

"HUWAATTTT???!!!! OH.MY.GEE!!  KAYO PO SI MISS JHING? I CAN'T BELIEVE THIS! HINDI NGA, TOTOO BA 'TO? AM I NOT DREAMING???"

I dramatically exclaimed. Idol ko kaya siya, feeling ko nakakita ako ng isang Marian Rivera-- no, scratch that. Makakalmot ko si Marian pag nakita ko. Cause she's so damn gorgeous, for me. :D

But this moment... It feels like cloud nine. :3

DUHH?! Magtatanong kayo kung bakit ganyan reaction ko? Di ba nga sabi ko sa intro ko kanina, I'm a 3W's. Wattpad-writer-wannabe. So ang tendency, hindi ko talaga makikilala si Miss Jhing, 'no? *insert sarcasm* -_-

pak


Isa talagang malakas na *pak* ang tumapos sa cloud9 ko. At sinundan ng..

"O ayan, proof na hindi ka nga nananaginip. Tss, you're annoying. I don't want her to have the role." Saying his last line e tumingin siya kay Miss Jhing at ang huli naman ay napangiti.

At 'yong ngiti na 'yon ang gusto ko talagang makita kanina pa bago ako magpakilala. That's THE SIGN of my first victory for my mission possible. Possible, why? 'Cause I won't accept any other expectation other than it's possible.

And by the way, the guy who hit me is no other than, my god-like prince WHO-EXISTED-JUST-TO-SPREAD-THE-EXAGGERATING-MEANING-OF-HANDSOME Dylan Marco, Dyma for short. But I prefer to call him MiNE. >:D

"Grabe, maka-tanggi parang wala ako dito ah? Anyways, hello, handsome future-husband of mine. *wink*"

Tapos lumapit siya sa akin, unti-unti at ngumiti, kikiligin na sana ako kaso..

"IN.YOUR.DREAMS!" Tapos talikuran daw ba ako?

At sa gulat ko, kasama na rin ang naudlot na kilig, napanganga na lang ako. Ang sungit naman nun, PMS? >3<

"Hayaan mo na, tanggap ka na."

And that voice take me back to reality. I laid my eyes on her the moment I heard her last word, and she just winked at me as if she's up to something.

That wink made me realized something. Something that made my day sooooooo special.

--

Isang araw matapos ang unang pagtatagpo namin ni my Dyma dearest, kailangan ng gawin yung first practice ng play. Habang nag-aayos ng stage, siyempre maaga akong dumating, and My DD (my Dyma dearest) ay andun na din.

>>| fast forward, after a month of practicing..

Matagumpay naming natapos ang stage play!  \ ^___^ /

Role ko? Hindi naman talaga wife ni My DD, kundi alalay niya. -_- Langya si Miss Jhing, akala ko success ko na yung plano niya, hindi pala. Pero at least, kasama ko naman sa bawat eksena si My DD. 

Btw, ang stage play na ginawa namin ay for our university's centennial anniversary.

Pagkatapos nun, may sosyalang party sa campus ground.  Masquerade party to be exact. At ang usapan ng buong casts ng play e magkikita-kita kaming lahat sa tapat ng Mabolo tree bago kami makihalubilo sa crowd. Para lang daw i-celebrate namin sandali 'yung victory namin, magto-toast lang naman daw kami ng glasses at bahala na kami if magpapakilala sa isa't isa or not. Sayang naman kasi kung ii-spoil namin yung pagka-masquerade theme kung ibubuko namin ang identities namin, diba? Wala ng mystery. :'>

Matapos naming makumpleto at sabay-sabay na mag-cheers ng mga wine glasses namin, isa-isa na kaming nag-disperse.

I saw him. His wearing a gray tuxedo, black pants at shining black leather Converse shoes at siyempre ang kukumpleto ng outfit sa party e yung blue mask niya na mala-Avatar ang design. (See the pic at the side) And that absolutely made the over-all outfits he has attractive. Yes, ang damit ang naging attractive dahil sinuot siya ni My DD. And yes, I know exactly that it is HIM kasi anong silbi ng pang-i-stalk ko sa kanya kung hindi naman din ako gagaling sa pagkabisa ng physical features niya? his features, and the way he stand, walk and silently attracts my heart, I knew it exactly dear eversince I was 7.

Oo, 7 years old pa lang ako ng naging first love ko siya e. Ako nang malandi, pero kung masasabihan akong flirt, bitch, slut, at siya ang dahilan sa mga pet names na iyon, ayos lang.

Siya naman ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundo e. >///<

He went to the bar, yung dun sa malapit sa mga bartenders, sorry naman, mang-mang sa mga ganung terms e. d(-3-)b

Tapos siyempre, malaking chance ko na 'to. Maso-solo ko siya e, bwahahaha.

"Hi!" bati ko sa kanya.

"Hi." matamlay at halatang walang kagana-gana niyang sagot sa akin.

"Ang boring ng party, 'no?" sabi ko bilang panimula ng topic. Kailangan ko siya daldalin para di kumawala.

"Yeah."

Ano ba naman 'to, walang effort makipag-usap. So I guess, magbibigay talaga ako ng effort para dito, 'no? Go for the goal, Joyce! Wag papatalo! Laban-laban, no bawi-bawi! Aww!


"Ahh, ahermm.. Ahm, alam ko mahirap mag-isa, kaya nga ako pinanganak para samahan ka e."

Ayun wala naman siyang reaction kundi tumungga ng beer na nasa wine glass niya. So I'll hit one again. -__-

"Alam mo kung tatakbo akong kandidato, ayoko ng mayor o presidente, gusto ko kapitan."

And then that made his head turns on me. Wala siyang sinabi pero nasa mata niya yung tanong na, "What the hell are you talking about? And why do I even care?"

At bago pa niya isatinig ang sasabihin niya, I immediately said, "Gusto ko KAPITAN. Kapitan ang kamay mo habang tumatakbo ako. "

"HA-HA. Nice try." tapos nag-smirk lang siya. Anebeyen. Sayang pakawala ko ng pick-up. Tsk, pero try and try sabi ng Mama ko. Kaya isa pa.

"Hmm, ayaw kumagat ng cheesy sa'yo? Sige eto na lang.

Ale: Nanjan ba mama mo? Juan: Bkt po? Ale: Tungkol sa utang Juan: Umalis po kahapon pa Ale: Na babayaran ko. Juan: Pero bumalik na po knina!"

"HAHAHAHA, di ba nakakatawa? HAHAHAHA, kulit!"

"Tsk, ikaw lang natawa e."

Uyam na sabi niya pero nakita ko naman na may tinago siyang ngiti pagkatapos. Hihihi, teka, pick up naman pakakawalan ko. Nag-eenjoy na 'to e. Ambitious much! >:D

"Paakyat na sana ako eh. Nakita lang kita nahulog na naman ako. :))"

No reaction from him. -_- Siyempre, try lang ulit.

"SAPATOS ka ba? Ako na lang SHOE-tain mo!"

He then scanned me from head to toe, saka tumingin sa mata ko, and said, "You're not my type."

"Aray, grabehan maka-busted? Okay lang, I won't give up."

Tapos tumingin siya sa akin and smiled.

"Alam mo ang pinakamasarap na CUTTING? Yun yung nag-CUTTING-inan tayo. >//<"

"Hahaha, you really are annoying, you remind me of someone. Kung ikaw man siya... Nothing."

"Kung ako man yun, hmm, bakit ayaw mo sabihin? Sabihin mo na. Sino ba yun? Malay mo kung di man ako, malay mo kilala ko."

"Then, you musn't really know about her."

"Ayy." -3-

"Sige na, wag ka na ngumuso jan, di bagay, mukha kang baboy."

"Sus, hindi mo naman nakikita mukha ko, maka-baboy ka naman."

"Nakakadiri na lang. Sige na, ibato mo na lang 'yong mga pick up mo at korning jokes ng maaliw ako kahit paano."

Natuwa naman ako dun. Kahit sandali, at least naaliw siya sa akin. 'Yun naman yung sabi niya di ba? O.o

"Kung lahat na lang ng PALABAS ay kailangan ng PATNUBAY at GABAY ng mga MAGULANG, may matapos pa kayang gawain si Nanay? BUWAHAHAHA!"

Napatingin naman lahat ng tao sa'kin, agaw-eksena lang kasi yung tawa ko. XD lol

Siya? Ngiti lang ulit. Ngiting abot tenga na. Ewan kung sa joke ko ba natawa si My DD o sa pagkapahiya ko. Pero at least may reaction.

Isip-isip pa, utak! Gamitin mo ang kakayahan mong gumana ngayon!

"SIPON KA BA? Ikaw lang kasi SNEEZE-sigaw ng puso ko e."

"Pfftt.."

"Hahaha, uyy. Kinikilig na yan sa banat ko. Eto pa."

"Height ko man ay bitin, abot langit naman kitang mamahalin."

At hindi na nawawala sa labi niya ang ngiti niya. Yiiii, pigilan niyo ko, mahahalay ko na 'to sa kilig ko. >:D

"Dalawa lang ang bisyo ko. Paglalasing at pagsusugal."

"Then, bakit orange juice lang yang iniinom mo kung marunong ka nga maglasing?" He asked with confusions all over his handsome face! Geez, gwapo talaga e.

And that's the longest sentence he said for tonight. :D Gonna remember that, words by words.

"E di naman kasi yun yun e. Ang malasing sa pagmamahal mo at pagsusugal ng lahat para sa'yo."

He then smiled again pero this time, nakatingin na sa akin.

Mamamatay na ba ako at ganyan na siya sa akin? Kanina lang ini-snob niya ang ganda ko. I must be dead now. >:D

"Baboy ka ba?"

"Hala! Di naman ako mataba ah."

" Kasi 'I love you', oops, di ko naPIGilan. Oh, banat lang yun, baka sabihin mo kasi ikaw lang nakakpag-isip e."

"Pfft. Yiiiieee, binigyan ako ng pick-up ni Dylan Marco Dirham? OH.MY.GEE!! XD"

"So, kilala mo pala ako kahit naka-maskara ako?"

"YES! AKO PA BA? I know your every moves, bawat paghinga mo, alam ko na ikaw yan."

"Grabe, you must be my stalker?"

"Paano mo alam?"

"Hahaha, you crazy! Sa gwapo kong 'to, himala na lang na may babaeng hindi ko stalker."

"Grabe, ang ginaw ah. Ilang aircon nilunok mo?"

"Tsk, if I know, mahal mo na ako e."

Napalunok naman ako dun. Ba naman 'to. Dumada-moves pa lang ako, pinapaamin na agad ako. >.<

"Hahaha, chill. Wag kang kabado jan, kunwari hindi ko alam."

"Feeling mo naman!"

"Hahaha, you're cute when you're blushing."

"Cute? Blushing? Naka-mask kaya ako, paano mo malalaman yun?"

"Sus, e mata at ilong mo lang naman natatakpan ng mask mo, so I can still see your cheeks blushing, hahaha."

Namumula na ata talaga kasi ramdam ko 'yung init ng mukha ko. Tapos sinabihan pa niya ko ng cute? Pektusan ko 'to, masyado akong pinakikilig e.

"Anyways, I had a great time with you but I think I must go home now."

Ayy, aalis na siya? :(

"Ah ganun ba? S-sige, bye."

At pagkaalis niya, nag-vibrate naman ang cellphone ko.

1 message received.

I opened it at nakita ko unregistered yung number. Sino naman kaya ito? At pagka-kita ko ng message..

"If nothing lasts forever, would you be my nothing? ;) Had great time with you. We must make another moment to spend. Tomorrow after school. Garden, 5pm. Take care!"

Hala, sino kaya yun? Baliw lang?

Pero isa lang naman ang nakausap ko ngayong araw na 'to! Si...

HALA! Pano nun nalaman number ko??

And the most important thing is, yung "We must make another moment to spend. Tomorrow after school. Garden, 5pm. Take care!"

ANOTHER MOMENT??

TOMORROW??

GARDEN?!

KILL ME NOW. >//////<

JOKE LANG! May moment pa nga daw bukas e. Yiihiiee. :">

And that made me think that my MISSION is POSSIBLE.

What's my mission anyway?

To break his heart? Nah.

To get even with their family? Nah, wala silang kasalanan sa'min.

To make him fall for me? Hmm, maybe? But not exactly.


I told you that I knew him since I was 7 di ba? So my mission is to be his MRS. DYLAN MARCO DIRHAM, whatever it takes. ;)

11 years ago...

"Mama, gusto ko ice cream, wait lang po. Gusto ko bumili ng ice cream e." himutok ko nun sa Mama ko.

"Yes, baby. Pero dapat pumayag ka muna magpagamot okay?"

"NOOO!!!! I don't wanna! The doctor will inject me and it hurts, Mama!" mangiyak-ngiyak ko naman sabi kay Mama.

I have to be treated, my heart is not fucntioning well kaya naman kailangan daw itong palitan. May donor na ako kaya talagang pinipilit na nila akong magpagamot. Nagwawala kasi ako whenever they try to put me on the operating room. Kaya sinuggest ng doctors ko na kausapin muna ako nina Mama at Papa.

"Princess, look at Papa. Ganito ha? Dito lang kami, maghihintay sa'yo ni Mama at para kang matutulog pag ginamot ka na nila. Pag gising mo, kami agad ang una mong makikita." Sabi naman ni Papa sa'kin with his teary-eyed.

Alam kasi nila na kapag hindi pa ako nagpagamot after a month, magiging delikado na ang kundisyon ko at pwede na akong mataningan.

"Sure Papa, Mama?"

"Yes, baby. We promise you that. And we never fail to make our promises, right, Papa?"

"Oo princess, tama si Mama."

"Sige na po, payag na ako. Pero sa isang kundisyon."

They sigh in relief ng marinig ang pagpayag ko.

"Yes, what's your condition, baby?"

"Pwede ko po ba muna makita 'tong boy sa picture?" Sabi ko at nilabas ang picture na nakuha ko sa hallway ng hospital na tapat ng room ko noong isang araw.

And they smiled. "Baby, you'll see this boy once you come back from the operating room and make your operation successful, ok?"

"Hindi po ba pwede ngayon ko na siya makita?" Ang cute kasi nung nasa picture. May smudge pa siya ng kinakain niyang ice cream habang naka-dila.

"Princess, hahanapin namin siya ni Mama habang ino-operahan ka so better be ready for your operation muna, okay?"

"Hays, okay po Papa, Mama. Basta promise kayo po una kong makikita pagka-gising ko, ha?"

"Yes baby/princess." Sabay nilang sagot sa akin and then they hugged me.

end of flashback..

And the little boy in the picture is no other than My DD. He was 3 years old pa lang sa picture niyang yun. At ayun nga, they brought him to me kaso sabi ko, hindi siya yun kasi nga bata yung nasa picture di ba? Tapos yung hinarap nila sa akin e ka-edad ko na din.

To their dismay, pinakawalan na nila yung bata kasama yung Mommy ata nito, later I eventually knew that it was the ever gorgeous Mrs. Megan Marie Dirham.

Ang lungkot ko nung umalis sila pero bumalik si Dyma nun sa room ko.

"I'll prove to you that it's me in the picture. Someday, I'll marry you. Pero pagaling ka muna ngayon ha?"

At pagkatapos niyang sabihin yun sa akin, he kissed me on the cheeks and run to the door and exited.

Napangiti na lang sila Mama at Papa nun, pero ako, naasar kasi nga ang nasa batang isip ko nun e hindi siya yung nasa picture.

And yes, my mission is to make him remember his promise at dapat tuparin niya yun!

A true man has a word, right? ;)

    Author's Note

    An entry to make Dylan Marco “Dyma” Dirham y Rivera mine! XD lol

    Archives

    April 2013

    Categories

    All