Picture
May crush ako kay Sebastian Denn Salvador. Bago naming classmate pagdating ng 3rd year sa high school.

Ang kaso noong mabanggit ko sa mga kaibigan ko na may bago kaming classmate na gwapo, sabi nila:

"Nyee. Hindi naman masyado."

"Ok lang."

"Sakto lang pero di gaano."

Na-disappoint ako sa tugon nila. 'Yon tuloy, di ko na sinabing crush ko 'yon.

Ewan ko, para sa akin kasi, importante 'yong tingin ng barkada kong 'to. Hindi naman din sila basta-bastang barkada lang.

They've been with me through thick and thin. And I've been with them when they're down at kapag walang maisagot sa test. :D

Totoo naman e. O sige para maniwala kayo, heto ang profile namin.

Le Me:

Name: Stefani Mari Reynolds

Age: 14 yrs. old

Bday: Oct. 10, 1998

Talent: W-A-L-A

Saan Magaling: MATHEMATICS, ENGLISH, SCIENCE. In short, ACADS at Love Advices

Description: Kulot, Maputi, Maliit, Chubby, Singkit ang mata, AND MAGANDA :D JOKE! PANGO. :)

friend1:

Name: Raiza Mae Miguel

Age: 14 yrs. old

Bday: Dec. 11, 1998

Saan Magaling: Ka-kikayan at VOLLEYBALL

Description: Morena, MAGANDA, SEXY at PANGO. :)

friend2:

Name: Jeramie Razon

Age: 14 yrs. old

Bday: Oct. 17, 1998

Saan Magaling: VOLLEYBALL at Kalandian, chos :p

Description: Matangkad, Maputi, Sexy, MAGANDA at Mahaba ang hair at PANGO. :)

friend3

Name: Ishy Laine Gargoles

Age: 14 yrs. old

Bday: November 5, 1998

Saan Magaling: Tagayan

Description: PUSONG-LALAKI, Maputi, GWAPO at PANGO :)

friend4:

Name: Aira Mesa

Age: 18 yrs. old

Bday: Oct. 17, 1994

Saan Magaling: EWAN

Description: MATANDA (Haha :)), MAGANDA, Katamtaman ang kulay, Maliit, at PANGO.

Pansin niyo ang similarities, di ba? :D

Kaya nga kami tinawag na TROPANGO.

Alam niyo ba kung sino ang may gawa nun?

YUNG CRUSH KONG SI SED :))))))

I thought ako yung nagbigay sa kanya ng SED na nickname.

Pero sabi ni Doy, yun din pala yung tawag ng family niya sa kanya. Sa school kasi, sa surname siya tinatawag.

Akala pa nga ni Doy sobrang pagiging stalker ko nalaman yung nickname ni Sed e.

Ang lungkot ko kaya nung nalaman ko yun. :(

Akala ko kasi ako lang nakaisip nun. :D

Ewan ba, pero ganun ako e.

Anyways, siya nagbinyag sa amin niyan after ng mga ilang months matapos ang first day at palagay na ang loob namin sa mga bagong salta.

Oo, halos lahat kasi kami sa Section 1, mula 1st year pa magkaka-klase.

Pero ayaw din naman namin isantabi 'yong mga bagong salta. Kaya idinadagdag namin sila sa barkada.

At 'yon nga. One time bigla ko na naisip sabihin sa isang bestfriend ko na si Elaine (di siya kasali sa TROPANGO) na crush ko si Sed.

Sinabi ko 'yon on phone.

Feeling ko kasi mag-eexplode na 'yong heart ko dahil ang tagal na niyang nakatago dun.

At tingin ko kasi mas lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya.

So I needed my bestfriend.

Ang tagal bago niya ko bigyan ng reaksyon.

Tapos bigla na lang siyang nagtext na:

"Bhes, pano pag nalaman mong isa sa mga kaibigan mo, may gusto din sa kanya?"

Ang sabi ko:

"Okay lang, crush ko lang naman e."

Totoo naman 'yong sagot ko.

Ayoko din naman sisihin kung sinuman 'yong hampaslupang kaibigan ko na nagkagusto sa crush ko. :D

Pero seriously, sinabi ko 'yon kasi alam ko naman na walang mangyayaring ganun.

At wala pa naman akong nasasabihang kaibigan tungkol dun.

Siya pa lang.

Tapos nagtext naman siya:

"Weee? Totoo?"

"Oo nga. Unli? Ulit-ulit?", reply ko.

"Kasi ano e..."

Hala ang hampaslupang ito, binibitin ako. Ano kaya yun?










"Hoy! Ano yun ha? Anong kasi....?"

"Wala, yaan mo lalakad kita dun."

"Hala nag-uusap na pala kayo? Bago yan ah. -_-"

"Hahaha, selos ka naman. Last week lang, nagkapalitan kasi ng number dahil magka-grupo kami sa Filipino."

"Ahh, okay."

Dun natapos ang usapan namin ng bff ko.

Tapos the next day, after ng nakakapagod na schooling at extra-curricular works, siyempre cellphone na naman ang hawak ko.

Got home. Pagoda ang beauty ng Lola mo.

GM. text?

Kailangan i-GM yun e :D

Tapos nagreply yung kaklase ko, si Glaiza (na kaibigan din ni Elaine).

"uy, Stef, may tatanong ako sa'yo."

"Ano yun?", reply ko

"Ano gagawin mo kapag 'yung crush mo may gusto sa kaibigan mo?"

Napaisip ako. Dama ko kasi "true-to-life question" yon.

Sino naman kaya 'yung pinag-aawayan nilang crush? At sinong involved na magkaibigan dun?











"Sino ba involved jan ha?", tanong ko.

"Sagutin mo na lang."

"Aba, magagalit ako sa kaibigan ko pag pinatulan nya yun. Syempre sinabi ko naman sa kanyang crush ko yun tapos may gusto pala siya?"

"E bakit ka magagalit dun sa kaibigan mo e yung crush mo naman yung may gusto dun?"

"Sino ba kasi involved jan ha?"

Naiinis na kao kasi kinukutuban na ako.

"Si Elaine. May gusto daw kasi sa kanya si Sed."

HUWAAAATTTTTT????!!!!! 

Yan ang unang reaksiyon ko pagkabasa ko ng text na yun ni Glaiza.

Tae, kaya pala sila nagkaka-text na.

Kaya pala.....

F

A

S

T

F

O

R

W

A

R

D

Sumunod na linggo, bday ng classmate namin at malapit din sa amin ni Elaine.

Kami ni Elaine? Di pa ulit nagpapansinan. Matapos yung sinabi sa akin ni Glaiza, tinanong ko siya para kumpirmahin.

"Oo, bhes. Magkasama kami nun ni Glaiza nung tinanong niya sayo yun. Sorry di ko kasi alam pano sasabihin sayo."

"Kelan pa?"

"Mga 2weeks bago mo pa sabihin na may crush ka dun."

"Kayo na ba?", ang sakit. Ang daming magugustuhan ng crush ko, sa bestfriend ko pa?! PUSANGGALA naman. >_<

"Hindi pa, baliw. Gusto pa lang niyang manligaw. Pero nung sinabi mo nga na crush mo siya, nagdalawang isip na ko. Sinabi ko rin sa kanya yun."

"Pero gusto mo siya?"

"Oo, parang."

Ouch, bhes. Sobra kong na-feel yung sakit.

Ang sakit pala nun no?

First time. ;(

*end of convo namin*

Araw na ng bday ng classmate namin.

Invited ako, kami ng Tropango.

Kasama din dun si Elaine, Glaiza at Grasya na isa pa nilang kaibigan.

Di pa rin kami nagpapansinan.

Nagtext siya.

"Uy, bhes! Galit ka?"

"Hindi."

Totoo naman hindi ako galit. Nasaktan lang ako.

At ayokong plastikin yung bff ko na okay lang yung mga sinabi niya sa akin kasi HINDI!

"E bakit ayayw mo kong pansinin?"

"Masakit kaya."

"Parang tanga 'tong dalawang to. Mag-usap nga kayo hindi yung sa text pa kayo nag-uusap. Katapat niyo lang isa't isa o." Sabi nung isa naming classmate na nali-link dun sa bday celebrant at close din naman namin at tropa ni Sed na si Doy.

"Oo nga, bestfriends kayo di ba? Para kayong baliw. Lalaki lang yan." Sabi naman ni Grasya.

Lumapit sa tabi ko si Elaine.

"Uy, bhes. Di ka talaga galit?"

"Hindi nga. unli?"

"E kasi e..."

"Hindi talaga, promise."

Tapos nagkayayaan pumunta ng Mall Of Asia.

May fireworks display din kasi nun dahil araw ng Sabado.

"Bhes, sama ka ha?" Sabi ni Elaine.

"Ayoko, kasama si Sed e."

"E di hiwalay tayo sa kanilang boys." - Elaine

"Bakit mo ba ko gustong sumama?"

"Sige na. Syempre gusto kita kasama."

"Oo, uuwi muna ko. Papaalam kay Mama."

"Bumalik ka dito ha?"

"Oo."

At pagdating namin ng MOA, nauna na dun sina Sed gaya ng sabi ni Doy.

Hayun usap sila ni Elaine at Sed.

Hinayaan ko na rin naman.

Ewan ko, feeling ko kasi mas mahal ko talaga bff ko kaysa sarili ko.

At kung anong makakapagpasaya sa kanya, kaligayahan ko na rin.

Korni ba? E totoo naman e. -_-

Minsan na ring nabigo yun. Kaya etong may dumating lang na taong makakapagpasaya sa kanya?

Ayoko ng mawala pa sa kanya yun.

Gusto ko rin siyang sumaya na.

Isa pa, wala naman akong magagawa kung siya ang gusto o rather, mahal ni Sed.

WALA akong karapatang humadlang.

At sabi nga nila di ba, "Ang LALAKI, marami nyan. Pero ang bestfriend? NAG-IISA LANG YAN sa buhay mo. KAYA nga siya BEST di ba?"

At sisiguraduhin ko sa Mamang Sed na yun na iingatan talaga niya ang bestfriend ko.

Aba, wag siyang magkakamali. Pinagpalit ko yung paghanga ko sa kanya for the sake of their love story. :>

------

Hey salamat sa pagbabasa! :) Please do like. ^__^